Chapter 6

15 5 0
                                    

Chapter 6

August Gavine

"Please pass your papers forward!"

Kaagad ko namang binigay kay Martin ang papel ko at inayos ang mga gamit sa table.

"Okay! Class dismiss!"

Kaagad naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sobrang aga kaming dinismiss ni Mis Baron ngayon hapon. Inilagay ko na ang mga gamit ko sa bag ko sabay suot nito kaso bigla kong nakita ang storage box na nasa gilid.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Biglang sigaw nang kaklase namin na si Kyla. "Cleaners ka ngayon."

Napakamot na lamang ako sa ulo at muling ibinalik ang bag sa upuan ko. Nilingon ko naman si Claud na nasa pintuan at tila hinihintay ako. Kumuha muna ako ng walis at nilapitan siya.

"Claud!" Mahinang tawag ko sabay sandal sa balikat nito. "Hindi tayo sabay na uuwi," pagtutuloy ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya sabay gulo sa buhok ko.

"Mag pa-practice ako sa gym. Pagkatapos mo rito ay pumunta ka lang do'n."

Tumango naman ako na nakabusangot kaya bigla nyang ni-level ang height namin at sinilip ang mukha ko. "Smile." Wika nito. "Pumapangit ka kapag nakabusangot," tudyo nya pa pero inirapan ko lang ito.

"Sige na! Alis na! Hindi mo naman pala ako tutulungan. Hindi rin ako tutulong 'pag kayo naman ang nakatoka sa room!"

Tumawa lang ito at ginulo na naman ang buhok ko. Nang makaalis na ito ay sinimulan ko na ang paglilinis. Tatlo lang naman kami, ako ang nagwawalis, si Dave ang naglilinis sa mga bintana, at si Abby ang nag a-arrange sa mga chairs. Hindi naman mahirap maglinis dahil hindi mga balahura ang section namin dahil nga pilot section kami. 

Pansin ko na mine-maintain nila ang image nila as a pilot section which is ayos naman. May mga classmates lang talaga kami na sobrang taas nang tingin nila sa sarili nila.

Pagkatapos kong mag walis ay tinulungan ko si Abby sa pag arrange sa mga chairs. Si Dave naman, pagkatapos nito sa mga bintana ay mga chairs naman ang nilinis nito. Mga isang oras lang ang itinagal namin at nang matapos na kami ay binilisan ko ang paglalakad patungo sa gym.

Nasa likod lang naman ito nang building kung nasaan ang classroom namin kaya hindi ako nahirapan. Pero malimit lang akong pumupunta sa lugar na'to dahil hindi naman ako athlete. Habang naglalakad ay bigla-bigla na lang may bumangga sa akin dahilan para muntik na akong mabuwal sa sementadong sahig mabuti na lang at nakahawak ako sa poste ng ilaw na nasa gilid ng daan.

"Tsk! Nakaharang ka kasi!" Malditang turan nang babaeng bumangga sa'kin. Mahaba ang itim nitong buhok na naka ponytail. Nakasuot ito ng jersey at may hawak na bag sa isang kamay. Panigurado ay athlete ito dahil sa suot, tangkad, at sa pangangatawan nito. Pansin ko ang pag-irap nya sa akin kaya medyo na inis ako.

Siya na nga 'yung may kasalanan, siya pa ang may ganang magalit? Wow ha? Attitude to the highest level si ate!

Pero hinayaan ko na't baka magkagulo pa rito. Halata na rin kasi kung sino ang dehado. Nakasunod lang ako sa kanya pero pinapanatili ko ang distansya naming dalawa at baka magalit ito sa akin. Nang makapasok na siya ay bigla itong sumigaw na ikinagulat ko.

"Claud!"

Kilala nya si Claud? Kita ko naman ang malapad nitong ngiti at ang pagtakbo nito sa direksyon nang taong tinawag. Hindi muna ako pumasok at sumilip lang kung tama ba ang pagkakarinig ko. Pero mas nagulat pa ako nang makitang nakangiti rin si Claud nang bigla siya nitong yakapin.

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Where stories live. Discover now