Chapter 27

4.7K 145 56
                                    

You can listen to the song 'Take All The Love' by Arthur Nery in the middle of this chapter. I'm still working on the edit and I'll upload it tomorrow. Just check my TikTok account. exitowatty Thank you. Enjoy reading! :3

Chapter 27

Capture

I stared at the ceiling, deep in thought. Isang linggo na... isang linggo na kaming hindi nag uusap at nag kikita ni Ellis. Yeah, binilang ko talaga. Ang sabi niya, next week na raw, eto na 'yon!

Pero hindi ko alam kung handa na niya ba akong makita at makausap. The space I gave him was for him to think. I don't even know what he's supposed to think about. I didn't even admit that I want to court him or what.

Ewan ko rin. Basta ang alam ko, hindi puwedeng manatili kami sa ganito lang. May gusto pa ako. Gusto ko pa nang mas higit dito.

Kinuha ko ang cellphone sa mini table at nag tipa sa numero ni Ellis.

Ako:

Are you okay now? You ready to talk to me? If not, that's fine. I'll wait.

Mag hihintay pa rin ako kahit kating-kati na akong pumunta sa coffee shop niya. It's only now that I realized how I managed not to see him for six months. Ang tagal pala no'n.

Ellis:

Alis na ni Rila bukas? Puwede bang makita muna siya? May ibibigay din akong gift dahil graduation niya.

My eyes widened as I read his text. I sat up from lying down.

Ako:

Anong regalo?

Ellis:

Hindi ikaw si Rila. Hindi ko sasabihin sa 'yo.

Binasa ko ang aking labi. Ako naman ang kuya. Kung hindi dahil sa akin, wala siya rito sa Bonifacio.

Ako:

Barbie? She has plenty of toys. There won't be any room if you're giving her another toy.

Ellis:

Ano naman?

Tangina. Mag aaway pa yata kami dahil lang dito. Pero sa huli, sumuko na ako at hindi na nakipag talo. Wala naman pati akong magagawa kung ipag laban ko pa ang parte ko. Baka hindi na lalo 'to mag pakita sa akin.

Ako:

Okay. Bahala ka. Saan ba?

Ellis:

hahahah

Kumunot ang noo ko. What the hell what's that? Wala namang nakakatawa.

Ako:

Anong nakakatawa?

Ellis:

Wala naman. Sa coffee shop lang. 9:00 pm.

Hindi ako nag reply sa text niya. Pinindot ko ang FaceTime at hinintay na sagutin niya. I wasn't in the mood to text. Mag kaka-muscle na daliri ko. At gusto ko rin makita ang mukha niya. Kahit ngayon lang.

I was surprised when he answered immediately. Akala ko ay mag tetext siya na huwag nang tumawag dahil marami siyang ginagawa tulad ng sinasabi niya noon. Pero ngayon parang ang daling sagutin, ah?

Pumikit ako nang mariin. Ang sabi ko hindi ako assuming! Ang hirap naman ng ganito. Kahit pag sagot lang sa tawag binibigyan ko ng ibang kahulugan. Para kay Rila nga, 'di ba, Austin?

"Nag dadasal ka?"

Napamulat ako nang marinig iyon. Bumungad sa akin si Ellis na nakakunot ang noo sa kabilang linya. Uminit ang batok at leeg ko at nakagat ang pang ibabang labi. Baka nakita niya rin na kinakausap ko ang sarili ko sa isip?

Star-Crossed Melodies (Echoes #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن