Chapter 2

9.6K 118 2
                                    

Lhea

H-Hindi pa sumisikat si Haring Araw, Bumangon na ako sa kama, Inayos ko ng unan at tiniklop ang kumot. Nag gurgle muna ako bago pumunta sa Kusina. Ang lapad ng kusina ni Sir, kumpleto sa lahat ng gamit kaya hindi ako mahihirapan sa pagluluto. Binuksan ko yun Refrigerator ni Sir ang dami laman mga wine, Chocolate at prutas. Siguro Ham at Scramble egg ang lulutuin ko almusal niya.Pansin ko lang hindi naman siya pihikan sa pagkain.

Hindi katulad ng ibang mayayaman na ubod ng saksakan ng arte sa pagkain. Kinuha ko ang rice cooker para mag saing. Bago e prito ang ham at itlog ni Sir, ay este ng manok, Nadulas tuloy ang bibig ko.

Pinunasan ko ang mesa bago inayos ang plato at kubyertos.

"Hmmm smell good"

"Ay anak ng kabayo ka!" Nakita ko si Sir Phoenix pumasok sa kusina, Naku naka topless na naman ang gwapo at hot ko amo. Medyo magulo ang buhok niya. Ang cute!

"Ano ulam?" Tanong niya habang kinukusot ang mata, Umupo siya sa harapan ko.

"Ako Sir pwede mo ako ulamin" Nagulat siya sa sinabi ko kaya nilakihan niya ako ng mata.

"Seriously?" Nagsusuplado na naman ang amo ko.

"Joke lang Sir. Ito naman hindi na mabiro." Sabi ko."Sir ano oras pasok mo para linisin ko ang sasakyan mo?"

"Huwag muna linisin ang sasakyan ko. Magpahinga ka nalang" Aniya.

Umarko ang kilay ko."Naku Sir wala pa nga ako ginagawa dito sa loob ng bahay mo magpapahinga na ako. Alam mo Sir sa Probinsiya namin madaling araw palang nag tatrabaho na ako sa bukid, Nagdidilig ng halaman, Nagsisibak ng kahoy at nagtatanim ng gulay. Pwede mo naman ako utusan eh. Hindi ako reklamador Sir." Sabi ko sa kaniya.

"Talaga?"

"Oo naman Sir" sabi ko.

"Honestly masarap ka magluto. I like your adobo" Saad niya.

"Talaga Sir masarap ako magluto. Alam mo kasi Sir kapag nagluluto ako, may kasama pagmamahal, kaya masarap ako magluto"

"Keep it up" Mahina sabi niya habang sinusubo ang kanin.

L-Lord kunin mo nalang ako please, ang aga-aga pinapainit ni Sir Phoenix ang mata ko, Ang ganda-ganda ng Build ng katawan niya. May maganda muscle, Perpekto ang dibdib, Tapos may abs pa. Jusko Lord abs palang ulam na. Parang nanunuyo ang lalamunan ko habang nakatingin sa katawan ni Sir. Sino ba hindi titingin sa katawan niya ay napaka-perpekto.

"Are you done checking me out huh?' Nagulat ako sa tanong ni Sir. Napakurap ako saglit.

"M-May sinasabi ka Sir?" Tanong ko.

"Ang sabi ko tapos kana ba pag pantasyahan tignan ang katawan ko?" Napansin niya pala tinititigan ko ang katawan niya.

"Malamang Sir may mata ako diba, kaya makikita ko yan katawan mo. Ang hilig mo kasi mag topless, mainit ba ang panahon Sir? Buksan ko ang aircon kung naiinitan ka?"

"Mahilig talaga ako mag topless" Sabi niya.

"Naku Sir, kung may plano ka akitin ako, walang epekto yan sa akin dahil marami pa ako pangarap sa buhay hahaha" napahalakhak ako.

"Mangarap ka! Hindi porket naka topless ako nagpapa-cute ako sayo. You're not my type" inirapan niya.

"Ay grabe siya. Naku Sir huwag ka magsalita ng tapos, baka kainin mo yan sinasabi mo sakin. Ilan taon kana Sir?" Interesado tanong ko.

"Thirty years old"

"Naku sa edad mo yan Sir dapat may girlfriend kana."

"Hindi ko minamadali ang ganiyan bagay. About marriage wala pa yan sa vocabulary ko"

MB Series #1 The Doctor Maid (R-18) Complete Where stories live. Discover now