Chapter 23

5.8K 76 1
                                    

Lhea

Nandito ako ngayon sa Isang Hotel sa Manila, Aayusan kasi ako ng make up Artist. Ngayon araw ng kasal ko kay Doctor Phoenix Montenegro. Ito na siguro ang pinakamasayang nangyare sa buhay ko. Bata palang ako pangarap ko ikasal sa simbahan. Yun tagpo na ihahatid ako ng magulang ko sa harap ng Altar. Habang hinihintay ako ng groom ko. Hindi ko talaga malubos maisip na mangyayare ito sa buhay ko ngayon. Ang pangarap ko lang makatulong sa magulang kaya lumuwas ako ng Manila.

H-Hanggang sa nakilala ko ang amo ko Doctor. Akala ko hanggang amo ko lang siya, akala ko hanggang katulong niya lang ako. Maninilbihan sa kaniya. Taga luto, taga linis ng bahay, taga laba ng brief niya. Pero ito ngayon kami, Nagustuhan niya ako at minahal ng sobra. Masayang-masaya ako sa kung ano meron sa amin ni Doc.

Pinasadahan ko ng tingin ang wedding gown na naka balandra sa Kama. Dumating na yun make up Artist na mag-aayos sa akin. Umupo ako sa harapan ng malapad na salamin. Kitang-kita ko ang pagsuklay niya ng buhok ko. Kinulot niya sa dulo.

"Alam mo girl ang ganda-ganda ng buhok mo, natural na natural" Saad ng bakla nag-aayos sakin!

Ngumiti ako sa kaniya.

"T-Talaga ba! Maganda ang buhok ko?" Tanong ko sa kaniya. Pinuri niya ang buhok ko.

"Oo naman Ma'am, tapos ang ganda-ganda mo pa kaya inlove na inlove sayo ang boyfriend mo" Aniya. Natawa ako sa sinabi niya inlove na inlove sakin ang boyfriend ko.

Mas lalo naningkit ang mata ko nakatingin sa kaniya.

"Maraming salamat ah, nagandahan ka sakin." Sabi ko.

"You're welcome, basta mamaya pagdating mo sa simbahan,wag ka iiyak kahit sobra mo dahil masisira yan make up mo, ikaw din, gusto mo ba pumangit ka sa araw ng kasal mo?" Napailing ako.

"Malamang hindi" sagot ko sa kaniya.

"A-Alam ko yun nararamdaman mo, kahit sino naman masaya kapag ganiyan na ihaharap ka ng boylet mo sa harapan at Altar at sa mata ng Diyos. Ay kahit ako masaya ako kapag ginawa sakin ng Jowa ko yan, ay kaso wala pala ako jowa girl" Aniya.

"Salamat hah"sabi ko.

"Basta mamaya maging masaya kalang, Deserve mo yan kasi mahal na mahal mo ang boylet mo" aniya.

"Oo, sobra mahal na mahal ko siya. Actually niyan buntis ako" sabi ko.

"Ay ganun ba, masaya ako para sa inyo dalawa ng Boyfriend mo" Saad niya.

Nasa simbahan na ang pamilya ko. Si mama at papa nasa simbahan, ayaw niya ako samahan dahil hindi na daw surprised sa kanila kapag nakita niya ako suot-suot ko ang wedding gown na ito. Tinulungan ako ng bakla nag ayos sakin na isuot ang wedding gown ko at ang heels ko naman ay hindi masyado mataas kasi baka matapilok ako kapag mataas. Wedding Organizer ang kasama ko pupunta sa simbahan. Pasado mag siyete ng umaga. Excited na ako makita ang Doctor ko. Iniisip ko palang kung ano hitsura niya ngayon, gwapo talaga. Malakas ang sex appeal sa katawan.

Gusto ko na mahawakan ang mga kamay niya.

I love him so much and I really do. Gusto ko talaga siya makasama hanggang sa pagtanda ko. Alam mo yun Tanging kamatayan lang ang magpapahiwalay sa amin dalawa. Wala hahadlang na ibang tao para maghiwalay kami. Dahil mas lalo namin papatibayin ang amin relasyon. Mas lalo magiging matatag kasama ng mga anak namin on the future.

"Ma'am Lhea on the way na ang bridal car." Saad ng wedding Organizer.

"Sige po lumabas na tayo" sabi ko sa kaniya.

----------------------------------

Phoenix

Hindi parin ako makapaniwala na ngayon na ito na, ikakasal na ako sa babae para sakin. Nakita ko si Dad busy-busy kausap ang magulang ni lhea. Si mom naman karga-karga ang anak ni Matthew. Si Kiero ayon karga-karga ang anak nila ni Zyra. Hindi ko ang aakalain na ang isang Playboy kaya magbago. Kaya magmahal ng totoo, si Zyra pala ang babae magpapabago ng buhay niya. Sa wakas kami tatlo may asawa na. Hindi na ako single. Siguro kung kaya ko lang basahin ang iniisip ng dalawa ko kapatid, siguro pinagtatawanan nila ako ngayon lalo na si Kiero. Tsk! Lakas mang-asar! Argh!

Hinayaan ko nalang ang pang-aasar ng dalawa ko kapatid. Wala e maluluwag ang mga turnilyo nun sa utak.

"Naks bro, ikakasal na ang kapatid na natin" Nakangisi Saad ni Kiero.

"Oo nga nu, parang kailan lanh single yan, ngayon ikakasal na" Saad ni Matthew.

"Nawala ang angas ng dumating ang babae babali ng paninindigan niya haha. Sabi niya pa dati, ayaw ko nga mag-asawa kung katulad niyo lang din ako" Saad ni Kiero.

I just rolled my eyes. Tawang-tawa si Matthew sa sinasabi ni Kiero.

"Hoy! Attorney tigil-tigilan mo ako ah, kung ayaw mo tanggalan kita ng lisensya, umayos ka" pabiro sabi ko.

"Haha bakit totoo naman sinasabi ko." Sabi ni Kiero.

"Tapos sa babae mahirap din babagsak haha" bweset na Architect na ito nakikisingit pa. Siguro mag kasabwat ang dalawa ito para asarin ako sa araw pa ng kasal ko.

"Bro,Until now hindi parin ako makapaniwala na ikakasal kana." Saad ni Matthew.

"Ako din"

"Isa kapa Attorney, bakit ba ang hilig mo asarin ako ah, problema mo?"

"Hoy kasi ikaw ang may kasalanan nito, tinatawanan mo kami dalawa ni Matthew na kinasal Kami sa mahirap na babae. Ngayon ano ka?" Saad ni Kiero.

"Ito katulad niyo dalawa" sabi ko sa kaniya.

"Kapalaran na natin yan mga bro." Sabi ni Matthew.

"Kapag kapalaran, accepted" sabi ni Keiro sabay Nagkibit balikat nalang ito.

Naningkit ang mata ko nakatingin sa kaniya. May araw ka rin sa akin Attorney ka. I'm just kidding. Ang dami bisita na pumunta, classmate ko noon College at kasamahan ko sa trabaho. May napansin ako babae na nakatingin sa akin.

"Grace" Saad ko.

Si Grace ang Girlfriend ko noon nag aaral pa ako sa college. Grace is generous, brilliant, beautiful like a queen, Mayaman at higit sa lahat edukada. Dermatologist Doctor siya sa St. Luke sa Manila. Minahal ko siya dahil mabait siya. Siya ang pinapangarap ko babae noon. Gustong-gusto ko siya asawahin kapag Doctor na ako. Pero marami nagbago simula ng isang pangyayare na hindi ko aakalain na aabot kami sa sitwasyon na ganun. Siguro nga pinagtagpo lang kami para makilala ang bawat isa,hindi magsasama habang buhay. Si Matthew namatayan ng minamahal, si Kiero Iniwan ng kaisa-isa babae minahal niya kaya naging babaero. Ako naman ganun sa sitwasyon ni Kiero.

Nilapitan ako ni Grace.

"You look good Phoenix" Shes said.

"Oh mabuti naka attend ka sa araw ng kasal ko" sabi ko sa kaniya.

"Yeah, tinawagan ako ni Kiero, Sinabi niya akin ngayon araw ang kasal mo, kaya pumunta ako dahil gusto kita makita ikakasal sa babae mahal mo, Congratulation Phoenix" Aniya.

"Thank you Grace, oh parang hindi mo kasama ang asawa mo?" Tanong ko sa kaniya.

"I'm divorce Phoenix, kasi binubugbog niya ako. Kaya napag desisyunan namin dalawa na maghiwalay nalang kaysa sa nagkakasakitan kami dalawa." Saad niya.

"Ganun ba. That bad Grace." Sabi ko sa kaniya.

"Masaya ako para sayo. Wala pa ba ang bride mo?"

"Oo nga e, baka na traffic lang, pero on the way na yun" sabi ko.

Sa muli pagkikita namin ni Grace ay wala na ako naramdaman para sa kaniya. Kaibigan nalang talaga ang tingin ko sa kaniya. Hindi tulad noon na inlove na inlove ako sa kaniya. Palagi ako na excite na makita siya. Makasama siya. Seven years na ako naka move on sa kaniya. Tapos na ang kilig-kilig at paghanga ko sa kaniya. Graduate na ako sa Puppy love. Mas lalo na excite makita ang bride ko at ang kilig ko grabe. Parang nakita ko ang babae crush na crush ko, ganun ang nararamdaman ko ngayon.

Damn, Gusto na talaga siya makita ngayon. Excited na ako na ikasal sa babae bumasag ng paninindigan ko sa buhay. Damn wala pa nga kami kasal binabaliw niya na naman ako.

Shit!

Kung may isa ako babae mamahalin habang buhay, si Lhea yun, No other woman!

MB Series #1 The Doctor Maid (R-18) Complete Where stories live. Discover now