Chapter 21: Ken

1.9K 79 9
                                    


A/N: 

Konting kembot na lang at tumbling! Maraming salamat sa lahat ng nagcomment at nagvote last chapter. 

May mga suggestions ba kayo para sa nalalapit na finale? 

Next chapter will be special for those who enjoyed Muli. :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 21

"Anong issue?", tanong ko kay Ken habang nakatayo sa harap ng auto na bukas ang harap.

"Hindi ko alam e. I don't even know where to start.", pailing-iling na tugon nito sa akin. Mukhang tama nga ang hinala ko na porma lang ang pagtayo niya at hindi talaga siya marunong mag-ayos ng sasakyan.

"Sira! Ako na nga ng mag-aayos.", sambit ni Ethan tapos ay tinanggal niya ang t-shirt niya bago pa makababa ng kotse.

Hindi ko maiwasang mapatingin dahil parang mas gumanda ang hubog ng katawan niya. Nagkaroon ng mas malalalim at defined na cuts na mukhang pinaggugulan ng oras sa gym.

"Kailangang magtanggal ng t-shirt? Showing off?", natatawang biro ni Ken kay Ethan na katabi niya na ngayon.

"Baka kasi madumihan ang t-shirt saka alam mo na, baka may dumaan dito tapos pick-upin ako. Dagdag kita na rin iyon.", pagpatol nito sa biro.

Ako naman e parang napako na ang tingin sa kanya habang inaayos niya ang sasakyan. Naalala ko kung paanong siya ang madalas na nagrerepair ng mga sira sa dorm noon habang ako ang bahala sa paglilinis at pagliligpit sa kwarto namin noon. Nakakamiss rin pala ang noon. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Ahmm... mukhang masarap 'yung pandesal 'no?", tanong ni Aldrin sa akin.

"Oo naman.", wala sa loob kong sagot.

"Kaya pala hindi na nawala ang tingin mo.", natatawa niyang sambit.

Sinamaan ko lang siya ng tingin tapos ay nagpeace sign siya pero natatawa pa rin.

"Maayos na!", sigaw ni Ethan tapos ay tinaas niya ang kanyang kamay. Fuck, kahit pawisan siya ay parang ang bango niya pa rin.

Sumakay na rin siya sa sasakyan makalipas ang ilang sandali.

"Matunaw ako niyan a.", sambit niya na ako ang pinatutungkulan.


"Lakas. Iba rin.", tugon ko.

"Akala mo hindi ko napansin na nakatingin ka sa akin kanina pa?"

"Wow. Magbihis ka muna bago kita kausapin.", bigla kong sabi sa kanya.

"Nadidistract ka na ba?", nangingiting sabi ni Ethan. Anak ng tinapa talaga! Bakit ba naging ganito ito kayabang?

"Aldrin, magpalit tayo ng upuan.", utos ko kay Aldrin pero imbes na pakinggan ako ay nagsuot siya ng headset. Si Ken naman ay nilakasan ang volume ng radyo. Very good talaga itong mga kaibigan ko.

Inabot ko kay Ethan ang t-shirt niya saka ako nagsalita, "magsuot ka ng damit dahil pawis ka kanina at nakaaircon ngayon, magkakasakit ka."

Tumango lang siya at sinunod na ang utos ko. Napangiti na lang ako dahil katulad ng dati ay kailangan ko lang magseryoso para pakinggan niya ako.

Tahimik na ulit ang biyahe at sinasabayan na lang namin ang kanta sa radyo.

Gusto kong matutong magdrive

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon