Chapter 12: After Five Years

2.4K 72 16
                                    


CHAPTER 12

"You've been with us for five years and you have proven a lot already. I would be glad if you will handle the expansion in Vietnam.", kaswal na sambit sa akin ng aking boss na si Mr. Carter habang hinahanda ko ang mga documents na kakailanganin ko mamaya. Nandito kami ngayon sa loob ng opisina ko at madalas naman na narito siya kapag Manila-based siya.

Hindi ako nakasagot agad. Ilang ulit na rin kasi akong naalok ng ganoong opportunity pero gaya ng dati ay malamang na tanggihan ko lang iyon.

"Hi Louis. Here are the documents that you need to review for the construction of our Cebu warehouse.", pagsingit ng isa sa mga tauhan ni Mr. Carter sa Engineering and Corporate Design.

"Hey Primo. Thanks for this. Anyway, I need your help.", sambit ni Mr. Carter kay Primo.

"What's that?", tanong ng kaibigan ko sa boss namin.

"Your friend here is hesitant to take the Vietnam expansion, could you convince him for me?"

"Louis, he's not going to take that post. I am certain about that.", ngisi ni Primo tapos ay tingin sa akin na parang sinasabing hindi ba?

"But why?"

"Well, he's making sure that he is always available for those he love.", sambit ng kaibigan ko na parang may gustong ipahiwatig. "But I will still try my best."

Napangiti na lang ang boss namin at umalis na rin para bumalik sa opisina nito.

"Ano'ng gusto mong palabasin sa sinabi mo kanina? Umi-issue ka na naman dyan a.", pagsita ko kay Primo habang inaayos ang mga documents na phinotocopy ko para sa presentation mamaya sa ManComm.

"Bakit? Don't you want to make yourself available for the ones you love?", at andoon na naman ang tingin niya sa akin na tila sinasabing "bakit? Mali ba ako?"

"But don't worry, ako, laging available para sa iyo.", tapos ay kumindat si loko sabay alis sa harap ko. Napailing na lang ako sa kakulitan ng isang ito pero tama naman siya. I have been making myself available and at easy access in the past five years para in case na bumalik si Ethan ay makita niya ako agad.

Fuck. Five years na pala since that fateful day pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita kay Ethan. Well, hindi ko rin naman kasi siya sinubukang i-contact nitong mga nakaraang taon and I even had to deactivate all my social media accounts para hindi ko siya gaano maalala pero wala rin kasi ang totoo, naaalala ko pa rin siya.

Matapos ang pagmumunimuni ay pumunta na ako sa Conference Room para sa weekly ManComm meeting at gaya ng dati ay isang nakababagot na pag-uupdate lang naman ang lahat ng ito. Kadalasan naman kasi ay excuses or humble brags ang maririnig mo sa ganitong meeting kaya ang tingin ko ay sayang lang sa oras ang mga mahahabang meeting na ganito.

"With the construction of the warehouse office in Cebu, we can expect at least 70% increase in speed and accuracy of delivery. Also, we will reduce cases of stock-out products in the Visayas region and Metro Davao. The project is set to finish next week so I will be requesting the lead architect to come with me in Cebu as we open the warehouse office next week.", sambit ko sa Committee kasabay na rin ng pagrequest ko na makasama si Primo sa pagpunta ko sa Cebu. Hindi ko naman talaga kailangan ang presence niya roon pero sa lahat ng mga stores at offices na binuksan ko ay nakasanayan ko ng kasama ang kaibigan ko.

"Fine. Lagi mo naman siyang kasama sa mga ganyan so expected ko na iyon. Uwian mo kami ng danggit a.", pabirong sabi ni Beatrice, ang head ng department ni Primo.

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon