Chapter 8: Graduation

2.5K 107 11
                                    


CHAPTER 8

"CONGRATULATIONS SA ATIN!!!!", sigaw ni Ken habang tumatalon at mukhang sayang saya sa pagtatapos namin.

"Hoy! Picture muna tayo. Smile!", sambit ni Aldrin at pose pa ng wacky at nakalabas ang dila.

Ilang beses naming pinagtawanan ang itsura namin sa mga litrato na kinuha namin tapos ay bigla kaming nasenti kasi nga graduate na at hindi na namin makikita ang bawat isa lalo pa at last day na namin bukas sa dorm.

"Mga parekoys, mamimiss ko kayooooo!", sigaw ni Ken na sa laki niyang tao na iyon e hindi ko maimagine na siya ang unang magsasabi na mamimiss niya kami.

"Ganito na lang... walwalan night mamaya? Unless may grad party kayo kaya hindi kayo pwede?", sambit ni Aldrin.

"Actually meron. Ahm... my parents prepared something pero pwede namang doon na tayo doon na lang mag-overnight. Sagot ko na ang food, dala na lang kayo ng booze? What do you think?", suggestion ni Ken.

"Mas makakatipid tayo doon kaya oks ako dyan.", sambit ni Ram na sinang-ayunan namin ni Aries.

Matapos ang picture-taking at kung anu-ano pa ay napagpasyahan ko ng bumalik ng dorm para maiayos ang mga gamit ko para sa pagbalik ko sa probinsya at sigurado naman kasi na hindi ko na ito magagawa bukas.

Nang makarating sa dorm ay agad akong nagmessage kay Ethan at sinabi sa kanya na tapos na ang graduation. Nagsend din ako ng mga pictures sa kanya sa Viber para naman kahit wala siya sa graduation ay parang kasama pa rin namin siya.

Ilang beses pa akong nagmessage sa kanya pero wala siyang reply. Baka busy siguro sa pag-aayos ng trabaho dahil Friday ngayon at sa Monday e first day niya na sa work.

Matapos ang pagliligpit ng gamit ay dumiretso na ako sa banyo para maligo at nakasalubong ko si Primo, isa sa mga freshman na kasali sa varsity ng college namin.

"Kuya Jiggs, alis ka na raw?", tanong niya sa akin na parang may panghihinayang sa tinig niya.

"Oo. Kakatapos nga lang ng graduation pero kailangan na kasing umuwi sa probinsya e. Hindi nga nakapunta ang lola ko kasi may katandaan na at hirap ng bumiyahe paMaynila. Anyway, galingan ninyo sa basketball a.", tugon ko sa kanya.

"Niyayaya ka ni coach na magpart time assistant coach di ba? Ayaw mo bang itry?", tanong niya sa akin tapos ay umiling na lang ako at sinabi kong balak ko na lang magtrabaho ng full time.

"Kung kailangan mo ng kausap o kasama, pwede ako.", tapos ay ngumiti siya sa akin na tinugunan ko lang ng tango tapos ay dumiretso na ako ng banyo para makaligo.

Matapos kong maligo ay agad na rin akong nagbihis para makaalis na at pumunta sa party ni Ken para masimulan na ang inuman at bukas ay siguradong maghihiwa-hiwalay na kami ng landas.

Mabilis ang naging biyahe ko papunta kina Ken at naabutan ko na ring andoon si Ram at Aries na nakikipagkuwentuhan sa iba pa naming batchmates na pumunta sa party ni Ken.

"Ang dami palang tao dito sa party mo. Iba talaga ang level ng pamilya ninyo.", bulong ko kay Ken na kung nandito ka ay maririnig mo ang pagkamangha sa nakikita.

Ngumiti lang si Ken at sinabihan kaming pumunta na sa buffet area at kumain.

"Nasaan na si Aldrin?", tanong ko kay Ram at Aries na iling lang ang tugon.

Ilang sandali pa ay napansin ko si Aldrin sa may gilid na may kinakausap sa telepono. Banaag sa boses niya ang pagkairita sa kausap.

"E paano na siya?", dinig kong sambit ni Aldrin. "Ayusin mo yung buhay mo. Hindi pwedeng ganyan."

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon