Chapter 1

17.9K 168 12
                                    

"Your arms are my favorite pillow."
----Doctor Phoenix Montenegro----

Lhea

Bata palang ako pangarap ko na maging Singer katulad ni Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Ogie Alcasid at Bamboo. 'Sinong sawa, sinong galit, sumigaw ngayon gabi owoohhhhh', Marami ako sinalihan na Amateur Singing Contest at sa awa ng Diyos nanalo na naman ako. Pero hindi sapat ang pera na napapanalunan ko sa mga Singing Contest. Kailangan ko ng pera para sa gastusin sa bahay at pagpapa-aral sa kapatid ko. Hindi enough ang kinikita ng magulang sa pang-araw araw na gastusin namin sa Bahay.

A-Ang dami umaaray ngayon sa mahal ng mga bibilihin, Jusko lahat tumataas lalo na yun bigas. Kahit ang NFA rice ngayon hindi na makain. Kaloka! Pinagkakasya ko lang ang pera kinikita ko sa paglalaba dito sa Probinsiya namin. Mahirap ang buhay dito sa Tarlac, Tanging pagtatanim at pangingisda ang pangunahin hanap buhay ng mga tao dito. Hindi pa sumisikat ang araw ay bumabangon na ako sa kama, Mag hilamos ng mukha bago mag luto ng almusal ni nanay at Tatay. Paborito nila kasi ang sinangag at Prito bulad. Kaya yun ang palagi ko niluluto sa umaga. Pagkatapos ko magluto ay gumagawa ako ng mga gawain bahay. Katulad ng sa bakuran,Pagdidilig ng halaman na tanim ni nanay at maglaba ng mga damit ng mga kapatid ko sa tabi ilog.

Malinaw ang tubig dito sa Lugar namin kaya masarap maglaba. Masarap maligo kapag tapos na maglaba. Ganito ang buhay probinsiya, Tahimik, payak ang pamumuhay at simple lang. May sariwa hangin na nalalanghap at sariwa ang mga gulay at isda. Na miss ko tuloy kumain ng sinigang na bangus na may
Halo ampalaya. Pagkatapos ko maglaba ay sinampay ko ang mga damit.

"Lhea tapos kana ba maglaba?" Nilapitan ako ni Aling Flora. Pinasadahan ko siya ng tingin.

"Bakit po?" Binalingan ko siya ng tingin.

"Gusto mo ba mag trabaho sa Manila?" Tanong niya.

Kumunot ang Noo ko.

"Manila po?" Kumurap ako ng Tatlong beses.

"Oo kasi may naghahanap Lhea,Malaki ang sweldo. Naku kung wala ako anak,ako nalang ang papasok doon kaso hindi pwede kasi bata pa ang mga anak ko. Grab muna sayang at malaki Ang sweldo." Saad niya.

"Ganun po ba, Kung malaki naman magpa-sweldo bakit hindi diba" Sabi ko sa kaniya.

"Kaya kung ako sayo ikaw na ang pumasok doon." Sabi niya.

Sanay na sanay ako sa gawain bahay kaya gusto ko pumasok na kasambahay. Umuwi ako sa bahay. Sinabi ko kay nanay ang gusto ko pumunta sa Manila at mamasukan bilang kasambahay. Hindi naman siya tumutol kaya go ako. Sinabi ko kay tatay yun at pumayag naman siya.

Inayos ko agad ang mga gamit sa bag ko dahil may susundo sakin dito mamaya. Excited na ako sa bago trabaho ko. May Van na sumundo sakin sa bahay. Ngayon binabagtas namin ang national Highway papunta sa Manila. Wow ang ganda-ganda ng mukha ng Manila dahil ang dami malalaki gusali at condominiums.

Huminto ang sinasakyan ko Van sa harapan ng malaki bahay. Sabi ni kuya guard pasok lang ako sa loob kaya pumasok ako. Maganda ang bahay at lahat ng gamit dito ginto ang presyo. May tao ba dito?

"Tao po! Tao po may tao ba dito?" Umalingawngaw ang boses ko pero walang sumasagot. Kaloka. Ano ito Haunted House walang ka tao-tao.

Tahimik ang loob ng bahay. Paano ito walang ka tao-tao dito at baka mapagkamalan pa ako magnanakaw nito e. May second floor ang bahay kaya umakyat ako. May limang kwarto. Grabe ang dami pala kwarto dito.

May nakita ako nakabukas ang pintuan kaya sinilip ko. Nakita ko may lalaki nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog kaya napako ang mata ko sa mukha niya. Dahan-dahan ako pumasok at tinititigan ko ang mukha niya. Grabe tao ba talaga ito? Ang gwapo. Parang model sa magazine na nakikita ko sa Mall. Gusto ko makita ang mukha niya ng malapitan kaya lumapit ako.

MB Series #1 The Doctor Maid (R-18) Complete Where stories live. Discover now