Chapter 20

5.9K 74 4
                                    

Lhea

N-Nabusog talaga ako sa kinain namin ni Doc, Napadighay talaga ako,ang sasarap ng pagkain. Kahit ako makakahirit ako ng extra rice.Ang bilis talaga ng oras dahil mag ala-singko na naman ng Hapon. Busog na busog pa ako.Nakita bumukas ang pintuan dahil pumasok si Doc.

"Sweetheart maligo tayo sa dagat." Saad niya.

"Oo ba, halika na Doc, masarap maligo ng dagat. Hindi mainit."

"L-Let's go Sweetheart." Saad niya kaya bumaba kami papunta sa Beach. Ang dami naliligo ngayon sa dagat. May nag surfing. Nakatitig lang ako sa dagat ng bigla hawakan ni Doc ang kamay ko.

Hinila niya ako hanggang sa dagat at Naligo na nga kami sa dagat, mas mahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Hindi ako marunong lumangoy.

"D-Doc,wag sa malalim hah, takot kasi ako, alam muna hindi ako marunong lumangoy. Baka malunod ako kapag nasa malalim tayo" Saad ko.

Ngumisi siya.

"Hindi naman kita hahayaan malunod sweetheart ko. Hahawakan ko ng mahigpit ang kamay mo. Enjoy you're vacation,Sweetheart" ito na naman tayo kinikilig sa mga banat ni Doc.

Pumunta kami sa medyo malalim, hawak-hawak niya talaga ang kamay ko.

"Doc Matanong ko Lang ilan araw tayo dito sa Boracay?"

"Four days Sweetheart" Sagot niya. Pagkatapos namin mag swimming. Umupo kami sa buhanginan. Tinatanaw ang malapad na karagatan. Medyo mahina ang ampas ng alon. Ang ganda pagmasdan dahil sa natural ang kagandahan ng Isla ito.

Ang dami puno, mga niyog at nakakalanghap ng sariwa hangin. Hindi katulad sa Manila puro air polluted ang nalalanghap. Usok na nanggagaling sa Pabrika, sa sasakyan, Tapos mainit at maingay. Manila nga naman masyado marami tao dahil maganda ang ekonomiya.Nakasandig ang ulo ko sa balikat ni Doc habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Napansin ko kanina pa tahimik ang boyfriend ko.

"Doc bakit ang tahimik mo, kanina ko pa napapansin na tahimik ka. Hindi ako sanay ah, baka mamaya may iniisip ka oh pinaplano na hindi ko alam" Prangka sabi ko sa kaniya.

"S-Sweetheart may sakit ako?"

"Oh di nga" Sabi ko.

"Oo, AIDS, Akoy inlove dahil sayo" sabay tumawa siya ng malakas. Ay kaloka naman pala ang lalaki ito. May dinukot siya sa bulsa niya. Isang maliit na kahon.

"Ano yan Doc?' Na curios ako alamin kung ano yun.

Binuksan niya ang isang maliit na box, Tumingin siya sakin.

"Alam mo tahimik lang ang buhay ko noon, trabaho at bahay lang ako. Simula ng dumating ka sa bahay ko bigla naging maingay, Ang daldal mo, ang kulit mo, ang Hype mo, alam mo ikaw lang ang babae nagsisita sakin kapag nag topless ako sa loob ng bahay. Ikaw lang ang babae nagsabi sakin ng I love you na pabiro. Ikaw lang ang babae kaya-kaya ako biruin, alam mo Gustong-gusto ko na ginaganun mo ako. Oo pinapakita ko lang sayo na parang ayaw ko pero honestly natutuwa ako. Hindi ko alam kung paano ako Nagkagusto sayo. Hindi ko alam kung kailan, ano araw, ano oras, saan at bakit? Seriously lhea, mataas talaga ang standard ko sa babae kaya nanatili ako single at the long time, Ewan baka busy lang sa trabaho. Pero nawala lahat ng arte ko sa babae mamahalin ko ng makilala kita. Bakit pa ako hahanap ng babae maganda, flawless, edukada, matalino, sexy at mayaman kung may babae naman sa loob ng bahay ko na maingay, mahilig mag sing along, Palagi tinitignan ang katawan ko. Masarap magluto at higit sa lahat maganda."

"Bolero ka Doc sa totoo lang" Saad ko.

"Mahal na mahal kita Lhea Reyes, You will marry me, payag kaba pakasalan ang isang Surgeon Doctor?"

"Aba choosy pa ba ako. Isuot muna yan sakin Doc, bilis baka magbago pa ang isip ko. Dali" natawa siya sa sinabi ko at sinuot niya ang singsing, engagement ring sa daliri ko."Aba oo naman, gwapo kaya ang boyfriend ko at yummy pa."

"Grabe ka sa yummy Sweetheart" aniya.

"Oo naman Doc" sabi ko.

Apat na araw na kami dito ni Doc sa Boracay, Ang dami niya pinamili pasalubong sa mga kapatid at magulang niya.Inaayos niya yun sa maleta kaya tinulungan ko siya. Sinilid ko yun sa maleta. Hindi parin ako makapaniwala na suot-suot ko ang singsing na ito. Grabe ang ganda ng singsing na ito at Nag propose sakin ang isang Doctor.

"Doc kurutin mo nga ako sa pisngi dali" Saad ko. Kumunot ang noo niya nakatingin sakin.

"Bakit?"

"Sige na kurutin mo lang" bigla niya kinurot ang pisngi ko.

"O-Ouch,oo nga Doc, hindi panaginip ng lahat ng ito, totoo nga nag propose ka kanina sakin." Sabi ko.

"What?"

"Oo Doc, Akala ko kasi panaginip lang ang lahat, pero totoo pala. Doc salamat hah dahil gusto mo ako mapangasawa at magsasama tayo ng matagal sa iisang bubong."

"Thank you lhea." Saad niya.

Pagkatapos namin mag impake at ayusin ang mga gamit sa maleta ay hahatid kami ng Driver sa Airport. Ala una ng hapon ang flight namin pauwi sa Manila. Back to Manila again. Sayang nabitin ako sa bakasyon sa Boracay. Kailangan bumalik ni Doc dahil may naghihintay na mga reviewer niya at mag exam pa ito. Hindi ko alam kung bakit Kailangan niya pa mag exam.

Back to normal na ulit ang buhay ko, sa amin ni Doc. Kagabi sumilip ako sa kwarto niya. Busy-busy siya mag review. Ayon nakaupo sa upuan at panay ang review. Naawa na ako sa kaniya dahil alam ko puyat siya.

Magluluto nalang ako ng masarap na breakfast para sa kaniya. Lulutuin ko yun paborito niya adobo manok. Tumunog ang cellphone ko si mama tumatawag.

"Good morning mama" Saad ko.

"Aba anak mukha blooming ka ngayon ah, Ano balita? Kumusta ang bakasyon niyo sa boracay ni Doc?" Na intriga tanong niya sakin. Sabi ko na nga ba eh, kaya tumawag para makahagilap ng mainit-init na tsismis.

"Ayon mama okay lang. Ma nakikita niyo ba ito sa daliri ko" Pinakita ko sa kaniya.

"Bakit anak? Oo alam ko singing yan" Aniya.

"Mama, maniwala ka man oh sa hindi nag propose na siya. Si Doc ma" sabi ko.

"Ah kaya pala mukha masaya ka. Masaya ako sayo lhea dahil natagpuan muna ang para sayo. Yan binigay ng Diyos kaya tanggapin mo nalang" Saad niya.

"Mama, hindi lang ako makapaniwala na mamahalin ako ng amo ko. Kasi impossible mangyare ito dahil mayaman siya. Oh Kitang-kita naman sa pamumuhay niya ma! Maganda ang bahay, may mga kotse at higit sa lahat may negosyo. Eh ako mama ano meron ako?"

"O-Oh ayan ka naman lhea, masyado mo.minamaliit ang sarili mo kaya ganiyan ka mag isip. Ang mahalaga mahal ka ni Phoenix, diba sayo ko sayo inlove na inlove sayo ang Doctor na yan dahil natikman ang Precious body mo haha"

"Mama nagagawa mo pa talaga mag biro ah, kaloka ka mama sa totoo lang." Saad ko sa kaniya at panay ang tawa niya.

"Masaya lang ako para sayo. Basta anak pagbutihin mo diyan ah, huwag ka masyado mag alala dahil okay lang kami ng papa mo dito sa Tarlac" Saad niya.

"Oo mama, pagbubutihin ko talaga dito, basta palagi kayo mag-iingat diyan ah" Saad ko.

"Oo naman basta para sayo. Sige mamaya na tayo mag usap. May lalakaran pa ako."

"Bye ma" Saad ko.

"Bye, ingat ka palagi diyan" Pinatay ko ang tawag at bumalik ako sa ginagawa ko.

MB Series #1 The Doctor Maid (R-18) Complete Where stories live. Discover now