Chapter 10: Caught and Distraught

2.3K 77 34
                                    


CHAPTER 10

"Iba rin dito. Astig", sambit ko sa sarili nang umapak ako sa airport ng Singapore. Katulad lang ito ng sinabi ni Ethan na malinis, organisado at napakalaki ng airport na ito. Maliban sa medyo hassle ang higpit ng security ay masasabi kong talagang iba ang pakiramdam dito. Nakakaintimidate to some point lalo pa't ito ang unang beses na lumabas ako ng bansa.

Alas-dos ng hapon ako nakalagpas ng tuluyan sa immigration at madali rin naman akong nakakuha ng taxi para makadiretso na sa opisina ng pinag-aapplyan ko.

Medyo nakakatanga lang rin pati ang pagsakay ng taxi dahil baligtad ang pwesto ng driver dito kumpara sa Pilipinas. Bukod doon ay napakasaya ng biyahe dahil mabilis ito at walang gaanong traffic.

Nang makarating ako sa building ng office ay agad akong pumunta sa receptions area para itawag sa interviewer ko na nakarating na ako. Itinuro sa akin ang daan patungo sa lugar kung saan magaganap ang interview at nagpasalamat na lang ako.

Bago ako pumasok sa kwarto ay nagsalamin muna ako gamit ang cellphone ko at pinractice ang killer smile ko. Naisip kong kailangan kong maipasa ang interview na ito para tuluyan ko ng makasama ang taong mahal ko.

Kumatok ako sa kwarto at natunghayan ko sa loob ang isang middle-aged na Caucasian guy.

"Good afternoon Sir.", bati ko sa hiring manager na mag-iinterview sa akin.

"Hi, you must be Justin Diego Villa. Please take a seat.", at itinuro niya ang upuan na sa gilid ko. Umupo na ako agad at nagsimula na kami sa interview.

Magaan ang naging takbo ng interview at palagay ko ay malaki ang chance ko na matanggap sa trabaho.

"Before I end this interview, could you tell me one reason why you decided to work here in Singapore instead of just staying in your country?", tanong sa akin ng future boss ko.

Medyo off-guarded ako sa tanong na iyon tapos ay naisip ko bigla si Ethan: ang mga araw na magkasama kami at ang mga pagkakataon na napupuno ang araw namin ng tawanan gayundin ang mga laro namin ng basketball sa court.

"I... I chose to work here because somehow it would make me feel closer to the people that I love.", nakangiti kong sambit.

"And I thought your family is in the Philippines?"

"Yes. That's correct but...", parang medyo naaalangan akong sagutin ang tanong niya dahil ayoko namang madulas na may boyfriend ako sa Singapore. Hindi pa rin kasi ganoon ka-open ang mga tao dito tungkol sa usapin ng same-sex.

"Well, I think it's enough. My question is too personal and I shouldn't have asked that. I am sorry.", nakangiting sabi sa akin ng mama na nasa harap ko.

"No worries.", nakangiti kong tugon.

"I think that's it for today, Mr. Villa. Please expect a call tomorrow for the feedback but nevertheless, I want you to know that I am impressed with how you carried yourself today.", panghuling salita ni Mr. Carter at nagpasalamat na rin ako at umalis.

Nang makalabas ay tiningnan ko ang relo ko at halos alas-singko na. Ito rin ang oras ng labas ni Ethan sa trabaho kaya hindi na muna ako pupunta sa address na binigay niya. Bibili siguro muna ako ng ice cream dahil pareho naman naming hilig iyon tapos habang kinakain ay manonood na lang kami ng movie. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa mga tumatakbo sa isip ko.

Nakarating ako sa supermarket sa tulong na rin ng mobile data mula sa binili kong sim card at ilang mga taong napagtanungan ko. Nakakagulat lang din dito kasi wala 'yung mga nakasanayang ice cream brand, ang familiar lang ako e yung Ben & Jerry's kaya iyon na lang ang kinuha ko kahit may kamahalan kumpara sa mga nabibili sa Pinas.

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon