Chapter Forty Three

31 1 1
                                    

A/n: Reader discretion is advised. Someone told me I should just put 'spicy scene ahead' to avoid confusion. So like...slightly spicy scene ahead, I guess?

CHAPTER FORTY THREE - Modern Medusa

Third Person's PoV

Nagsidagsaan mga reporters sa exit ng airport para makakuha ng panayam. May nagkalat sa media na paparating sila ngayon.

Lahat sila ay gustong makita kung totoo ba yung kumakalat na balita na buhay si Natasha Stanley at kung totoo bang si Anastasia Shane, ang kinilalang anak ng mga De Vera, ang magiging abogado niya.

Hinubad ni Kieran yung suot niyang jacket at iyon ang ginamit ni Natasha na pangtakip. Nakapatong ito sa kanyang ulo at nagsuot din ng sunglasses.

Nauna si Shane na humarap sa kanila at sinadyang sa kaniya nakatuon ang atensyon ng mga camera. Nagtutulakan yung mga reporter at inaagaw ang atensyon ni Shane.

"Totoo po bang kakasuhan niyo ang mga De Vera?"

"Ano na po yung update ng kaso laban sa mga De Vera?"

"Totoo po bang pineke ng mga De Vera ang kamatayan ni Natasha Stanley upang ibenta siya bilang sex worker sa Japan?"

"Ano po ang masasabi niyo tungkol sa paratang ng mga De Vera na defamation lang ang nangyayari?"

The last reporter caught Shane's attention. Mas lumiwanag mga flashes ng camera nang umawang mga labi niya.

"As you can see, Natasha Stanley is standing behind me. Alive and well. That goes to show that Anton and Divine De Vera lied to media thirty five years ago regarding her disappearance. The truth is bound to come out and justice must be serve. I..." direkta niyang tinignan yung isa sa mga camera, "will make sure of it."

Kumindat siya.

The whole world is watching her, and she gives them a show.

There in the background behind her is Doctor Kieran Josh Ramos watching her with pride.

-

"Mommy!"

Kumaripas ng takbo si Dylan papunta kay Shane at yinakap siya sa may tagiliran. Yinakap din siya pabalik ni Shane at hinalik-halikan ang pisngi niya.

"Thank goodness you're safe." Shane breathed out, kissing Dylan's hair again. "You're safe."

"Look oh, Maxi. Your mommy's here." Buhat ni Priscilla si Max na ngayo'y tumatadyak-tadyak sa sobrang saya nang makita si Shane sa may pintuan. "Off you go." Binaba niya yung bata.

"Hi there, my little man." Bumitaw na muna si Shane kay Dylan para kargahin si Max. Hinalik-halikan niya rin pisngi niya't huminga nang maluwag. "I miss you two so much."

Hawak ni Shane yung dalawa niyang mga anak. Gumaan ang pakiramdam niya nang maramdaman sila ulit. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa mga bata simula noong nabalitaan niyang nakasunod na naman yung DVL na sasakyan.

"Holy shnizzles, Shaney!" Tumitili si Priscilla na lumapit at saka hinawakan yung baby bump ni Shane. "Preggo ka na! OMG! Ilang rounds ito?"

Sinamaan siya ng tingin ni Shane at sumenyas na nakikinig lang si Dylan sa tabi niya.

"Sorry, na-excite lang. Wow, girlie. You gained weight! I'm so happy! You look really healthy." Kumplimento ng kaibigan at linapit ang bibig sa belly. "I can't wait to meet you. Auntie Pri will spoil you, I promise."

"Sus. Kay Shane pa lang spoiled na 'yang bata." Pumasok si Kieran hila-hila mga maleta nila paloob ng vacation house ni Priscilla sa Zambales. "Thanks again for watching the kids, Pri."

THE BAD BITCH AND THE DOCTOROn viuen les histories. Descobreix ara