Chapter 6

7.4K 98 1
                                    

Lhea

K-Kaya mo 'yan Lhea, kaya mo yan, Iniisip ko palang parang nahihirapan na ako. Mga bigatin na bisita ang pupunta, Alam ko. Tapos ang kakanta sa harapan isang Probinsyana babae, isang kasambahay.

Grabe!

Maaga umalis ang boss ko dahil may ooperahan ito. Maaga siguro ang schedule ng pasyente. May bakla daw na pupunta dito sa bahay para ayusan ako. Kailangan maging presentable ako mamaya dahil ako ang kakanta sa Stage mamaya. Lord kaya ko ba talaga? Ano gagawin ko mamaya? Umayos ka nga lhea, Kailangan hindi ka pa tanga-tanga mamaya sa Birthday party event. Naligo muna ako, kasi aayusan ako mamaya at may grab taxi na pupunta dito sa bahay na maghahatid sa akin sa Okada, Manila.

Naloloka na ako kakaisip dito.

S-Sinuklay ko ang buhok ko bago lumabas sa Kwarto. Sakto ng lumabas ako may nag doorbell, baka ito na 'yun sinasabi sakin ni Sir. Baka dumating na ang make up Artist na mag-aayos sakin. Binuksan ko ang pintuan at may nakita ako sasakyan sa tapat ng bahay. May tao sa gate kaya binuksan ko.

"Hi po" nakita ko ang isang lalaki, baka ito na nga yun.

"Hi Girl, ikaw ba yun sinasabi ni Phoenix na aayusan ko today?" Tanong niya habang sinisipat ako ng tingin simula ulo hanggang paa. Nailang tuloy ako sa mga tingin niya yun.

"Ako nga po, pasok po kayo" Paunlak na sabi ko sa kaniya at pumasok naman siya sa loob ng bahay."Wala po sir e, maaga ang pasok niya ngayon." Sabi ko habang papasok sa sala.

"Okay lang, nag message siya sakin na maaga ang pasok niya ngayon! Ano nga name mo?"

"L-Lhea Reyes po" kinagat ko ang labi ko.

"Nice name" Umupo ako sa harap ng salamin.una niya inayusan ang buhok ko. May ginagawa siya para kumulot sa dulo."Alam mo girl natural ang ganda mo. Ganda pilipina yeah, kaso kulang kalang sa ayos, kaya ako bahala sayo. Single kapa ba girl?" Nakangisi tanong niya sakin.

"Opo single pa ako." Sagot ko.

Ngumisi siya sabay tumingin sakin.

"Naku mamaya girl panigurado ako hindi kana magiging single dahil may lalapit sayo lalaki dahil sa ganda mo girl" Aniya.

Kumunot ang noo ko."Naku mukha Malabo mangyare yan" sabi ko sa kaniya.

"Ano Malabo mangyare yan Lhea. You're so really beautiful inside and out. Ilan tao na ba ang nagsabi sayo na maganda ka hmmmmm?"

Napalabi ako."Mama ko palang, sabi niya sakin cute at maganda ako" sagot ko.

"Sa tingin mo ba nagsisinungaling sayo ang mama mo?"

Nagkibit balikat nalang ako."Ewan ko"

"Naku basta sinasabi ko sayo, maganda ka kaya maniwala ka sakin." Aniya.

"Talaga po ba maganda ako?"

"Ay bakit ano palagay mo sakin nag Sinungaling. Maganda ka" Saad niya. Pagkatapos niya kulutin ang buhok ko ay nilagyan niya ako ng make up sa mukha. Nilagyan niya ng lipstick ang labi ko. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa harapan ng malaki salamin. Ako ba talaga ito.

"Ako ba talaga ito?" Tanong ko sa kaniya.

"Ano hindi ka makapaniwala na mag glow up ang beauty mo ngayon, sabi ko naman sayo maganda ka. Kulang kalang sa ayos. Minsan gumamit ka ng beauty products at mag ayos ka para magka jowa kana this year girl." Natawa nalang ako sa sinabi niya.

Sana nga magka jowa ako ngayon taon!

Pinasadahan ko ng tingin ang dress na susuotin ko. Wow napakaganda naman nito. Light brown dress ang susuotin ko. Ngayon hindi ako makapaniwala na ang ganda ko ngayon, ako ba talaga ito?

MB Series #1 The Doctor Maid (R-18) Complete Where stories live. Discover now