Chapter 11: Inn and Out

2.3K 79 17
                                    

AUTHOR's NOTE:

Please play 'yung song sa gilid, 'yan ang official heartbreak song ni Jiggs. Also, for your imagination, may inattach akong pic.

Enjoy! :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 11

"Umuwi na tayo.", sambit sa akin ni Ethan habang hawak ako sa braso para maiwasan ko ang matumba.

"Bitawan mo ako. Ayaw na kitang makita.", tugon ko sa kanya habang patuloy kong inaalis ang kamay niya sa braso ko.

"All the more na kailangan mo ng magpahinga dahil maaga pa ang flight mo bukas."

"Hindi pa ako nakakapagparebook ng tickets ko e.", sambit ko sa kanya tapos ay napagpasyahan kong bumalik sa silya ng bar.

"I bought you a ticket and tomorrow na ang flight mo."

"So kating-kati ka na na umalis ako? Are you that sick of my presence?", naiiyak kong sambit. Sumimangot si Ethan at tumingin sa akin nang mas malalim. "Let's not do this here. Let's go to a coffeeshop nearby. We have a lot to talk about."

Tumango lang ako sa sinabi niya kahit alam ko namang hindi ako makikinig sa mga sasabihin niya.

Nagtungo kami sa isang al fresco coffee shop na halos tanaw ko ang pigura ng merlion. Walang gaanong tao, malamig ang hangin at tahimik ang paligid. Tila itinakda ang lugar na ito upang maging saksi sa isang pagtatapos.

Matapos bumili ng inumin ay dumiretso kami sa isang upuan na nakaharap sa tubig. Maliwanag ang mga bituin sa langit at sa bawat lagok ko ng kape ay may hatid na sarap ang pait na dulot nito.

"I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sa iyo ang tungkol sa amin ni Anica. Hindi ko alam kasi kung paano.", pagsisimula niya.

Tahimik lang ako. Mas pinipili kong manahimik kahit na kanina ko pa siya gustong sapakin.

"Kung mapapansin mo e halos hindi ako nagmemessage masyado sa iyo o tumatawag... iniisip ko kasi na baka kapag di ako nagparamdam e magsawa ka ng mahalin ako and decide na it's better to move away from me, move on from what has been.", walang ekspresyon ang kanyang mukha pero ang kanyang mga mata ay tila naluluha na.

"Bago naging tayo, kaibigan mo ako. Kung meron mang makakaintindi sa iyo, ako iyon at kung hindi man kita maintindihan e kakampihan pa rin kita kasi mahal na mahal kita kaya hindi ko alam kung paano mo nagawa ito.", mahina kong sambit.

"I had to do it kasi nalaman nila Mama 'yung tungkol sa atin.", nanginginig ang boses niya habang nagsasalita. "Bago ako umalis papuntang Singapore e na kina mama ako di ba? Tapos nakita nila 'yung mga texts mo at mga pictures natin. Sabi nila hindi raw nila ako matatanggap kung ganito ako, na mayroong namamagitan sa atin kaya natakot ako kaya ganito..."

"So paano napasok si Anica sa kwento?"

"Close 'yung pamilya naming dalawa kaya sabi nila Mama sa kanila na lang ako tumira and they even asked me to court her."

"Bakit hindi mo pinaalam agad? Bakit ganun?", pilit ko pa ring pinipigilan ang humagulgol kasi nakakahiya naman sa mga tao sa paligid.

"Because I am selfish. Somehow, iniisip ko na if I don't end things with you e isang araw ay babalik tayo sa dati. Kapag kaya ko na saka kita babalikan at ipaglalaban but I guess..."

"Sana sinabihan mo ako..."

"Kung sinabi ko ba, maghihintay ka?"

"Hindi ko alam. Pero ang sigurado ko e hindi kita isusuko agad kung nalaman ko.", tumayo na ako matapos kong sabihin iyon. Naiintindihan ko kung bakit niya kailangang gawin ang mga bagay na iyon pero hindi ko pa rin kasi maalis ang magalit at sumama ang loob kaya kailangan ko siguro ng panahon para iprocess ang lahat...

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon