Malaya

2K 107 12
                                    

CHAPTER 23

"Beer?", alok sa akin ni Ethan. Agad kong kinuha ang bote at tumungga na rin ako mula rito.

"Nawala ka kanina sa kasal a.", panimula kong bati sa kanya na kasalukuyan ng nakaupo sa buhanginan katabi ko.

Hindi siya agad sumagot bakus ay parang napangiti lang siya at umiling.

"Ano 'yung naramdaman mo nung kinakasal si Aries at Ram?", tanon niya sa akin.

"Masaya. Biruin mo, sa haba ng kwento nila at sa lahat ng pinagdaanan nila, nauwi rin sila sa happy ever after.", nakangiti kong sabi. "Ikaw ba?"

"Masaya rin siyempre ako para sa kanila pero hindi ko maiwasang isipin na kung nagpakatatag lang ako at hindi ko sinuko ang tayo noon e malamang, tayo pa rin at baka kinakasal rin tayo.", malungkot niyang tugon. Pareho lang rin naman pala kami na nanghinayang sa mga nangyari.

"Alam mo ba na noong umalis ka e halos mamatay ako?", kalmado kong sambit sa kanya pero alam kong batid niya ang tono ng panunumbat galing sa akin.

"Oo. Alam ko lahat ng nangyayari sa iyo noon. Walang araw na hindi ko inalam kung kamusta ka na ba o ano na ang nangyayari sa iyo pero duwag kasi ako kaya kahit alam kong nahihirapan ka na ay pinanood lang kita sa malayo.", mahabang sabi niya. Pinunasan niya rin agad ang luha na pumatak mula sa mga mata niya.

"Naghiwalay na kayo pero hindi ka pa rin bumalik."

"2 years ago e tuluyan ko ng hiniwalayan si Anica at sabi ko noon babalikan kita pero tinawagan ko si Aldrin and he said that you are happy with your new found guy kaya hindi na kita ginulo. Bakit hindi mo ako hinintay?", naluluha niyang sabi.

"Hindi totoo iyon. Primo and I got official just this year. He was just a supportive friend for the longest time hanggang sa dumating ang limang taon na wala ka pa at naisip ko na baka hindi ka na babalik kasi kung babalik ka, bumalik ka na matagal na.", hindi ko na rin napigilan ang maiyak. Sa puntong ito ay parang bumukas lahat ng sugat na akala ko ay pinaghilom na ng panahon.

"Pero hindi ko alam na may babalikan pa ako noon."

"O baka hindi ka na rin siguro noon na karapat-dapat na balikan ako."

Umiling siya saka hinawakan ang kamay ko.

"Ikaw lang ang taong minahal ko ng ganito kaya please, wag mong pagdudahan ang intensyon ko na bumalik. Inisip ko lang noon kung ako pa ba ang magpapasaya sa iyo kung iniwan kita noon."

"So bakit nandito ka? Sana hindi ka na nagpakita.", galit kong sambit at tumayo na ako para maglakad palayo pero isang yakap mula sa likod ang binigay niya. Umiiyak siyang nagsalita...

"Hindi ko kasi kaya. Hindi ko na kayang mapalayo pa sa iyo. Sobrang lungkot lang mula noong nawala ka."

"You're too late for this.", tugon ko sa kanya.

"I know pero just this night, pwede bang magpanggap tayo na hindi dumaan ang limang taon? After tonight, hindi na kita guguluhin.", tapos ay hinalikan niya ako sa aking labi.

Fuck. Alam kong mali pero ang tagal ko ng hinintay ng pakiramdam na ito.

Nagsimula akong tumugon sa halik niya at sa oras na iyon ay alam niyang pumayag na ako sa hiling niya para sa gabing ito... para sa huling gabi naming ito.

Matapos ang halik ay nakaupo kaming muli sa buhanginan, nakasandal ang ulo ko sa balikat niya, inaalala kung paano nga ba kami noon.

"Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagsimula?", tanong niya sa akin na parang nais niyang balikan ang lahat.

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon