Chapter 12

17 5 0
                                    

Chapter 12

Claudelle Tuliao

Ikalawang araw na ngayon nang interhigh pero wala ako sa mood na pumasok. Kahit na nanalo kami sa laban kahapon ay tinatamad pa rin akong bumangon. Alas siyete na nang umaga ngunit nandito pa rin ako sa aking kwarto, nakatalukbong habang pinipilit ang sarili na muling makatulog.

Usually, I woke up three o'clock in the morning and take a bath dahil pupuntahan ko pa si August sa bahay nila. That's my routine, now that we're in the same class. Noon kasi masyado siyang abala sa pag-aaral at minsan lang kaming nag bo-bonding, hindi rin kami classmates no'n.

Nagmulat ako ng mata. Hindi ko na pinilit na makatulog dahil madami nang laman ang isip ko. I kept quiet and restrained myself from letting out my true emotions for a long time. Pero kapag mag-isa na lang ako, binubuhos ko na lamang lahat sa pagbabasa ng libro, at paglalaro sa computer dahil kahit papaano hindi ako malulunod sa sarili kong emosyon.

Minsan na akong nalunod at hinayaan ang sariling gawin ang naaayon sa nararamdaman ko. I tried kasi nakakahingal pala kapang ang dami mong pinipigilan na gusto mo namang gawin at mangyari. Hindi madaling itago ang totoong nararamdaman. Hindi madali. Nakaka-baliw. Pero choice ko ito.

If I'm going to let out everything, baka mag-isa na lang ako. I am afraid na kapag malaman nya ang totoo ay iwan nya ako at mandidiri siya sa'kin. That's why I chose this kind of set-up. At least nahahawakan ko siya, nayayakap, at nakaka-usap.

Si August lang ang naging kaibigan ko na hinayaan kong pumasok sa buhay ko. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya noong una. Bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang gusto ko at kung saan ako nabibilang. I am not oblivious to my own preference. Alam din nang mga magulang ko, pati kapatid ko and they accepted me wholeheartedly. Kaya siguro hindi ako natatakot na ma judge kasi alam ko na may mga tao na tanggap ako.

But in August's case, natatakot ako na malaman nya ang sekreto ko. All the volleyball team knew my feelings for her, and I kept them quiet because she's too innocent. That night that I kissed her, that night when I couldn't control myself, I let my feelings take over, I was so afraid when I saw her reaction. It was so depressing, honestly. I saw wonder, surprised, and disturbed in her eyes. Tapos hindi ko siya kinausap dahil sobrang galit ko sa sarili ko.

I promised myself that that would be the first and last time I let my emotion take over. Kung ang pagiging isang kaibigan lang ang ticket ko para mapalapit ako kay August, mananatili akong maging kaibigan nya. Mahirap man, masakit at nakaka-depress, gagawin ko as long as malapit ako sa kanya.

I closed my eyes, feeling frustrated of what I am thinking right now. Staying as a friend? Baliw ka talaga, Claudelle! You even kissed her dahil hindi mo na kayang magpigil, tapos ang dami mo pang sinasabi sa kanya at nagpaparinig ka pa sa totoong saloobin mo!

"Haist!!!" Marahas kong hinawi ang kumot na nasa ibabaw ko at pabalikwas na bumangon. Kinuha ko ang selpon na nasa side table at tinignan kung may natanggap ba akong messages galing kay August.

Inaasahan kong madami siyag text na sinend dahil hindi ako pumunta sa bahay nila ngayon ng maaga. Pero wala. As in zero! Kahit good morning ay wala akong natanggap mula sa kanya.

Ang weird.

Tinext ko na lang si Jamila at sinabing mala-late ako ngayon dahil tinatamad ako. After that ay tuluyan na akong tumayo at pumanaog. Magluluto lang ako ng agahan at pagkatapos ay maliligo. Pero nang nasa dulo na ako nang hagdan ay nakita ko si papa sa sala, nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape. Then nakita ko rin si mama na masayang naglalakad papalapit sa kanya habang may dala-dalang tray na naglalaman ng tinapay na gawa nya.

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu