Chapter 1

43 8 2
                                    

Chapter 1

August Gavine

Tang'na! Gagi! Hindi ako na inform na alas siyete pala ang unang subject namin ngayon lunes. Dahil sa late na ako naka-uwi kagabi galing gala ay late na rin akong nagising. Pag tingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding ay muli na naman akong napamura. Kanina pa ring nang ring  ang cellphone ko at ayoko munang basahin ang mga nakapaloob sa text messages na natatanggap ko. Kilala ko naman kung sino ang sender eh.

Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo. Dalawang minuto lang yata ang tinagal ko sa loob at nagmamadaling pumili nang maisusuot sa araw na ito. Dahil sa pagmamadali ay kumuha lang ako ng isang puting oversized t-shirt at sinuot ang pencil skirt ng uniform namin. Pagkatapos kong mag-ayos ay sumilip muna ako sa salamin at sinipat ang sarili. Nag lagay na rin ako ng polbo at konting liptint.

Pagkatapos nang lahat ng mga dapat kong gawin ay kinuha ko na ang cellphone ko at binuksan ang mga text messages na nanggagaling lamang sa iisang tao. Hindi pa ako natapos sa pagbabasa ay tumatawag na ito. Kaagad ko namang sinagot.

"Yow! Claudelle!" Magiliw na bungad ko sa kanya at dahil alam ko na napipikon na ito sa kahihintay sa akin ay inunahan ko na siya. "Alam mo ba na ngayon ang release sa last episode nang webtoon na binabasa natin? Sobrang nalulungkot ako ngayon dahil matatapos na ito. Pero may mga special chapters pa naman na ipo-post ang author. Sana nga lang—"

"August!" Putol niya sa mga sasabihin ko pa. Nakikinita ko na ang mukha ni Claudelle ngayon. Naka kunot ang noo habang naka cross-arm. Dahil sa naisip ko ay hindi ko maiwasang matawa. Ang cute lang kasi nitong tignan kapag nagagalit.

"Good morning, Claudelle!" Bati ko at mas pinagaan ko pa ang boses ko dahil baka magalit sa'kin lalo. "Nandiyan ka na ba sa baba? Wait lang ha? Pababa na ako." Malambing na sabi ko.

"Dalian mo, late na tayo!" Mariin niyang sabi kay tumango ako kahit hindi niya kita.

Si Claudelle ang best friend ko simula elementary. Ang karamay ko sa lahat ng mga drama sa buhay at siya rin ang palaging nasa tabi ko kapag gusto kong mapag-isa. Gagi nga eh! Sabi ko sa kanya no'n gusto ko mapag-isa kaso biglang niya akong pinuntahan sa bahay at nag dala ng mg CD tapes. Movie marathon daw kami.

Laking pasasalamat ko nga talaga ngayong school year na magkaklase kami. Nasa senior year na kami ng highschool. Taon kung saan kailangan alam mo na kung ano ang gusto mong maging sa pag laki mo. Sa kaso ko, hindi ko pa alam. Ewan ko ba, baka nga wala talaga akong mararating. Pero isang bagay lang naman ang alam ko. Kung nasaan si Claudelle ay doon din ako.

Pagkababa ko ay nakita ko kaagad ang nakabusangot na mukha ni Claudelle. Complete uniform pa ang gaga pero naka loose naman ang necktie niya tapos hindi naka butones ang unang dalawang butones sa itaas. Kaagad ko siyang nilapitan at inayos ang kanyang uniform. Ganito naman ang ginagawa ko palagi. Tamad kasi eh.

"Nag complete uniform ka pa kung ganito mo rin naman susuotin," sabi ko rito habang inaayos ang necktie nito. Hindi naman siya nag salita at nang lingunin ko ito'y hindi naman siya nakatingin sa akin. Pagkatapos kong ayusin ang necktie nito ay inunahan ko na siyang lumabas ng bahay.

"Tara na oy!" Sigaw ko dahil nanatili lang itong nakatayo. "Ang bagal eh!" Maktol ko pero nginitian ko lang siya nang bumaling na siya sa'kin na naka kunot ang noo.

Paglabas namin sa gate ay scooter kaagad ni Claudelle ang bumungad sa akin. Napangiti ako nang makita ang dalawang itim na helmet na nakasabit sa manobela. Kinuha ko ang isa at sinuot at nang makalapit na sa'kin si Claudelle ay sinuot ko sa kanya ang isa pa. Nagulat pa ang huli pero natawa na lang din siya.

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon