Chapter 13

6.9K 93 3
                                    

Lhea

Pinasadahan ko ng tingin ang Dress na binili sakin ni Doc, mamaya gabi may Family dinner sa bahay ng magulang niya sa Pasay. Pormal na kasi ako ipakilala ni Doc sa parents niya. Nakakaba na ewan, Hindi naman ako na excite na makaharap ko ang magulang niya dahil sa sobra kaba at takot na nararamdaman ko. Wala ako sinasabi sa buhay. Isang anak ng magsasaka sa Tarlac City. Housewife ang mama ko at may mga kapatid ako maliit na pinapa-aral.

Tapos mamaya haharapin ko ang Magulang ni Doc. Sobra yaman kaya ang magulang niya.CEO ang Mommy niya ng malaki Hospital sa Pilipinas, tapos ang Daddy niya, maraming Business, Surgeon Doctor ang Daddy nito. Nasa dugo nila ang pagiging Doctor. Ano binatbat ng pamilya ko doon. Magkaiba ang mundo ginagalawan namin ni Doc. Mayaman siya, ako mahirap. Kailangan ko pa kumayod ng pera para makatulong sa Pamilya.

Napahawak ako sa ulo ko.

"Kaya mo yan Lhea" sabi ko sa sarili ko.

Naligo muna ako bago ko sinuot ang dress, sakto sa katawan ko kaya ayos lang naman suotin. Sinuklayan ko ang buhok ko, Nilagyan ko ng hairclip ng gilid ng tenga ko. Nagpahid ako ng kaunti lipstick sa labi. Nilagyan ko ng Pulbos ang mukha ko. Mabuti nalang bumagay sakin ang Dress na ito.

Nakita ko pababa ng hagdanan si Doc. Simple lang suot niya V-Neck T-Shirt, Black Jean's at Rubber shoes na may malaking check. Bumagay sa kaniya dahil maganda siya magdala ng Damit.

"You're so beautiful" Hinarangan ko ang labi niya dahil hahalikan niya ako."Hey what wrong?"

"Naku hahalikan mo na naman ako Doc, Halika na baka ma late tayo sa Family Dinner" sabi ko.

"S-Shall we sweetheart" Nakangisi sabi niya.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan.sumakay ako sa Drive seat. Binuhay niya ang makina ng sasakyan bago lisanin ang Lugar na ito.

"Here I am, reminding you that you are beautiful, telling you that you are worth it." Saad niya habang nasa kalagitnaan kami ng Biyahe papunta sa bahay ng magulang niya. Medyo traffic kasi weekend ngayon.

Ang isang kamay niya abala sa Manibela ng sasakyan, hinawakan niya ang kamay ko habang hinahalikan niya, Ang sweet talaga ni Doc.

"S-Sinasagot na kita" sabi ko sa kaniya.

Bigla siya tumingin sakin.

"W-What did you say again?" Umigting ang panga ko.

"Bingi kaba Doc, oh nag bibingi-bingihan kalang? Alin sa dalawa yun at bakit hindi mo narinig ang sinabi ko sayo?" Sabi ko.

"I was driving sweetheart, maingay ang mga sasakyan kaya hindi ko marinig. I swear, I can't hear you"

"Gusto mo lakasan ko ang pagsabi ko"

"Ikaw" Aniya.

"Ang sabi ko sinasagot na kita." Saad ko sa kaniya. Ewan ko nalang sa Doctor na ito kung maririnig niya oh hindi. Naramdaman ko pinisil niya ang kamay ko.

"Tayo na?" Bigla sumaya ang mukha niya.

"Oo" sabi ko.

"Yes, finally girlfriend na talaga kita." Sabi niya.

Nakita ko huminto ang sasakyan niya sa isang tapat ng malapad na gate. Pinasadahan ko ng tingin ang bahay. Wow ang laki-laki, Mansion sa laki. Pinatay niya ang makina ng sasakyan at bumababa kami dalawa. Kinakabahan ako na ewan. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Let's go"

"Sige" Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya. May katulong na sumalubong sa amin sa bungad ng Pintuan.

"Good evening manang si Mom?" Tanong ni Doc sa Matanda babae.

"Sa loob po Sir" Sagot nito.

"Thanks"

Sa bawat dinadaanan ko ang ganda ng sahig, ang kintab-kintab ng tiles na Alaga sa linis. May malalaking picture frame na nakasabit sa Dingding. Ang dami family picture na naka display. Ang ganda ng loob ng bahay. May malalaking Flower vase na nakalagay sa Gilid. Hayop sa ganda ang bahay na ito. Grabe.

