Chapter 24: Si Ethan o Si Primo?

2.3K 71 16
                                    

CHAPTER 24

"Good morning.", masayang bati sa akin ni Ethan habang may bitbit siyang agahan na tocilog. Hindi ninyo naitatanong ay paborito ko ang pagkain na iyon sa lahat ng breakfast meals dahil mahilig ako sa matamis kahit pa nga ulam iyan.

"Kamusta ang tulog?", pagtanong sa akin ni Primo na may dala namang mainit na kape, 3 teaspoons creamer and 2 teaspoons of sugar. Alam niya na iyon ang paborito kong timpla.

Pero teka, parang mali. Bakit magkasama si Ethan at Primo sa kwarto na ito? At bakit nandito sa kwarto na ito?

Kinurot ko ang pisngi ko para malaman kung nananaginip ba ako kasi ang huli kong tanda ay nakatulog ako sa tabing dagat at medyo hindi maganda ang pagtatapos ng nakaraang gabi para sa aming tatlo, sobrang kabaligtaran ng nangyayari sa umagang ito.

"Hindi ka nananaginip. Nandito talaga kaming dalawa sa tabi mo.", sambit ni Primo at umupo sa tabi ko.

"Paanong—"

"Nag-usap kami kagabi tungkol sa nakita niya at sinabi ko sa kanyang hindi ikaw ang nag-initiate ng halik. Medyo nagsagutan kami pero naintindihan niya naman ang sinabi ko.", pagpapaliwanag ni Ethan.

"Pero alam ko rin naman na may feelings ka talaga para sa kanya kaya naman hindi ko muna siya pinauwi. May gusto kasi akong pag-usapan nating tatlo.", ani Primo.

Medyo kinabahan ako kasi seryoso si Primo sa tono niya na minsan lang talaga mangyari.

"Pero kumain ka na muna para magkaenergy ka. Nagpass out ka kagabi sa buhanginan e.", dugtong nito.

Si Ethan naman ay inabot sa akin ang pagkain at nagsimula ko ng lantakan ang hinain nila sa akin.

Matapos ang agahan ay umupo kami ng maayos lahat at naghanda sa magiging madibdibang usapan. Alam ko naman na ako ang puno't dulo ng gulo na ito kaya naman sa tingi ko ay ako na rin ang dapat na magbigay ng solusyon.

"Ahmm...", panimula ko sa pananalita pero nakita ko kaagad si Primo na umiling kaya tumigil ako.

"Alam naming dalawa na confused ka at lito dahil sa mga pangyayari kaya kami na ang nagdesisyon para sa iyo.", si Primo na seryoso ang mukha. Hindi ako sanay na ganito siya kaya naman mas kinakabahan ako.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na para bang naghihintay ako ng hatol mula sa kanilang dalawa.

"Naguguluhan ka kapag nandito kaming dalawa kaya baka kapag hindi mo kami kasama ay malinawan ka kung sino ba ang mahal mo talaga.", si Primo pa rin. Si Ethan naman ay nakatingin lang sa akin. May lungkot sa mata niya.

Hindi ako kumibo sa sinabi ni Primo bagkus ay tinanong ko na lang ang mga detalye.

"We've signed you up for an event called Overnight. 2 days lang naman. I hope you'd be able to clear your mind once you're there.", nakangiting tugon ni Primo.

"Here's the catch. You have to leave tonight."

"Tonight?!?", gulat kong pagkakasabi. "As in tonight, tonight?"

"Oo. You will be leaving by 10pm dahil 11pm ang meet-up sa North EDSA. Kami naman ang maghahatid sa iyo mamaya kaya wala kang dapat isipin pa", sambit sa akin ni Primo.

"Ok. But you also have to be there sa drop-off bukas.", nakangiti kong sambit sa kanya.

"Oo naman.", isang matipid na ngiti ang ibinigay sa akin ni Primo at gayun din si Ethan.

.

.

.

Sumapit ang takdang oras ng pag-alis at binabagtas namin ang kahabaan ng EDSA patungong malapit sa SM North kung saan daw ang meet-up point.

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon