Chapter 5

7.7K 102 1
                                    

Lhea

M-Mabuti nalang maaga ang bukas ng Pawnshop dito sa amin kaya Nakapagpadala ako ng pera sa Probinsiya. Tatlo taon ko naman pinag-ipunan ito para sa Pag-papaaral sa mga kapatid. Pagbalik ko sa bahay, Pinasadahan ko ang wall clock. Pasado mag alas onse na pero hindi parin lumalabas ng kwarto ang amo ko. Hindi niya ugali ang ma late na magising. Kahit puyat na puyat yun ay bumabangon yun sa kama para mag-almusal. May nag udyok sakin na umakyat sa second floor para tignan sana si Sir.

Umakyat ako sa hagdanan, nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto niya. Kumatok ako ng tatlo beses kaso wala sumasagot. Ano kaya nangyare sa lalaki yun? Pati ako nag iisip kung bakit hanggang ngayon hindi pa gising ang amo ko!

Sinubukan ko kumatok ulit kaso wala sumasagot, bakit kaya? Napabuntong hininga ako. Dahan-dahan ko pinihit ang seradura ng pintuan. Bahagya pa ako sumilip sa loob baka may ginagawa ang amo ko. Malay ko ba may ka video call sa cellphone oh kaya tumatae sa CR, baka naman naliligo kasi papasok sa trabaho. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto niya. Nakita ko siya sa gilid ng kama nakabaluktot at balot na balot ng kumot ang katawan niya.

Pinasadahan ko siya ng tingin bago pumasok sa loob ng kwarto.

"Sir anong nangyare sayo?" Halos nanginginig siya kaya kinapa ko ang agad ang leeg niya. Ang taas ng lagnat niya, kaya pala hindi siya bumaba sa Kusina para mag almusal."N-Naku Sir ang taas ng lagnat mo!"

B-Bigla niya hinawakan ang kamay ko, parang mababali ang buto ko.

"Dito kalang sa tabi ko" Mapupungay ang mga mata niya nakatingin sakin.

"Pero sir Kailangan ko makakuha ng gamot sa kusina para makainom at humupa yan lagnat mo" sabi ko.

"I don't like drink medicine" Naku may sakit na nga nag inarte pa.

"Sir may sakit ka po, inaapoy ka ng lagnat at Kailangan mo uminom ng gamot." Sabi ko.

M-Mas lalo humigpit ang hawak niya sa Pulsuhan ko. Hinila niya ako kaya na out balance ako. Humiga ako sa tabi niya at bigla niya ako niyakap ng mahigpit. Kung makayakap naman ito sakin wagas. Bibitiwan pa ba ako nito?" Ngayon natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng kwarto niya. Yakap-yakap niya ako sa ibabaw ng kama, ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Oh my gulay!

Ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko. Oh mamamia, ngayon malaya ako pagmasdan ang ka gwapuhan ng Sir ko. Ano kaya ang skin care nito bakit ang kinis-kinis ng balat. Ang ganda ng mata, Mahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, Ang pula-pula ng labi, nag lipstick ba ang lalaki ito? Ang ganda ng panga. Syempre mabango ang hininga. Siguro mabango ang katawan ni Sir at ang kili-kili siguro amoy rexona yun.

Kinagat ko ang labi ko. Magkayakap kami dalawa ngayon. Ang init-init ng katawan niya. Ayaw niya naman mag-inom ng gamot kaya hindi ko na mapipilit pa uminom. Baka huhupa ang lagnat nito. Sana nga!

"Araaaayyyyy" Bigla bumagsak ang katawan ko sa sahig.Kinusot ko ang mata ko, kaloka ang ganda pa naman ng panaginip ko. Ang panaginip ko ay kumakanta ako sa harap ng maraming tao,Nakita ko nakangiti si mama at papa sakin. Naudlot tuloy ang maganda paniginip ko.

Kaloka.

"You, what are you doing here? Magkatabi tayo sa kama, whole night? Seryoso" Saad niya na halata gulat na gulat dahil nasa kwarto niya ako ngayon.

Tumayo ako at kinusot ko ang mata ko.

"Sir may sakit ka kagabi, Dahil nag-alala ako sayo kung bakit hindi kapa bumababa para mag-almusal, kaya sinilip kita dito. Nakita ko inaapoy ka ng lagnat. Gusto sana kita bigyan ng gamot pero ayaw mo, Sir niyakap mo ako kagabi" sabi ko sa kaniya.

"What! Ako niyakap kita kagabi. That unbelievable Lhea" Napailing siya sa sinabi ko.

Ano yun indenial lang ang peg!

"Wow! Maang-maangan tayo Sir, wala ka na alala kagabi sa Nangyare. Kaloka ka. Ikaw ang unang yumakap sakin"

"No way" Saad niya.

"No way, no way ka diyan e ginawa mo na nga" sabi ko sa kaniya. Inirapan niya ako.

"What time is it?" Tanong niya.

"Ewan ko Sir, ah pupunta na ako sa kusina para magluto ng almusal mo. Naku Sir baliw lang ang nagkakasakit ngayon summer." Sabi ko at pumunta ako sa kusina.

Nagluto at bumaba narin siya. Umupo siya sa mesa habang inaasikaso ko ang pagkain niya.

"Lhea can we talk" mahina sabi niya.

Umarko ang kilay ko.

"Ano ang pag-uusapan natin Sir?" Tanong ko sa kaniya. Binigay ko sa kaniya ang plato may kanin at ulam.

"Birthday ni Mommy bukas. Gaganapin ang nasabi Event sa Okada, ikaw ang gusto ko kumanta." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hah bakit ako? Ayaw ko nga" nakakahiya na naman na ako ang kakanta. Hindi naman maganda ang boses ko.

"So tinatanggihan mo ako ngayon?"

"Oo, hindi maganda ang boses ko Sir, mag hire ka nalang ng professional na singer. Huwag ako!" Prangka sabi ko sa kaniya.

"Sinasabi mo lang yan na hindi maganda ang boses mo. Honestly maganda talaga ang boses mo. Diba sabi mo sakin gusto mo maging Singer, so patunayan mo sakin Lhea" mariin na sambit nito.

"No way, Over my dead body nu, baka mapahiya lang ako. Tsaka marami bisita ang pupunta,kapag kakanta ako sa harapan baka mapiyok pa ako, isa pa hindi ako ready. Basta ayaw ko po sir. Maghanap ka nalang ng iba kakanta para sa birthday party ng mama mo" sabi ko sa kaniya.

"Alam mo ba ngayon lang ako nagbigay ng compliment sa tao, Maniwala ka sakin na maganda ang boses mo. Hindi kita kukulitin ngayon kung hindi ko yun nakikita sayo. Can I pay you lhea. Name it?"

"Naku huwag na Sir. Oh siya sige na nga kakanta ako basta doon ka ah" sabi ko sa kaniya.

"Yeah of course! Birthday party event yun ng mom ko. Kaya nandoon ako syempre. Ako bahala sa susuotin mo. Don't worry I can manage" sabi niya.

Napabuga ako ng hangin.

Jusko bakit ako pa ang Kailangan kumanta sa Birthday party ng mama niya. Alam ko naman mga bigatin ang mga bisita dahil mayaman sila. Tapos ako ang kakanta sa harap ng marami tao. Kaya ko ba talaga?

Iniisip ko palang, parang hindi ko na kaya. Halos kinakabahan na ako. Lintik naman oh.

"What do you think?"

"Wala Sir, wala po' sabi ko.

"May pupunta bakla dito, dala niya ang dress na susuotin mo, siya ang mag-ayos sayo"

"Okay po sir." Sabi ko nalang. Natuwa naman ako kay Sir dahil humahanga siya sa boses ko pero paano naman ako?

Bahala na si Batman bukas...

Sinabi ko kay mama na kukunin ako ng boss para kumanta sa birthday party event bukas ng mama niya. Aba natuwa kasi malaki opportunities na daw yun. Kaloka. Ayaw ko sana kumanta dahil natatakot ako at pwede ako magkamali sa pagkanta pero sadya mapilit ang amo ko. Pagbigyan ko nalang baka kasi magtalo pa kami. Lord kayo na po bahala sakin. Sana bigyan niyo ako ng lakas bukas para magawa ko ng maayos ang hinihiling ni Sir sakin. Pinagkakatiwala ko na po sa inyo ang mangyayare bukas.

Napabuntong hininga nalang ako. Kaya mo yan Lhea Reyes! Fighting!

Alam ko kaya ito.

Jusko ano gagawin ko bukas. Wala na atrasan ito lhea at alam mo kaya mo 'yan. Halos nagulat ako sa sinabi niya. Nasisiraan na ba talaga siya ng bait.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin ako sa kisame!

Bigla sumakit ang ulo! Bweset na amo ko masyado ako pinapakaba. Kainis!

MB Series #1 The Doctor Maid (R-18) Complete Where stories live. Discover now