Chapter 18: Anica

2K 72 15
                                    

CHAPTER 18

"Good morning Kuya!", nakangiting sambit ni Primo sa kapatid niya nang imeet namin si Fritz at Ken para pumunta sa beach at makapagrelax.

"Ganda ng gising natin a.", nakangiting sambit ni Ken na parang may gustong ipakahulugan kaya tiningnan ko na lang siya ng masama at tumahimik na rin naman pero bakas ang kagustuhan niyang mang-asar dahil sa kilos paminsan-minsan niyang tingin at pagngisi. Hindi na rin naman ako napikon dahil gaya ng sabi niya ay maganda ang gising ko.

Si Fritz ang nagdrive patungo sa beach resort kung saan balak naming mag-overnight. Sabi sa akin ng dalawa ay hindi naman daw kalayuan ang beach na pupuntahan namin at dahil nga hindi naman ako pamilyar sa lugar ay hindi na rin ako nakialam, ang sa akin lang ay dapat may maayos na tulugan at maayos na kainan, at syempre, masarap na lalanguyan.

Makalipas ang humigit-kumulang isang oras na biyahe ay nakarating na kami sa beach resort kung saan binati kami ng mga staff na agad namang kinausap ni Ken at Fritz. Nabanggit nila na madalas sila rito kaya naman pamilyar na sa kanila ang mga staff ng resort.

Nagshare na lang kaming apat sa kwarto na may dalawang kama, si Ken at ako ang magkashare habang ang magkapatid naman sa kabilang kama.

"Alas onse na. Ano'ng gusto ninyong lunch?", tanong ni Ken habang inaayos ang mga gamit niya sa tabi ng kama.

"Gusto ko ng seafood. Libre mo ba ngayon Kennedy?", paglalambing ko sa kaibigan ko.

"Utot mo. Libre ka dyan. Ikaw ang manlibre sa akin kasi celebration ninyo ito ni Primo.", tugon ni Kennedy na parang nagpagitla sa akin lalo pa at nagtanong si Fritz kung ano ang icecelebrate.

Kinabahan ako dahil na rin sa hindi ko alam kung paano ko ba kakausapin si Fritz kung sakaling tanungin niya ako sa relasyon namin ng kapatid niya.

"E successful 'yung pagpapatayo nung site dito na project nilang dalawa di ba? That calls for a celebration kaya sila dapat ang manlibre.", kaswal na tugon ni Ken na sa tingin ko ay hindi naman nagpahaging talaga sa relasyon namin ni Primo. Masyado lang akong praning dito.

"Ako bahala sa booze mayang gabi pero for now, manlibre ka muna ng lunch sa amin Ken. Gutom na ako.", tugon ko sa kanya sabay akbay.

"Basta overflowing drinks mamaya a."


"Oo. Gutom na ako. Tara na.", sambit ko sa kanya at tumungo na kaming apat sa cafeteria ng resort.

Maliit lang ang cafeteria pero maganda ang ambience nito. Ramdam mo na classy at sa pagkain naman ay maganda ang selections nila.

"Ano'ng order ninyo?", tanong ni Ken sa amin habang abala siya sa pagtingin ng menu.

"Grilled pusit sa akin.", sambit ni Fritz.

"Sa'ken e sisig.", nakangiting sambit ni Primo na hindi gaano hilig ang seafood maliban sa hipon na siya namang inorder ko.

"Tubig na lang sa akin.", sambit ni Ken kaya napatingin kami sa kanya.

"Takaw ninyo e. Mauubos pera ko sa mga orders ninyo saka for sharing naman iyan."

"Gago! Ang kuripot mo talaga kahit kailan.", sambit ko at nagtawanan na lang kaming lahat.

Ilang sandali pa ay dumating na ang order namin at masaya kaming nagkukuwentuhan habang kumakain pero ang saya na iyon ay biglang nag-iba nang isang pamilyar na pigura ang biglang sumulpot sa aking harapan. Si Anica.

Napako ang mata ko sa babaeng nasa aking harapan. Ilang sandali pa ay napansin niya rin ako at nakita ko ang ngiti na umusbong sa kanyang mga labi.

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon