Chapter 17

11 4 0
                                    

Chapter 17

August Gavine

Nasa sala ako ngayon naghihintay sa sundo ko. Si mama naman ay nasa tabi ko lang din, nagbabasa ng dyaryo. Noong pinakilala ko sa kanya si Jamila ay sobrang tuwa ni mama. Sabi pa nya sa akin na magandang pangitain daw ang pagkakaroon ng isa pang kaibigan. Sinabi nya rin sa akin na gusto nya si Jamila bilang kaibigan ko, mukha rawng mabait.

"Nak, matanong ko lang." Panimula ni mama. "Ano'ng naging ganap sa ball kagabi?"

Ngumiti ako kaagad. Actually, sobrang saya ko kagabi dahil walang um-epal sa moment ko. Magkasama lang kami ni Claud buong gabi at hindi rin namin tinapos ang event dahil tinamad na kami. We were just having our alone time together, while walking around the campus. We talked stuffs, our pasts, and our plans for the future.

"Maayos naman ma," sagot ko.

"Ayos lang naman kayo ni Claud? Hindi ba kayo nag-aaway minsan?"

Nag-aaway naman kami minsan, lalo na kung hindi kami parehas nang pinaniniwalaan. We're two different individuals, and it's common for us, having a different views of a certain thing. But because we are aware of our differences, we choose to understand each other's beliefs. Kaya siguro tumagal ang pagkakaibigan namin ni Claud, because we choose to stay.

"Okay lang naman po kami. Pero ayos lang po ba sa inyo na sumama ako sa party nila? Am I allowed to drink?" Tanong ko, hoping for her to say yes.

Ibinaba ni mama ang binabasa at tumingin sa akin diretso sa mata. "Matanda ka na, August at pinalaki kita ng tama. Walang mawawala sa'yo kung uminom ka, basta lang ay huwag sobra. I am allowing you to do adult stuffs, but know your limits."

Sunod-sunod ang pag tango ko. Hindi nagkulang ang mga magulang ko sa pagpapa-alala sa tungkol sa mga bagay-bagay, katulad nang pag-inom. Wala naman daw masama kung uminom ako, basta lang ay kilala ko ang mga kasama ko, at hindi ako lalagpas sa limit ko. Gano'n din si Claud, pero hindi naman mahilig uminom 'yun.

"Just have fun, at palaging mag-ingat."

"Opo, ma."

Ilang sandali ang dumaan ay dumating na ang sundo ko. Hindi kami mag mo-motor ngayon ni Claud. Dala nya ngayon ang lumang kotse ng ni tita Criselda. Luma, pero BMW. Bago ako lumabas ay nag mano muna ako kay mama sabay kiss sa pisngi.

Nang nasa loob na ako nang kotse ay napansin ko na sobrang daming dala ni Claud, nasa backseat. "Snacks." 'Yan lang ang sinabi nya at pinaandar na ang sasakyan.

While on the way kami ay nagpatugtug ako ng kanta ni Taylor Swift, 'yung Paper Rings, at sumasabay din ako sa kanta. I was like that for a couple of minutes, at huminto lang ako nang hindi ko na masabayan si Taylor. Tahimik naman ang kasama ko habang nagmamanheho.

"Nag breakfast ka ba, Claud?" Tanong ko sa kanya. "Pwede tayong huminto muna sa isang fast food."

"Kumain na ako sa bahay. Ikaw?"

"Gano'n din. Iba na kasi ngayon, may chef na ako," sabi ko pa. "May taga laba na rin ako."

Narinig ko ang pag tawa nito. "Patay ka kay tita Ema kapag narinig ka no'n."

Now that I know na may gusto ako sa kanya, at aware ako na babae rin ang trip nya, ay mas naging komportable akong kasama siya. Paminsan-minsan ay nandoon ang kaba sa tuwing may mga instances na hindi ko inaasahan. Iyong lihim ko siyang tinititigan, tapos bigla nya akong mahuhuling nakatitig sa kanya. Tapos iyon rin pagkakataong bigla-bigla na lang siyang lumalapit sa akin dahilan para magkadikit ang aming mga katawan.

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Where stories live. Discover now