Chapter 13: Start of Something New

2.2K 73 11
                                    


CHAPTER 13

"You got it, you got it bad when you're on the phone and lalalalalala lalala", masayang kumakanta ngayon ang resident cook ng bahay, si Primo.

Nagdesisyon kami na dito na siya tumuloy sa unit ko some four years ago. Sayang lang rin kasi ang bayad niya sa binabayad sa boarding house e gayong lagi naman siyang nandito sa bahay nakikitulog, nakikitambay at nakikikain.

"Bakit ang saya mo yata?", tanong ko sa kanya habang nag-aayos na siya ng hapunan namin. Hindi mo pa rin kasi talaga ako maaasahan sa pagkain kaya siya ang tagagawa noon samantalang ako naman ang tagahugas ng plato at tagalinis ng bahay.

"I am just happy na kasama mo ako sa Cebu. Apart from being with you e makikita ko pa si Kuya saka si Ken. Namimiss ko na rin kasi sila e.", seryosong tugon ni Primo sa akin. Lumapit siya sa akin at hinatak niya na ako sa pwesto ko sa mesa para makasimula na kaming kumain.

"Ang dalawang iyon naman kasi e parang adik sa pagpapayaman. Nga pala, kamusta naman ang work?", pangangamusta ko sa kanya. Bagaman magkasama sa opisina ay hindi ko naman din kasi alam ang nangyayari sa kanya roon dahil na rin sa dami ng kailangang gawin at sa laki ng kumpanya.

"Ayos naman. We have a new officemate. Cheska 'yung name. Everyone in the department was teasing me na ligawan daw para hindi na raw ako nag-iisang single doon.", natatawa niyang sambit. Napasimangot ako dahil sa sinabi niya nang di ko namamalayan.

"Oh, bat ka nakasimangot d'yan? Jelly?", tanong niya na may tonong nang-aasar.

"No. Anyway, bakit hindi mo nga pormahan?", seryosong tanong ko sa kanya. Aaminin ko na naiinis ako pero hindi ko talaga sigurado kung selos ba ito o masyado lang akong nagiging sanay na nandyan siya at ako ang binibigyan niya ng atensyon.

"Hindi ko siya popormahan because someone already holds the key to my heart.", tapos ay kumindat siya. Ayun na naman ang ngiti niyang maganda, ang ngipin na pangClose-up commercial at ang maamo niyang mukha pero nandoon din ang pagiging pilyo na parang hindi ko alam kung may hinihingi bang kapalit ang lahat ng kabaitan at kabutihan niya sa akin.

"Laway mo, baka tumulo."

Natauhan ako bigla. Hindi ko naman kasi alam na nakatulala na pala ako sa kanya. Iba rin kasi ang epekto niya sa akin recently, mas nakaka--- ewan!

Dahil sa pagkapahiya ay tumayo ako at tumalikod para maglakad palayo sa kanya pero bago pa man ako makahakbang ay isang yakap na mula sa aking likuran ang iginawad niya. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat na tumatama pa minsan sa aking leeg na nakapagpakiliti sa akin.

"Ano ba iyan?", natatawa kong sabi.

Hindi siya nagsalita at ang tanging narinig ko lang ay ang malalim niyang paghinga.

"Bakit naglalambing 'yung bata?", sambit ko sa kanya.

"It's almost five years since I moved here, since we met, and I think with all those years na magkasama tayo e obvious naman na na mahal kita di ba?", bulong niya sa akin.

Hindi ako agad makasagot. May kung anong humaharang sa boses ko para sabihin ko sa kanyang mahal ko rin siya. Parang sinasabi sa akin ng katawan ko na hindi pa, huwag muna.

"I understand kung hindi mo pa rin masabi sa akin basta ang importante...", tapos ay iniharap niya ako sa kanya. "Huwag ka lang lalayo, mahal ko."

At hinalikan niya ako sa mga labi ko.

"Sarap nun a. Reminds me so much of our first time.", tapos ay napangiti na lang siya.


Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon