Chapter 7: "Mahal Kita"

2.9K 86 6
                                    

CHAPTER 7

"Tol, bangon na.", nakangiti kong sambit kay Ethan habang nagpupungas at tila wala pa sa tamang ulirat na banaag sa lukot niyang mukha at gulong buhok.

"Anong oras na ba?", sambit nito sa akin.

"Oras na para bumangon. Sunday ngayon kaya mahaba ang pila ng bus.", tugon ko.

"Bus?", nanlaki bigla ang mata niya at tumutok ng titig sa akin. "Saan tayo pupunta?"

"Basta.", ang tanging tugon ko sa kanya at pinagmadali ko na siyang maggayak para makaalis na kami agad.

Time check: 7:00 am.

Matapos ng halos dalawampung minuto ay nakaalis na rin kaming dalawa ni Ethan at handa na kami para mag-ikot sa Marikina at sa mga karatig na lugar sa Rizal.

First stop. Breakfast at Cocina

Ang lugar ay mayroong old Spanish theme at para sa isang buffet na breakfast ay napakamura ng presyo nito. Hindi ganoon ka-espesyal ang pagkain pero hindi na masama ang choices para sa presyo nito.

Matapos makakuha ng pagkain ay dumiretso kami sa gawing dulo ng kainan at doon umupo.

"Ginising mo ako ng maaga para sa breakfast buffet?", sambit sa akin ni Ethan habang umiinom ng kape.

"Ayaw mo ba?"

"Syempre gusto pero hindi lang ako sanay ng sinusurprise at saka having all these things before moving out would make me miss you more.", nakangiti niyang sambit.

"Pero ang gusto ko lang naman kasi e makasama ka at gumawa ng mas maraming memories habang may oras pa tayo na magkasama."

"Tol, magtatrabaho lang ako sa ibang bansa. Hindi naman ako madedeads.", natatawa niyang tugon sa sinabi ko.

"Ewan ko sa iyo. Umuwi na lang tayo kung ganoon lang naman pala.", hindi ko na mapigilan ang sumimangot dahil sa sinabi niya. Ginawa ko naman kasi ito para kahit paano ay mayroong mga bagay siyang maalala na tungkol sa "kami" at hindi lang sa pagiging magkaibigan. Shit. Drama King. Buset.

"Sorry na. ayoko lang kasi na mamiss ka lalo. Anyway, you're right. Let's make this day an epic one!", sabay kindat niya sa akin.

Matapos ang nakabubusog na almusal ay lumabas na kami at nakita namin ang simbahan sa tapat ng kainan. Isa raw ito sa mga dinarayong simbahan sa Marikina dahil marami na raw ang mga debosyong natupad rito.

"Ano'ng simbahan iyan?", tanong sa akin ni Ethan.

"Our Lady of the Abandoned, para sa mga taong iniwan at wala ng tumanggap?", nakangisi kong sambit na sinamaan niya lang ako ng tingin na parang sinasabi niyang ang ewan kong kausap na totoo naman.

Tinungo namin ang simbahan at bago pa man pumasok ay bumili na rin kami ng mga kandila para magamit namin sa pagdarasal. Nang marating namin ang lugar na pinagtitirikan ng kandila ay umusal muna kami ng panalangin matapos sindihan ang mga kandila.

Sa puntong iyon ay nakita kong nakapikit si Ethan at taimtim na nananalangin habang ako nakatitig lang sa kanya dahil ang dinarasal ko lang sa ngayon ay ang makasama siya ng mas mahaba, na ang araw na ito ay hindi namin makalimutan... ang dasal ko ay siya.

"Serious tayo a.", sambit ko sa kanya na patungkol sa panalangin niya. "Ano ba ang deal mo kay Lord ngayon?"

"Wala naman. Sabi ko lang e thank you kasi kasama kita ngayon.", tapos ay ngumiti siya. Hindi na rin ako nagtanong masyado dahil baka maging mas cheesy pa siya.

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon