Chapter 3: Sa Iyo

4.4K 121 11
                                    

AUTHOR's NOTE:

Medyo mabilis ang mga susunod na pangyayari. Kapit lang po. ColdFire19, ito na yung dedication. LOL. :P

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 3

Hindi ito tunay na pag-ibig ngunit lagi kitang susulyapan mula sa malayo

habang hinihintay na makasakay ka na ng jeep na magdadala sa iyo sa bahay ninyo.

Hindi ito tunay na pag-ibig ngunit araw-araw kang hahanapin ng mga mata ko

sa kung saan ka ba nanggaling at kung saang lupalop ka ng mundo tumungo.

Hindi ito tunay na pag-ibig ngunit patuloy aabutin ng aking kamay ang iyong kamay

at hihiling sa langit na ikaw ang makatabi at makasama sa yugtong ito ng aking buhay

Hindi ito tunay na pag-ibig dahil sa mundong ito, ang anumang pwedeng maging tayo ay hindi totoo.

Nagpalakpakan ang mga tao matapos magrecite ng kanyang spoken word poem si Ethan habang ang kaibigan ko naman ay nagpunas lang ng pawis. Hindi ako makapaniwalang first time niya rito sa Sev's Café kung saan nagkakaroon ng open mic para sa lahat ng gustong magrecite ng kanilang spoken word poem. Kung hindi ako nagkakamali e dito nagsimula si Juan Miguel Severo, ang tinaguriang Hugot King dahil sa mga isinulat niyang daig pa ang DPWH kung makapagbungkal ng mga pinaghuhugutan.

Ito pala yung dahilan kung bakit kami pumunta rito sa Malate at hindi para magpavirgin sa kung sinumang makatipo sa amin.

"Ang lakas makahugot a. Balak ring magtrending?", nakangiti kong bati sa kanya ng bumalik siya sa may pwesto namin.

"Utot mo!", pansin sa kanya na kabado pa rin siya dahil sa pagpapawis at paminsan-minsang panginginig nito.

"Saan mo nga pala nahugot yung ginawa mong tula na iyon?", tanong ko sa kanya. Sa totoo lang kasi e hindi naman siya yung tipo ng tao na sa tingin ko ay magsusulat ng ganon lalo pa at alam ko namang matulog lang at maglaro ng basketball ang favorite pastime nito.

"May tao kasing gusto ako noon at yan yung tula ko para sa kanya...", biglang sumeryoso ang mukha niya tapos ay tinawag yung waiter at umorder ng beer, tig-isa kami.

"So who's the lucky girl?", tanong ko sa kanya.

"Nosy as ever. Anyway, bakit di mo i-try gumawa ng tula at sumabak sa stage?", tanong niya sa akin.

"Ano ba ang alam ko sa mga pagsusulat na ganyan? Saka ok na ako sa pagbabasketball, wala lang naman talaga kasi akong talent sa ganyan."

"Dami mong sinabi sana humindi ka na lang.", bato niya ng salita sa akin.

Nadagdagan ang unang round namin ng alak na umabot pa sa tig-isang bucket, isang bagay na hindi namin kadalasang ginagawa maliban na lamang kung kasama ang buong tropa at nakatambay lang kami sa bahay ng may bahay.

Tila hinehele ako ng kanta sa paligid at dumagdag pa ang hilo na dulot ng alak.

Malabo ang mga sumunod na pangyayari, ang alam ko na lang ay sumakay kami ng taxi para umuwi na sa boarding house na tinutuluyan namin pero dahil may curfew ay walang nagbukas sa amin para makapasok. No choice kundi tumuloy sa pinakamalapit at murang hotel.

Lasing man at hilo ay pansin ko pa rin ang tingin ng ilang mga tao na mulat pa ang mata sa oras na ito. Naglakad kami patungong Doroteo Jose kung saan makikita yung isa sa mga murang hotel na alam ko.

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon