Chapter 19

6.2K 79 1
                                    

Lhea

S-Sabi sakin ni Lola Ismeralda kapag buntis daw Kailangan maglakad ng malayo dahil exercise yun para kapag nanganak ako madali nalang mag labor. Dahil kasabihan yun ng matatanda ay susundin ko na. Sinuot ko ang Tsinelas ko at ni lock ko ang Maindoor bago lumabas sa gate. Maaga pa naman kaya hindi masakit ang sinag ng araw. Naglalakad ako sa loob ng Villages ng may nakita ako Puno ng manga. Sakto may bunga kaya kumuha ako ng panungkit.

Medyo mataas ang bunga ng Manga kaya medyo ako nahirapan sungkitin. Gusto ko pa naman kumain ng Manga. Gusto ko tumungtong sa bato para maabot ang Manga, baka ma out of balance pa ako.

Bigla may humawak sa baywang ko kaya natigilan ako.

"Ako na" Saad niya at lumingon ako si Doc. Medyo magulo ang buhok niya. Kinuha niya ang sungkit na hawak-hawak ko.

"D-Doc paano mo nalaman na dito ako? Sinusundan mo ba ako?" Prangka tanong ko sa kaniya.

"Y-Yes, nakita kita kanina umalis sa bahay----Kaya sinundan kita" Saad niya, siya na ang kusang pumitas ng Manga. Dinampot ko yun mga nahuhulog. Medyo marami na kaya tumigil siya. Sinandig niya ang panungkit sa puno ng Manga.

"D-Doc akala ko ba puyat ka dahil mag exam ka next week? Bakit gising ka ngayon? Mamaya pupunta ka sa Ospital ng lolo mo" sabi ko sa kaniya.

"Siguro hindi muna ako papasok, Nandoon naman si Dad at si Tito Justine. I need to more rest sweetheart." Aniya.

"O-Oh dapat nagpapahinga kana Doc, Kung gusto mo mag rest" sabi ko. Gumagalaw ang Adam apol niya.

"P-Paano ako makakatulog ng maayos, Kung nakikita ko aalis ka sa bahay ng hindi man lang nagpapaalam sakin sweetheart. Natakot na ako ng mag pass out ka at tumama yan noo mo sa table. I'm scared" Aniya.

"Pero okay naman ako Doc. Kaya nag pass out ako dahil buntis ako" sabi ko sa kaniya.

"K-Kahit na.Buntis ka Sweetheart, Kailangan alagaan kita. Ayaw ko mapaano kapa ulit baka hindi ko kayanin"  napako ang tingin ko sa kaniya." Why staring at me?"

"Wala, Grabe ka pala magmahal Doc, nakakatakot!" Natatawa sabi ko.

"Bakit natakot kaba?"

"Oo, kasi concern ka sakin at kapakanan ko lang ang iniisip mo, kahit pagod at puyat ka sa trabaho, ako parin ang priority mo kaya nagpapasalamat sa Diyos dahil binigyan niya ako ng isang ikaw. Minsan naisip ko ang hirap-hirap mo abutin dahil mayaman ka, hindi mo pino-problema ang pera, Matalino ka, may degree, lahat ng babae nagkakagusto sayo dahil marami ka maganda katangian. Tapos sakin kalang pala magkakagusto. Ang babae taklisa magsalita, maingay at prangka. Alam mo Doc wala ako naabot sa buhay ko dahil mahirap lang kami. Alam mo yan" sabi ko sa kaniya.

Tahimik lang siya nakikinig sa Mga sinasabi ko. Ano kaya ang iniisip niya ngayon?

"Doc, bakit hindi ka umiimik diyan? Hindi ako sanay na tahimik ka tapos nakatitig ka sa mukha ko. Hindi na nga ako nagpapaganda para hindi mo ako titigan ng husto" sabi ko.

Ginulo niya ang buhok ko.

"Wala Lang natutuwa lang ako sayo." Pinisil niya ang pisngi ko.

"Ah ganun" sabi ko. Naningkit ang mata ko nakatingin sa kaniya. Hawak-hawak niya ang manga pinitas namin dalawa.

"Oo, Sweetheart date naman tayo" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Talaga Doc mag date tayo, saan mo gusto?" Na excite ako bigla dahil e date ako ni Doc.

"Sa Boracay" Saad niya.

"Talaga Doc, pupunta tayo sa Boracay, akala ko ba mag review ka dahil may exam ka tapos paano yun trabaho mo sa Ospital ng Mommy mo?" Tanong ko sa kaniya.

MB Series #1 The Doctor Maid (R-18) Complete Where stories live. Discover now