CHAPTER 25: Sigurado

4.1K 110 82
                                    


CHAPTER 25

BEEEEEEP!!!!!!!

At nagulat ako sa sobrang lakas ng tunog na galing sa sasakyang paparating na ngayon ay nakatigil na.

"Sakay na! Nagmamadali ka di ba?", si Aldrin na nakasakay sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung sasakay ba ako sa kanya o hindi pero bago pa man ako nakapagdesisyon ay bumaba siya ng sasakyan.

"I know that I may be the last person that you want to be with now pero know that I did what I did because I felt left out before especially nung nagkaroon ng issue with Ram and Aries.", sambit ni Aldrin.

"Wala nga kaming alam ni Ethan sa away ninyo e at wala rin kaming pakialam kaya bakit ka nangialam?"

"I'm sorry. I just felt that since I am hurting that time e dapat nasasaktan rin kayo but then, realization kicked in kaya matagal akong hindi nagparamdam sa inyo kasi naguiguilty ako sa ginawa ko."

"Sana hindi ka nagtago. Sana itinama mo. And right now, I don't know how to feel about you and everything you've done kasi kung hindi nangyari ang nangyari sa amin ni Ethan e baka hindi naging kami ni Primo.", naluluha kong sabi. "But just the same 'Drin, I'm sorry but I cannot trust you yet. I can fix this up even without your help. But thanks."

Agad akong pumara ng taxi para makarating sa unit ko kung saan nandoon si Primo na ayon na rin sa sinabi sa akin ni Ethan.

Nang makasakay ako ng taxi ay isang text message mula kay Primo at sinasabing baka hindi ko na raw siya maabutan sa unit sa araw ng pagdating ko mula sa Overnight.

Halos mapatid ang mga ugat sa puso ko sa bilis ng tibok nito. Iniisip ko pa lang na hindi ko na makakasama si Primo ay parang gusto ko ng ngumawngaw dito sa loob ng taxi.

Hindi pa man kami nakakalayo ay biglang gumilid sa may gasolinahan ang taxi na sinasakyan ko kaya agad ko itong tinanong kung bakit siya hihinto.

"Sir, papagas lang po.", tugon sa akin ng driver.

"Seryoso po kayo? Ngayon po talaga magpapagas?", hindi ko maexplain na sambit ko sa manong.

"Pula na po kasi sir e. Baka hindi tayo umabot.", tugon niya sa akin tapos ay lumabas siya ng taxi at sumenyas na jingle lang daw siya.

Tangina talaga. Kapag nagmamadali ka tapos natapat ka sa kups na driver. Argh!

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang driver at nagsimula na kaming bumiyahe ulit. Naghahalo ang pag-aalala, pagod at antok sa katawan ko kaya naman hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako.

"Sir, nandito na po tayo.", paggising sa akin ng driver nang tumapat kami sa entrance ng gate ng condo kung saan ako nakatira. Nag-abot ako ng bayad at humangos patungo sa unit ko.

Nang makarating ako sa unit ko ay natagpuan ko sa kwarto si Primo at nag-aayos ng maleta.

"What are you doing?", bungad ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin at nagbigay ng tingin na may pagtataka. "Why are you here?"

"Saan ka pupunta?", naluluha na akong nagsalita.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot at lumapit sa akin, "Remember that time when I told you that when you're about to choose whom to be with, I will make sure that I'll make it easy for you. Ayoko na mahirapan ka sa pamimili kaya I am letting you go."

"Gago ka ba? Sino ka para mamili sa kung sino ang gusto kong makasama?"

"Does that mean na ako ang gusto mong makasama?", nakangisi niyang tanong sa akin.

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon