Chapter 35

4.8K 148 39
                                    

Chapter 35

Promise

My eyebrow raised as I felt my neck and nape heat up because of what he said. Sumiksik ako sa kan'yang leeg, ayaw siyang tingnan sa mata. Tangina.

Minsan na nga lang bumanat hindi ko pa mapigilang matawa. Narinig ko ang halakhak niya kaya lalong uminit ang leeg ko. For sure, I'm as red as a tomato! Gago. Kaya halatang-halata na baliw sa kanya kasi ganito ang reaksyon kapag kinikilig!

"Eto ba ang idol ng mga babae? Sumisiksik sa akin kapag kinikilig?" buyo niya at sinilip ang mukha ko.

Pumikit ako nang mariin para hindi siya makita. Malakas siyang tumawa nang hindi ko siya tiningnan. Lakas talaga mang asar ng isang 'to! Kahit hindi ko siya makita ay alam kong malaki ang ngiti niya.

"Kapag ako gumanti sa 'yo napipikon ka..." bulong ko.

"Hmm?" umungol lang siya at hindi na ako pinansin dahil sa pinapanood.

Gan'yan 'yan siya, hindi na ako papansin kapag nakapang asar na. I remained with my eyes closed, my face against his neck. I've become addicted to this position. Bukod sa mabango na nga siya, para pang unan sa sobrang lambot.

"Hindi mo na alam ang nangyayari sa palabas!" Tinapik niya ang aking balikat pero hindi ako kumibo.

"I don't care. I don't want to watch, I just want to sleep. I'm really tired." namamaos kong sabi.

"E 'di matulog ka sa kwarto mo!" aniya.

Umiling ako. Kahit nakaupo ay mas gusto ko rito. Sa kwarto unan lang ang mayayakap ko, eh. Naririnig ko ang salita ng cartoons kaya parang alam ko na rin ang nangyayari. And I've watched the cartoon he chose several times already! Paano galing din sa TV ko 'yon.

"Ang clingy pala ng vocalist ng Echoes?" patanong niyang sambit na ikinagulat ko.

I looked at him with a furrowed brow and saw that he was trying to hold back a smile. He obviously found it funny when I suddenly pulled away from him. Anong clingy? Hindi ako clingy! Clingy na ba ang pag yakap sa kanya na halos mag iisang oras pa lang? Hindi ba puwedeng nilalamig lang?

I licked my lips and leaned back on the sofa before looking at him. Yakap na nito ang tuhod at may unan pa sa pagitan.

"Hindi ba puwedeng physical touch lang ang love language ko?" depensa ko.

Ngumisi siya. "At words of affirmation?"

Umangat ang gilid ng aking labi. D'yan siya magaling! Nanliit ang aking mata sa naisip.

"So you don't like me anymore because I'm a clingy boyfriend?" tanong ko na mag kasalubong ang dalawang kilay.

Gulat siyang tumingin sa akin at nang makita na walang pag bibiro sa aking mata ay humalakhak siya. Ngumuso ako at busangot na tumingin sa TV dahil hindi ko kayang tingnan siyang tumatawa. Natatawa rin ako!

"Sino bang may sabing boyfriend kita?" tanong niya at sumulyap sa akin.

Nagulat ako roon. Hindi pa rin boyfriend? Nag halikan na at... nakita niya na ang nasa loob ng boxer ko, hindi pa rin boyfriend?!

I glanced at him briefly. His eyes were smiling, with a genuine and rare gummy smile that I rarely see. It only comes out when he's truly happy, and now he's even delighted to tease me!

"Boyfriend mo na ako! Ano pala 'yung nangyari kanina?" I asked, feeling offended.

"Wow! Wala akong sinabing sinasagot na kita-"

I cut him off. "Wow ka rin! You've seen the monster inside my boxer, and I'm still not your boyfriend?!"

Lumakas ang tawa niya habang ako ay inis na inis. Alam kong nang aasar nga lang siya pero hindi ko pa rin mapigilang mapikon! My jaw clenched and I smirked sarcastically. Nakakairita! Kapag siya ang inasar ko, nagagalit!

Star-Crossed Melodies (Echoes #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora