Chapter 20: He's Back

1.9K 89 19
                                    

CHAPTER 20

Umorder ako ng isang barbecue ribs at pasta alfredo gayundin si Ethan na parang nagkagulatan na nga lang kami na pareho kami ng order. Hindi ko na lang pinansin kahit pa nga kapwa bottomless iced tea ang inorder naming inumin.

"Pati ba naman pagkain? Daig ninyo pa kami sa couple's food ninyo a.", natatawang pang-aasar ni Ram.

"Couple's food? Agad agad? Hindi ba pwedeng masarap lang itong combo na ganito kaya pareho kami ng naorder?", tugon ko na may pagka-OA.

"Defensive?", si Ram.

"Defensive ba ako? Ako pa ba? Ano naman ang ikakadefensive ko rito?", pagpapatuloy ko.

"Relax. Hindi naman tayo couple di ba?", sabat ni Ethan.

Natigilan ako sa sinabi niya, tumugon na lang ako ng mahinang tango at hinarap na lang ang pagkain ko.

Alam ko na mali ang maramdaman ito lalo pa at kami na ni Primo na mahal ko na ngayon pero may kung anong lungkot sa akin nang sabihin ni Ethan na walang kami. Masakit iyon para sa akin na sa kanya pa nanggaling na tapos na ang lahat kahit pa nga limang taon na itong tapos.

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa magsimula na naman ang small talks tungkol sa buhay buhay naming apat na sinimulan ni Aries.

"Kamusta naman ang buhay mo sa Singapore, Ethan?"

Sandaling napatigil si Ethan saka sumagot ng casual lang. "Ok lang naman. Nothing big. Masyadong work-oriented ang marami kaya minsan nakakabore na rin lalo pa ngayon na lumipat ako sa dorm na malapit sa office."

"Bakit ka lumipat? May apartment kang tinutuluyan dati di ba?", sabat ko.

"Ahh, nagbreak na kasi kami ni Anica kaya kailangan ko ring lumipat. Ang awkward kasi na hiwalay na kami pero magkasama pa rin sa isang bahay.", tugon niya sa akin.

"Ohh... nagbreak na pala kayo nu'ng chick mo. Bakit?", si Aries.

"Nafall out lang siguro because of too much familiarity.", seryoso si Ethan.

"So you were really in love with her?", hindi ko napigilan ang tanong ko. Alam ko na wala ako sa lugar sa tanong ko pero gusto kong malaman kung minahal niya ba si Anica dahil ang sabi niya sa akin noon ay napipilitan lang siya at ako lang ang mahal niya.

Hindi siya sumagot. Hindi na rin ako nagtanong.

Tahimik kami ulit.

Sa totoo lang ay hindi ko malasahan ang kinakain ko dahil kanina pa ako nagpipigil ng emosyon. Alam mo lang yung pakiramdam na hindi ka na dapat nasasaktan at nagrereklamo kasi ang tagal na noon pero heto ka at nararamdaman ulit ang putanginang sakit dahil sa panloloko at pang-iiwan niya sa iyo sa ere limang taon na ang nakakaraan.

Mas naging tahimik ang mga sumunod na sandali kaya pinilit kong bilisan ang pagkain para magmadali na rin sila. Gusto ko na lang matapos ang gabing ito at kung pwede ay bumalik na lang si Ethan kung saan siya nanggaling... sa nakaraan.

Tahimik kaming natapos sa pagkain namin. Wala masyadong usapan pero batid rin siguro ng bawat isa na kailangan ko ng oras para maabsorb ang lahat. Hinatid ko sila at napagpasyahan kong di na bumaba sa sasakyan nang makarating sa bahay nila Aries.

"Bye! See you sa Sabado for your wedding.", nakangiti kong sambit sa lovebirds kong kaibigan tapos ay kumaway na ako sa kanilang dalawa. Si Ethan naman ay hindi pa rin kumikilos sa inuupuan niya na tila walang balak umalis. Iba rin talaga ang tama nitong taong ito e.

"Ayy... dito na rin po kayo bababa. FYI lang.", naiinis kong sambit sa kanya.

"Oo nga Ethan. Tara na sa loob.", sambit ni Ram.

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon