Chapter Forty Six

19 1 1
                                    


CHAPTER FORTY SIX - Carousel

Third Person's PoV

"I'm taking everything."

"Everything po?!"

"Did I not say it clearly?" Shane said sharply, raising a brow at the department store associates. Tinuro niya bawat naka-hanger na damit. "Everything. Bag them all up."

"M-masusunod po!" Nagsikuha naman agad ng carts mga associates at sinunod utos ni Shane.

Walang emosyon silang tinignan isa-isa ni Shane habang tinutulak yung stroller kung saan nakasakay si Max na naka-pacifier.

"Dinosow, Mommy! Rooaaaar!!" Tinuturo ni Max yung nadaan nilang mga dinosaur plushies. "Mommy, pwis? Dinosow?"

Na-cutean si Shane, "Of course, my baby. Thank you for saying please." Lumambot ang tono nito't pinasok sa cart yung blue na t-rex plushie. "What about you, Dylan? Do you want anything?"

"Need I remind you that I'm thirteen, Mommy?" Natatawang sagot ni Dylan na nasa tabi lang niya.

Nakasuot siya ng makapal na hoodie kahit mainit at shades para 'di siya makilala ng mga tao. Mahirap na kapag dinumog sila bigla ng mga fans. Buntis ang mommy niya at ta-tatlong taong gulang pa lang si Max. Pareho sila'y 'di pwede sa crowded spaces.

Pinisil ni Shane pisngi ni Dylan. "I know. I can't believe you're growing up too fast. Are you sure you don't want any mini castles? Or Barbie?"

"Mommy..."

"Right, I'm sorry. You're almost a full-grown woman now." Tipid na ngumiti si Shane at huminga nang malalim. "Sooner or later, you'll get a boyfriend. Or a girlfriend, you'll never know. Introduce them to me agad ha?"

"I don't think Papa would let me date this young." Sabi naman ni Dylan at kinuha yung plushie na marshmallow. "He said the only time I can date someone is when I turn twenty."

Marahang tumawa si Shane, "You'll never know, babe. You can't really control your feelings once you've fallen for someone."

Saglit na napahinto sa paglalakad si Dylan bago umiling. Nahuli ni Shane kung paano naging isang linya ang bibig ng anak niya kaya natawa na lang siya.

"When you choose what your heart is telling you, don't forget to also choose yourself. Okay, kiddo?" She playfully nudged Dylan's arm. "Ipakilala mo 'yan sa akin kapag handa ka na."

Walang imik na tumango si Dylan.

Pagdating nila sa kahera, hinugot ni Shane yung pitaka niya't linabas ang kanyang credit card.

Kinabahan si Dylan sa sobrang rami nilang pinamiling gamit para kay Keenan. Mas kinabahan siya nang umabot mahigit sa sampung libo yung total.

Kinalabit niya si Shane, "Mommy, hindi kaya magagalit si Papa dito?" Dapat nga nasa bahay lang silang magiina ngayon pero naisipan bigla ni Shane na pumunta ng mall nang walang pahintulot kay Kieran na nasa ospital.

"Who are you more scared of? Me or your father?"

"Papa po."

"You're absolutely correct. Please don't tell him." Binayaran na ni Shane lahat ng iyon. "Kuya Lim, pasuyo na lang po sa ibang shopping bags."

"Opo, Mrs. Shane." Binuhat ni Lim yung anim na malalaking shopping bags na naglalaman ng mga mamahaling sapatos at damit ni Keenan. "Mauuna na po ba ako sa bahay para iuwi mga ito?"

"If you don't mind po. I'm taking the kids for a walk inside the mall." Sagot ni Shane. Hindi umalis yung alala sa mukha ni Lim. "I'll be fine. I have the idiot with me."

THE BAD BITCH AND THE DOCTORWhere stories live. Discover now