Chapter Twenty Four

31 1 0
                                    

A/n: If you skipped the last bit from the last chapter, that's totally fine. You're safe here now. It will still be mentioned (kaunti lang) of course but not as much.

Reader discretion is advised.

CHAPTER TWENTY FOUR - Maximilian Andrei Ramos

Third Person's PoV

It was a Christmas to remember for all of them. Especially Shane.

She never got to celebrate Christmas with Kieran and Dylan before even ten years ago. She always spent her holidays abroad with her parents and the Maclain's. Now she knows what it feels like to celebrate with her loved ones.

And how she gets to celebrate as a new mom.

May bagong miyembro sa pamilya nila ni Kieran. Pagkatapos iburol si Fatima, prinoseso agad ni Shane mga papeles ni Max at legal siyang inampon. Kinikilala na siya ngayon bilang nanay niya at si Kieran ang tatay.

Their first child together.

Simula noong gabing 'yon, madalas ng yakap ni Shane si Max at dinadala kung saan man siya pumunta. Nangako siya kay Fatima sa burol niya na aalagaan niya si Max na parang tunay niyang anak, kahit na wala siyang balak magkaanak.

Pagkasapit ng bagong taon, nagdesisyon sina Kieran at Shane na lumipat sa dating mansyon ng babae at doon manirahan. Mas malawak ito at mas magandang environment sa pagpapalaki kay Max.

Binigyan din nila ng sariling kwarto si Dylan at sarili niyang studio kung saan niya pwedeng gawin mga fashion designs niya. Tuwang tuwa naman siyempre ang batang makabalik sa mansyon lalo na't kasama niya si Shane.

Kahit na binalik ni Shane mga dati niyang servants, kasama si Lim, para magtrabaho sa bahay nila ni Kieran, siya lang ang nagayos para sa sariling kwarto ni Max 'pag lumaki na ito. Pansamantala munang sa kwarto nila ang crib ni Max para mas maiiging mababantayan.

Having a baby inside the master's bedroom of course put their sex life on hold. Much to their disappointment.

Unang binalikan ni Shane sa mansyon ay yung garden niya. Malaking greenhouse ito na gawa lahat sa salamin. Hugis niya ay parang dome at may malaking fountain sa gitna.

Walang nabuhay na mga halaman niya sa loob ng garden. Lahat ay nalanta sapagkat nawala si Shane ng sampung taon. May bitak na rin at lumot sa fountain. Hindi ito pinaandar simula nung iniwan niya ito.

Pero sa loob ng greenhouse garden niya ay may tatlong pasong may tanim na carnations. Marahang natawa si Shane at napailing.

Doon kinukuha ni Kieran yung mga binibigay niyang bulaklak na naka-jar sa kanya.

Nag-hire si Shane ng mga hardinero at landscaper para ibalik yung dating ganda ng garden niya.

Sunod niyang pinuntahan yung private library niya nang karga si Max na kuryosong linilibot mga mata.

"And this is Mommy's haven." Pumasok sila sa loob ng library. Namangha si Shane dahil andoon pa rin mga libro niya. Hindi niya magawang dalhin mga iyon sa America dahil sa baggage limit ng airport. "Your daddy must have been cleaning this place weekly because of how clean it is."

Bumili ng mini playground si Shane at pwinesto iyon sa loob ng library para makapaglaro si Max habang siya'y nagbabasa.

Pagkaumuuwi galing trabaho si Kieran, naaabutan niya mga magiina niya sa kusina. Nasa lamesa si Dylan gumagawa ng homework. Si Max ay nasa high chair at linalaro yung hawak niyang kutsara. Si Shane naman ay inaaral mabuti yung hawak niyang recipe ng mashed potatoes sa cookbook na binili niya.

THE BAD BITCH AND THE DOCTORWhere stories live. Discover now