Chapter 18

13 4 0
                                    

Chapter 18

[Warning‼️Slight Mature Content]

August Gavine

Pakiramdam ko hindi na ako makakatayo pa ng maayos. Nakinig pa ako sa payo ni mama kaninang umaga, palalabasin ko lang pala sa kabilang tenga ko. Naka-upo ako ngayon dito sa mini bar at may hawak-hawak na baso na may lamang beer. Ako lang mag-isa rito at nag-iisip.

Oo, nag-iisip ako ngayon kung papaano ko sisirain ang buhay nang babaeng iyon! Na-iinis ako to the point na ayaw kong makita si Claud. Na-iinis ako sa pagmumukha nya, nilang dalawa actually!

Basta kanina no'ng nakita ko silang gano'n ay parang may part sa akin na gustong sugurin sila. But, who the hell am I to do that? So I chose to act natural. I pretend I wasn't hurting. Pero umalis ako sa pool at tumambay sandali sa banyo kanina. Hindi na ako naki usisa sa nangyari. Paglabas ko sa banyo ay dumiretso na ako rito sa mini bar.

"Hi!"

Biglang may lumapit sa akin na lalaki. Pag lingon ko ay nakita ko si Gino, na katulad ko ay may hawak ring baso. Naka t-shirt ito at taslan shorts.

"Minor ka pa lang ah? Bakit ka umiinom nang alak?" Pakiramdam ko hindi na bumubuka nang maayos ang mga mata ko, kaya I tried to blink three times.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Gino. "Mataas ang tolerance ko sa alak. Mukhang lasing ka na yata."

I waved my hands. "Hindi ako laseng, sadyang ganito lang talaga ako kapag naka-inom."

Nagtakip ito ng bibig, siguro pinipigilan nito ang matawa sa sitwasyon ko. Hindi ko na lang siya pinansin at tinungga ang laman ng baso na hawak ko. Pero aminado ako na kahit maglalasing ako ngayong gabi ay hindi pa rin mawawala sa isip ko ang nangyari kanina. Palagay ko nga ay hindi lang ito tungkol kanina, itong inis na nararamdaman ko ngayon.

"Nakita ko kung paano nag-iba ang mukha mo no'ng makita mo sila kanina." Akala ko umalis na siya, nanatili pa rin pala siya sa tabi ko. "Sino 'yung babae kanina? Iyong kasama ni Claud."

Pumikit ako at tinuro siya. "Please, stop mentioning those individuals. Ayokong maisip sila, kahit sandali lang. Okay?" Tinaasan ko pa siya ng kilay, tumango naman ang huli.

"Pero hindi ko alam kung may napapansin ka. Kasi ako, meron eh."

Sinalinan ko ng beer ang baso ko na walang laman. "Wala akong paki," walang ganang sagot ko sa kanya at tinungga ang baso. Akmang lalagyan ko pa ulit ang baso ko nang pigilan nya ang kamay ko. Inagaw nya rin ang bote and baso mula sa akin. "Hooy!" Saway ko rito at pilit binabawi ang kinuha nya, pero inilayo pa nya ito lalo.

"Magagalit si Claud, for sure, kapag nakita ka nya sa ganyang sitwasyon. Hear me out muna, okay?" Marahan nyang sabi.

Tumitig ako sa mga mata nyang nakatingin din sa akin ng diretso. Hindi ko malaman kung ano ang sinasabi ng mga mata nya, dahil ang totoo ay dala-dalawa na ang nakikita ko.

"Alam ko lasing ka na, at imposibleng matatandaan mo pa itong sasabihin ko sa'yo," panimula nya.

"Hmm." I mumbled while trying myself to sit properly. Pilit ko rin binubuka ang mga mata ko dahil mas naliliyo ako kapag nakapikit ako.

"She actually likes you. Pero hindi mo iyon nakikita dahil magkaibigan kayo. Matagal ko na kayong napapansin noon, and I was like, are they in a relationship? Nagulat pa ako kasi, alam mo naman ang mga ibang estudyante sa school, masyadong close minded tungkol sa rainbow community. So that time na naging partner tayo ay doon ko lang nalaman na magkaibigan lang pala kayo."

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن