Chapter 9

7.4K 92 4
                                    

Lhea

W-Wala ako ginawa kundi umiyak ng umiyak, habang naglalaba tumutulo ang luha ko, habang naglilinis ng bahay, iyak lang ako ng iyak. Naisip ko umalis nalang dito sa bahay ni Sir. Babalik nalang ako ng Probinsiya. Ang hina-hina ko pagdating sa tukso. Hindi ko man lang kaya labanan ng inakit niya ako kagabi.

Kinuha ko ang bag ko at sinilid ko sa loob ng bag ang mga damit ko. Pinasadahan ko ng tingin ang cellphone na binigay ni Sir sakin. Nag Iwan ako ng Note sa ibabaw ng Table niya sa kwarto at binalik ko ang binigay niya cellphone sakin. Paalam Sir Phoenix, nahihirapan ako sa sitwasyon ngayon, gusto ko muna umalis sa Puder mo. Hindi ko na kasi kinaya ang sitwasyon ngayon.

May pera pa naman ako pauwi sa Probinsiya, siguro Kailangan ko muna bumalik doon para makalimot sa nangyare sakin sa Manila. Ni lock ko ang mga pintuan ng bahay ni Sir bago umalis. Nag abang ako ng Triycle papunta sa Bus station. Kumain muna ako bago umalis sa bahay ni Sir. Mahaba-haba oras ang biyahe ko pauwi sa Probinsiya.

Mabuti nalang hindi traffic sa daan kaya nakarating ako sa Bus station. Sumakay ako sa bus papunta Tarlac, wala ako dala cellphone dahil iniwan ko ang Samsung galaxy sa kwarto ni Sir. Hindi ko kaya dalhin yun sa Probinsiya. Ayaw ko siya e take advantage na isipin niya materialistic ako babae. Mas okay na yun ginawa ko isauli ang cellphone.

Mabuti nalang mabilis mapuno ang Bus ng mga pasahero kaya umalis agad. Habang nasa biyahe ako nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Hapon na ng makarating ako sa tarlac. Magbubukas ang bagong kabanata ng buhay ko.

Pagbaba ko sa triycle pauwi sa bahay nakita ko si mama nagwawalis sa bakuran.

"Ma!" Sabi ko at nagmano ako sa kaniya.

"Oh lhea mabuti ligtas ka nakauwi. Kumusta ang biyahe mo. Na recieved ko ang text mo kagabi na uuwi kana papa dito" Saad ni mama.

"Ayaw ko na sa Manila mama, siguro okay na yun tatlong buwan na nag trabaho ako doon, Ibang-iba ang galawan sa Manila mama, ang hirap-hirap mag adjust dahil ang mga tao doon palagi nagmamadali" sabi ko.

"Okay lang sakin anak, mas mabuti nga dito ka sa Probinsiya para nakakasama ka namin ng papa mo, para nakakasama ka ng mga kapatid mo" Aniya.

"Tama ka mama" sabi ko.

Pumasok ako sa loob ng bahay, Pumasok ako sa kwarto ko bago humiga sa kama. Siguro mauunawaan naman ni Sir Phoenix ang pag-alis ko. Ito nalang ang paraan ko para hindi ko na siya makita ulit. Nakahanap ako agad ng trabaho sa Probinsiya. Isa ako waitress sa Green Bamboo Restaurant. Malakas sa Local and international ang restaurant na ito dahil sa masarap na pagkain at mga seafood dishes.

Mabuti nalang natanggap ako sa trabaho bilang waitress na ina-aplayan ko. Ang dami dumadating na customer, may kano at mga koreano.

Nakatuka ako asikasuhin ang mga customers na dumadating.

"Lhea may nag-iisa customer doon sa K-2 puntahan mo muna, mag order yata ng San Mig light" Saad ni Caren.

"Sige ako na bahala sa kaniya" sabi ko, Pinuntahan ko agad ang sinasabi ni caren na customer sa K-2.

"G-Good evening Sir ano po orde---------------Natigilan ako sa nakita ko. Sa kaharap ko ngayon."Sir Phoenix" Seryoso ang mata niya nakatingin sakin.

Isang Linggo na rin pala ang nakalipas ng huling nakita ko siya.

"Kailangan natin mag-usap" Maawtoridad na sabi niya ngayon sa harapan ko.

"Mag usap para saan Doc?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit umalis ka sa bahay na hindi nagpapa-alam ng personal sakin. Nag Iwan kapa ng goodbye note sa table ko. Iniwan mo ang cellphone na binigay ko sayo" Saad niya.

"Dahil hindi kita kaya harapin ng maayos dahil sa nangyare Doc, buong-buo na ang desisyon ko umalis sa Manila, masaya na ako bumalik sa Probinsiya at dito na ako mag trabaho."

Kumunot ang noo niya.

"What did you say?"

"Hindi mo narinig Doc, Dito na ako mag trabaho sa Probinsiya, ayaw ko na sa Manila." Prangka sabi ko sa kaniya.

"Kaya iniwan mo ako sa ere ng ganun kadali sayo. Ang bilis-bilis mo mag desisyon umalis" sabi niya.

"Dahil hindi ko na kaya makasama ka. Alam mo ba ang baba ng tingin ko sa sarili ko dahil sa nangyare. Bata palang ako Doc, pinangarap ko ang virginity ko ibibigay ko sa lalaki mamahalin at papakasalan ko." Sabi ko sa kaniya at natahimik siya bigla."Kung nandito ka ngayon para kumbinsihin ako para sumama sayo bumalik sa Manila, ayaw ko na po." Saad ko.

"Hindi yan ang intension ko para puntahan ka dito sa Tarlac lhea"

"Ano ang intension mo Doc, Aakitin mo ako ulit at mag sex tayo. Isang gabi lang yun Doc, hindi kana makaka take two sakin nu" Prangka sabi ko sa kaniya.

"No Lhea" mabilis na saad niya.

"Eh ano Doc?" Pinasadahan niya ako ng tingin."Alam mo ba ako nalang ang inaasahan ng pamilya ko dahil ako ang Breadwinner ng Pamilya. Sa akin umaasa ang mga kapatid ko Doc, dahil nag-aaral pa sila, Pangarap ko makapagtapos sila para hindi balang araw maghihirap sila dahil wala natapos" Saad ko.

"So kung ano naman akin ngayon kung mahirap ka, So kung ano naman sakin kung Breadwinner ka. Wala ako pakialam sa sinasabi mo Lhea,Kahit ikaw pa ang pinakamahirap na babae sa buong mundo Lhea, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you miss Reyes, Without limits and Boundaries" Saad niya.

Tama ba ang narinig ko. Mahal niya ako?

"Anong sabi mo Doc? Mahal mo ako?"Seryoso tanong ko sa kaniya. Narinig ko ang malakas na kanta ng banda pero wala na ako pakialam sa nangyayare sa Paligid.

Umigting ang panga niya.

"H-Hindi mo narinig ang sinabi ko Lhea, mahal kita"

"Mahal mo ako? Sigurado ka Doc? May nangyare lang satin sa Hotel mahal muna ako agad. Ano yun magic" sabi ko.

"Hindi yun Lhea"

"Eh ano Doc, niloloko mo ba ako. Akala mo hindi ko alam na mataas ang standard mo pagdating sa babae. Gusto mo yun babae may pinag-aralan, edukada, maganda, sexy, may sinasabi sa buhay, katulad mo may degree. Diba tama ba ako Doc?" Hindi siya naka imik sa sinabi ko. Gusto ko sabihin sa kaniya yun para malaman niya.

Malaman niya na yun ang totoo.

"Oo inaamin ko Lhea yun ang standard ko pagdating sa babae, ayaw ko magsinungaling sayo kasi gusto na kita, gustong gusto na kita Lhea."

"B-Bigla yata nagbago ang pananaw mo sa buhay Doc" sabi ko.

"Dahil yun ang totoo, wala naman ako pakialam kung ano buhay na meron ka ngayon lhea, na realize ko ang hirap-hirap na wala ka sa tabi ko. Hindi kita nakikita, wala ka sa bahay. Hinahanap ko ang presensiya mo. Lhea naman" Saad niya.

Umiwas ako ng tingin.

"I'm sorry Doc pero may trabaho pa ako." Tinalikuran ko siya. Nakita ko siya nakatingin ng diretso sakin kaya ako nalang ang umiwas ng tingin. Naiilang ako sa ngayon dahil nandiyan siya at nakatingin sakin. Bawat galaw ko nakatitig siya sa ginagawa ko. Kinagat ko nalang ang labi ko mas madiin pa.

Gusto ko man siya iwasan kaso paano?

MB Series #1 The Doctor Maid (R-18) Complete Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum