Chapter Thirty Seven

30 1 0
                                    

A/n: Now we get to hear Kieran's side of the story ten years ago. Also, ang cravings natin for today ay kamay ni DPR Ian. Like, have you guys seen the Don't Go Insane choreo? aaaAAAHHHH.

CHAPTER THIRTY SEVEN - Don't Go (Part 1)

Kieran's PoV

TEN YEARS AGO

Hindi pa rin siya sumasagot.

Sinusubukan ko pa rin siyang tawagan pero nauuwi lang sa voicemail. Kinabahan ako bigla. Sana naman walang masamang nangyari sa kanya.

Naka-ilang tawag at text na ako sa kanya para sana sabihing nakarating na ako sa JFK airport. Wala pa ring reply. Pagkabukas ko ng social media, naka-deactivate na mga accounts niya.

Baka nagloloko lang yung WiFi ng airport kaya ayaw mag-load. Sinubukan ko siyang i-message sa Messenger.

This person is not available.

Blinock niya ba ako? Bakit naman ganito?

Isang linggo na nakalipas. Wala pa ring reply. Sinisita na ako ng professor sa klase kasi mas nakatutok ako sa phone kesa sa lectures niya. Kung anu-ano na pumapasok sa isip ko kakaisip kung anong nangyari sa kanya.

Mabigat sa pakiramdam tuwing naiisip kong baka naisugod siya sa ospital o ano. Kakatapos niya lang ding umakyat sa entablado para sa graduation niya. Masama pa rin sa loob kong 'di ko man siya nakitang nakasuot ng toga.

Dalawang linggo na nakalipas at wala pa ring reply. Imposibleng walang nangyari sa kanya sa lagay na ito. O baka naputulan lang talaga siya ng Internet connection? Hindi ko na alam. Gulong-gulo na ako. Hindi ko na matutukan yung lectures kakaisip kung ano nangyari sa kanya.

Sa bawat oras, napapasilip ako sa phone ko. Zero notifications. Magiisang buwan na wala pa rin. Tinawagan ko rin si Vincent at baka may alam siya pero pati siya hindi sumasagot. Tinawagan ko rin si Kuya Lim. Maski siya walang responde.

Hindi ako makatulog. Wala akong ganang kumain. Nakakakain kaya siya? Sana naman oo. Baka masyado lang siyang pagod kakaaral ng law kaya 'di niya maharap tignan phone niya.

1,533 missed calls. 589 messages. 148 voice messages.

Wala pa rin.

Napagdesisyunan ko na lang na umuwi ng Pilipinas. Hindi maaaring hindi ko alam kung ano ng estado niya. Bahala na kung may na-miss akong test ngayon. Uuwian ko siya. Uuwi ako.

Shane, maghintay ka lang.

Gabi na nang makarating ako sa Manila. Pagkababa ko ng taxi sa harap ng gate ng mansyon, walang nakasinding ilaw sa loob. Wala ring sasakyang nakaparada sa garahe. Higit sa lahat, walang tao sa loob.

Anong nangyari?

Nanghina mga tuhod ko sa sobrang kaba. May nangyari kayang masama? Nasaan siya ngayon?

Hindi naka-lock yung gate nang buksan ko ito. Sumilip ako sa loob at nakitang wala na ring laman yung sala. Parang ibanduna yung bahay. Alikabok na lang ang nakatira sa loob. Naghalo-halo na mga katanungan sa isip ko. Saan siya nagpunta? Anong nangyari sa kanya? Ayos lang kaya siya?

"Kieran."

Lumingon ako kay kuya Lim at nakita siyang gulat na gulat na makita ako.

"Kuya Lim..." siguro gawa na rin ng isang buwan na wala akong matinong tulog nanghihina mga binti ko't nahihirapang huminga at tumayo, "nasaan siya?"

"Iho," yumuko si kuya't umiling, "pasensya na iho."

"Nasan siya, kuya?" Pag-uulit ko. Nanlalabo na paningin ko. 'Di ko napansing tumutulo na pala luha ko. "Kuya Lim, parang awa mo na. Nasaan siya?"

THE BAD BITCH AND THE DOCTORWo Geschichten leben. Entdecke jetzt