Chapter 10

7.8K 94 3
                                    

Lhea

M-Mabuti nalang night shift ang duty ko sa Restaurant kaya may oras pa matulog at Magpahinga ako ngayon araw. Napagod ang paa ko sa katatayo kagabi dahil marami customer ang dumating at panay ang order ng alak at pulutan. Hindi ko alam kung ano ang nag udyok sakin na sumilip sa bintana, may nakita ako mamahalin sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay namin. Wait kanino sasakyan yun? Bigla bumukas ang pintuan. Nakita ko si Jayson pumasok sa loob ng kwarto. Ang bunso ko kapatid.

N-Napako ang mata niya sa'kin.

"Ate mag ayos ka ng sarili mo dahil may bisita ka, Galing Manila ate. Ang ganda ng sasakyan, Mercedes ba yun, Ate umaakyat ba 'yun ng ligaw ang dami dala" Saad niya.

"Ano may bisita ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Opo Ate Lhea, kaya ayusin mo yan sarili mo baka mapahiya kapag hinarap mo si Kuya pogi, Ayeeeeee si Ate dalaga na talaga kasi may nag-akyat ng ligaw" natatawa Saad niya.

Hinagod ko ang buhok ko."Tigilan mo ako Jayson" Kinuha ko ang suklay, Sinuklayan ko ang buhok ko bago humarap sa malaki salamin.

Lumabas ako sa kwarto ko at nakita ko si Doc nakaupo sa sala habang kausap si mama. Ano na naman ginagawa ng lalaki ito dito? Humarap sakin si mama.

"Naku mabuti naman Lhea nakagising kana. May bisita ka pala. Ang dami dala para sayo" Hindi ko magawa tumingin kay Doc. Ang dami niya dala, puro mga kahon. Ano ito mamanhikan.

Kaloka.

"Oo mama" sabi ko.

"Oh maiwan ko muna kayo para makag usap kayo ng manliligaw mo" Nakangisi sabi ni mama sakin.

I just rolled my eyes.

"M-Mama hindi ko po siya manliligaw, siya po ang naging amo ko sa Manila"

"Ano siya ang amo mo?" Tanong ni mama sakin.

"Opo" Saad ko.

"Naku hijo ikaw pala ang naging amo ng Anak ko, pasensiya kana sa bahay namin ah, hindi kagandahan pero totoo tao ang nakatira" sabi nito.

"Okay lang po" magalang na sabi niya. Aba himala magalang pala ang lalaki ito.

"Oh sige iiwan ko muna kayo dalawa. May pupuntahan kasi ako sa bayan" Saad niya.

Umalis si mama at parang ang sikip naman ng mundo ko dahil nandito ang dati ko amo. May dala siya bouquet ng bulaklak. Binigay niya sakin yun.

"Flowers for you" Saad niya.

"Wala kaba work ngayon sa Manila Doc kaya pumunta ka dito sa Tarlac?" Tanong ko sa kaniya.

"Nag leave ako, malungkot sa bahay. Lhea bumalik kana sakin este sa bahay. I miss you" Saad niya.

"Pasensiya na Doc hindi na ako babalik sa bahay mo" sabi ko.

"Lhea seryoso ako sayo. I swear to God, about my feeling for you. Mahal kita sana maniwala ka" Saad niya.

"Talaga gusto mo ako? Mahal mo ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes, Totoo lhea" sagot niya.

"Ligawan mo ako Doc hindi porket may nangyare satin sasagutin kita agad nu, dumaan ka sa butas ng karayom" sabi ko.

"What do you mean sa butas ng karayom Lhea?" Nakakunot ang noo niya.

"Gusto mo talaga malaman?" Tanong ko sa kaniya.

Kinagat niya ang labi nito.

"Yes, of course, tell me what is it Lhea?"

"Huwag mo ako English-Englishin Doc, sumama ka sakin" sabi ko sa kaniya.

MB Series #1 The Doctor Maid (R-18) Complete Where stories live. Discover now