Chapter 25

6.9K 69 5
                                    

Lhea

Halos mag-iisang taon na si Phoenix sa ibang bansa. Pagkatapos ko manganak sa Panganay niya anak ay lumipad siya agad papunta Canada. Ang tahimik ng bahay dahil sa wala si Phoenix. Si Jayson ang kasama ko sa Bahay sa loob ng isang taon. Miss na miss ko na ang asawa ko.

Nakakamiss pala ang lalaki yun!

P-Parang hindi ko kaya wala siya sa tabi ko. Nasanay ako na palagi ko siya kasama.

"Ate Lhea kain na tayo. Luto na yun ulam na niluto ko." Saad ni Jayson, napako ang mata niya sakin.

"Hindi ako ginugutom Jayson ikaw nalang ang kumain." Wala gana Saad ko sa kaniya. Humiga ako sa kama.

"Ate baka magkasakit ka kung hindi ka kakain, alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon, Alam ko miss na miss muna si Kuya Phoenix." Saad niya.

"Wala talaga ako gana kumain Jayson" Saad ko.

"Ate naman puwede ba huwag matigas ang ulo mo." Nakatikim tuloy ako ng sermon sa kapatid ko.

Pinasadahan ko siya ng tingin bago bumangon sa kama. Napabuntong hininga ako.

"Oo na kakain na ako" sabi ko. Bumaba ako sa hagdanan bago umupo sa mesa. Adobo pusit ang ulam. Nilagyan ko ang plato ko ng kanin at ulam, Sumubo ako ng kain at ulam pero parang hindi ko nalalasahan. Tumatakbo ang isip ko sa Canada.

Kailan kaya uuwi si Phoenix sa Pilipinas? Bweset na Doctor na yun. Iniwan ako ng matagal, alam niya naman na hindi ako sanay mag-isa. Hindi ako sanay na wala siya tabi ko. Kainis.

Naubos ko ang kinakain ko. Dahil weekend ngayon pinasyal ko si Baby Brett sa Mall. Karga-karga ko siya. Malusog na bata. Bilugan ang mata, mahaba ang mga pilik-mata at matangos ang ilong.

"Anak ang Daya-daya ng Daddy mo anak dahil hindi pa siya umuuwi galing Canada, One month ka ng umalis ka. Ngayon isang taon kana hindi parin siya umuuwi." Sabi ko sa baby ko.

May nakita ako mag-asawa sa Mall. Karga-karga ng lalaki ang anak niya. Hawak-hawak niya ang kamay ng miss niya. Sana all!

Kung dito lang sana si Phoenix sa Pilipinas sana ganiyan kami dalawa. Every weekend pinapasyal namin si Brett sa Mall.

Sabay kami manood ng Sine kaso malayo siya, nasa ibang bansa siya. Gusto ko umiyak.

Ayaw ko masaktan ang damdamin ko kaya pinipilit ko huwag umiyak dahil ako ang masasaktan sa banda huli.

May natanggap ako Invitation card galing sa Kapitbahay namin. Mag birthday ang anak niya. Mag two years old na ang bata. Ayaw ko maging unfair at bastos kaya pumunta ako sa Birthday party kahit ayaw ko. Binihisan ko si Brett bago pumunta sa Nasabi Event.

Maingay sa loob ng bahay. Marami bisita. Tom and Jerry ang theme ng Birthday party. Marami bata sa loob. May Naglalaro, Marunong ng lumakad si Brett kaya pinalakad ko siya kaso Dahan-dahan lang.

"Hi Lhea naku mabuti nakapunta ka" sabi ni Abby ang nag invite sakin pumunta sa Birthday party na ito. Ngumiti ako sa kaniya.

"Oo naman makakatanggi pa ba ako." Sabi ko.

"Wait hindi mo ba kasama ang asawa mo lhea?" Na curios na tanong niya sakin.

"Hindi pa umuuwi sa Pilipinas ang asawa ko abby" ito naman binabalot na naman ako ng lungkot.

"Ganun ba! Ilan taon na ba ang asawa mo sa Abroad?" Na intriga tanong niya.

"Mag isang taon" sagot ko.

"Grabe halos matagal na rin pala siya sa Abroad. Alam ko malungkot ka ngayon, I feel you mare pero huwag kana malungkot dahil babalik ang asawa mo sayo. Baka hindi kalang sanay na wala siya sa tabi mo" Saad niya.

"Oo hindi lang ako sanay" Saad ko.

Nagsimula ang Birthday party, Nakita ko si Abby at ang asawa niya habang nagsasalita sa harapan, Karga-karga ng Tatay ang anak nito. Nag first birthday si Brett wala si Phoenix sa unang kaarawan ng anak niya.

Nakakalungkot lang dahil ako mag-isa nagpalaki sa anak namin. Nauunawaan ko naman na may kailangan siya gawin sa Canada. Malawak naman ang pang-unawa kaya iniintindi ko siya.

Ang saya-saya nila mag-asawa habang pinagmamasdan ko.

Phoenix kung dito kalang sana sa Pilipinas sana maging masaya tayo dalawa kasama ang anak natin.

Nagsimula na ang birthday party. Pinakain ko si Brett ng spaghetti at Lumpia shanghai. Panay ang bungisngis niya habang nakikipaglaro sa mga bata. Jusko ang dami pawis sa likuran niya kaya Pinunasan ko agad at nilagay ko ang towel sa likuran niya. Bibo at masayahin bata si Brett.

Marami natutuwa sa kaniya dahil madaldal at makulit. Panay ang tawa niya habang nakikipaglaro.Kapag nakikita ko siya na alala ko ang ama niya, siya ang bunga ng pagmamahalan namin ni Phoenix. Sa loob ng maikli panahon nabuo siya agad.

Ang bilis parang kailan lang!

Pagkatapos ng Birthday party sa kapitbahay ay umuwi na kami sa bahay. Binihisan ko ang pajama si Brett at tsaka pinadede sa Bote. Katabi ko siya sa kama. Binuksan ko ang aircon para hindi siya mainitan. Umiiyak kasi siya kapag mainit ang kwarto. Hindi siya sanay sa mainit.

Napagod ang anak ko kaya nakatulog siya agad. Mahimbing ang tulog niya. Inayos ko ang unan sa ulo niya bago ko kinumutan. Humiga ako sa tabi niya habang yakap-yakap ko siya. Maaga ako gumising para lutuan ng almusal ni Brett. Si Jayson ang nagbabantay sa bata. May kasama naman kami sa bahay kaso hindi ako nag-uutos ng mga gawain sa bahay dahil sanay naman ako gawin ang ganito. Katulad ng pagluluto at paglalaba ng damit.

"Ate tumae si Brett" sabi ni Jayson sakin.

"Kumuha ka ng Diaper at wipes sa kwarto tapos bumalik ka agad dito, bilisan mo Jayson" sabi ko.

"Ah sige ate" Pumanik siya sa itaas para kumuha ng Diaper at wipes. Nakabalik siya agad kaya napalitan ko agad ang Diaper ni Brett.

"Lhea okay kalang" may narinig ako boses mula sa Pintuan.

"Kiero ikaw pala pasok ka" Saad ko.

"May pasalubong ako para sa inyo. Kumusta kana dito.wow ang cute-cute talaga ng pamangkin ko. Bless kay tito" kinuha niya ang kamay ni Brett at nagmano ito sa Tito Kiero niya.

"Okay lang ako Kiero. Hindi mo ba kasama ang asawa at anak mo?" Tanong ko.

"Sa bahay si Zyra. May sinat si Jenner kaya Kailangan alagaan." Sabi niya.

"Ganun ba"

"Oo galing ako sa bahay ni Kuya,dinalaw ko sila, nasa Tagaytay si kuya may ginagawa kaya si Sanya ang naabutan ko sa bahay. Alam ko malungkot ka dahil nasa Canada si Phoenix" wika niya.

"Oo, sa Video call lang kami nag-uusap dalawa. Mahirap na wala siya sa tabi ko" sabi ko.

"Huwag kana malungkot okay, hindi bagay sayo" Inakbayan niya ako."Alam mo parehas kayo ni Sanya na close na close ko"

"Kaya pala naka-akbay ka sakin" sabi ko

"Gusto ko Nakangiti ka. Alam mo malungkot si Phoenix ngayon kasi malayo kayo sa isat-isa kaya ang gusto nun palagi ka nakangiti" Saad niya.

"Sino may sabi sayo akbayan mo ang asawa ko Kiero?" Nagulat kami dalawa ni Kiero dahil nakita ko siya sa Pintuan nakatayo at grabe ang titig kay Kiero.

"Phoenix finally you're back after one years" Saad ni Kiero at inalis niya agad ang kamay niya sa balikat ko."Gusto ko akbayan Ang asawa mo bakit masama ba?"

Sa wakas bumalik na ang asawa ko.

"Tsk" Nag suplado siya sa kapatid at niyakap ko si Phoenix. Na miss ko talaga ang asawa ko

"I miss you Asawa ko" sabi ko sa kaniya.

"I miss you too my beautiful wife"Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ang labi ko sa harapan ni Attorney Kiero.

"Naks sa wakas nagkita at magkasama narin ang dalawa love birds na nangungulila sa bawat isa." Nakangisi Saad ni Kiero.

Sa wakas makakasama ko na siya. Mas lalo ko siya niyakap ng mahigpit.

MB Series #1 The Doctor Maid (R-18) Complete Where stories live. Discover now