"Good evening son" Saad ng Mommy ni Doc kay Phoenix. Nagmano ito sa ina bago humalik sa pisngi.

"Good evening mom, Dad" nakita ko ang Daddy ni Doc, grabe ang gwapo talaga nito kahit may edad na.

Pinasadahan ako ng tingin ng Mommy ni Phoenix kaya yumuko ako.

"Dad, mom, si Lhea reyes po, Girlfriend ko" Sabi ni Phoenix sa magulang.

"Hello po, ako po si Lhea Reyes" sabi ko sa kanila. Bigla tumayo ang Mommy ni Doc at niyakap niya ako ng mahigpit. Tama ang sabi sakin ni Doc mabait ang mama niya at hindi matapubre tao katulad ng iba.

"Nice to meet you Hija. I know sinabi na sakin ni Phoenix ang lahat. Alam mo ba sinasabihan ko na mag-asawa yan kaso hindi ako pinapakinggan. Ngayon ko lang nakita may dinala babae yan dito sa bahay" sabi niya sakin.

"Ganun po ba Ma'am" sabi ko.

"Huwag mo ako tawagin Ma'am. Tawagin mo ako Mommy oh kaya mamita. Nice to meet you Lhea" Masaya ang mukha niya.

"Sige po Mamita" Saad ko. Nakahinga ako ng maluwag.

"Sit down let's eat hija, Huwag ka mahiya sa Daddy ni Phoenix mabait na tao yan. Apat ang anak ko. Si Matthew, si Kiero Gail at si Phoenix at isa ang babae ko si Kiera kaso wala siya sa Pilipinas, nasa America nag-aaral."

Nasa tabi ko si Phoenix, sa wakas nakaharap ko na ang magulang ni Doc.

Sinandukan ako ng pagkain ni Doc at nilagay niya ito sa Plato ko.Tumingin siya sakin.

"Huwag ka mahiya sweetheart, kumain na tayo."

"Salamat po Doc" sabi ko.

"Alam mo Hija, Hindi ako ang klase ng ina na hahadlang sa kagustuhan ng mga anak ko, alam mo kung bakit kasi may sarili pag-iisip na sila. Si Matthew hinayaan ko sa career niya. Akala ko nga hindi na mag-asawa ang bata yun. Busy sa career. He's Architect, naka focus siya sa trabaho at mga negosyo niya. Gustong-gusto ko lumagay sa tahimik na buhay dahil hindi na siya bumabata, aba nagulat ako may dala na babae dito. Masaya ako. Ganun di si Kiero na Inlove kaya ayon pinakasalan ang mga babae mahal nila. Ngayon may mga anak na. Si Phoenix nalang ang wala. Akala ko hindi mag asawa ang lalaki yan" Saad ng Mommy niya.

"Si Matthew ang una kinasal sa kanila tatlo" sabi ng Daddy ni Doc.

"Yeah Dad, si Kiero ang sumunod." Sabi Doc.

"Ikaw ang next Phoenix" sabi ng Daddy niya.

"Parang doon na yun papunta Dad." Sabi ni Doc.

"Dapat lang Phoenix dahil hindi kana bumabata. Hindi kaba naiinggit sa mga kapatid mo, may mga anak na. Kaya bilis-bilisan niyo dalawa at gusto ko na makita ang lahi mo Phoenix." Saad ni mamita.

Bigla ako nabulunan kaya uminom ako ng tubig.

"Mom saan ang dalawa ko kapatid? Hindi ba sila pupunta dito?" Tanong ni Phoenix sa ina.

"Si Matthew busy hindi ko makausap ng maayos, si Kiero ayon babad sa trabaho dahil marami kaso hinahawakan." Saad niya.

"Ganun ba mom"

"Yes"

Ang gaan sa Pakiramdam dahil hindi ako ibang tao sa kanila. Pamilya ang tingin nila sakin. tinanggap ako ng magulang ni Doc ng buong-buo. Ang bait-bait nila sakin at hindi matapubre. Unang kita ko palang sa Mommy ni Doc gumaan agad ang pakiramdam niya sakin. Nakagaanan niya ako ng loob at ganun naman ako sa kaniya.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa pinag-uusapan nila.Inubos ko ang mga pagkain nasa Plato ko.

Naramdaman ko hinawakan ulit ni Doc ang kamay ko.

MB Series #1 The Doctor Maid (R-18) Complete Where stories live. Discover now