Chapter 21

16 5 0
                                    

Chapter 21

August Gavine

Sabi nila kapag in love raw ang isang tao ay palagi itong nasa good mood. Naniniwala na talaga ako sa kasabihan na iyan dahil parating naka ngiti si Claud. Grabi, ngayon ko lang siya nakitang masaya. Noon kasi nakabusangot lang ito at ako lang ang kinakausap. As for me, palagi naman akong masaya. Sinasaway nga ako nila mama noon dahil sobrang hyper ko raw. Pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko.

"Punta tayo mamaya sa National Bookstore," sabi ko sa katabi ko na nagbabasa ng libro.

"Saan mo naman ilalagay? Puno na ang mga bookshelf mo rito." Tinuro nito ang mga nakahilerang nga libro sa gilid. "Pinadalhan ka rin ni tito ng isang box na manga set."

Marahan kong hinahaplos ang kanyang mahabang buhok. Nandito kami sa kwarto ko, nakaupo ako at nakasandal sa headboard ng kama habang siya ay nakahiga at ginawang unan ang mga binti ko. Wala kaming pasok dahil weekend, pero may project kaming ginagawa, by pair, at siya ang ka pares ko. Katatapos lang namin gawin ang project at nagpapahinga muna sandali. Si mama naman ay nagdadala, oras-oras, nang snacks kaya busog din kami pareho.

"May bagong release na libro, gusto kong bilhin."

"Hindi mo pa nga natapos basahin lahat nang nandiyan, bibili ka na naman?"

Ngumisi ako. Totoo kasi sinabi niya. Hindi ko pa natapos basahin ang mga binili ko last year at sa nag daan pang taon. Kada may bagong release na libro ay bumibili ako. Kapag may nakita akong libro at gusto ko ang title ay binibili ko, kahit na hindi ko kilala ang author.

"Goal ko ang bumili nang bumili, dahil kapag bored ako rito sa kwarto ay may libro akong mababasa."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Claud, kaya kaagad akong ngumiti. Tanghali pa naman at maganda ang sikat ng araw, sobrang linaw din ng langit. Bumangon na ito at inayos ang suot. Kinuha nya ang mga gamit nya at in-arrange nya rin ang mga gamit ko na nasa lamesa sa gilid. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglilinis ito.

"Ramdam ko ang titig mo," wika nito. "Pupunta tayo sa National Bookstore pagkatapos ko rito."

Kaagad akong pumalakpak sa tuwa at saka tumayo na at nag ayos ng sarili. Naka cotton short lang ako na kulay puti at itim na oversized t-shirt. Kumuha lang ako ng kulay blue na corduroy shorts, at puting crop top. Habang nagbibihis ako sa gilid may bigla akong naalala. Hindi ko pa ito naitatanong kay Claud, ever.

"Claud!" Tawag ko rito habang hinuhubad ang t-shirt ko. Saktong pag lingon nya ay naka bra na lang ako at cotton shorts.

"Hmm?"

"Do you still remember the first time we met?" Tanong ko rito na ngayon ay nasa harapan ko na at hawak ang crop top na susuotin ko. Marahan nya itong ibinigay sa akin at umupo sa gilid ng kama.

"Nagsimula lahat sa isang cotton candy. Nakita kitang umiiyak dahil inagaw ang binili mong cotton candy. Naka-upo ka lang sa lupa habang umiiyak."

Tama. That was the first time I met Claud. Simula bata pa lang ay may bangs na talaga siya at mahaba ang buhok. Gustong-gusto kasi ni tita Criselda ang gano'ng style. Super cute rin niya noon, chubby face kasi si Claud tapos favorite nyang kainin ay 'yung tinitindang turon sa tapat nang school namin. Malalaman ko talaga na galing siya sa pagkain nang turon dahil sa puting asukal na nasa gilid ng bibig nya.

"Siraulo kasi 'yung batang umagaw sa cotton candy ko. Favorite raw nya ang blue, kaya sa kanya na lang daw, eh sa ayaw ko ibigay sa kanya kaya inagaw nya na lang. Sakto rin na may hawak kang turon no'n, sabi mo pa sa akin na 'yung turon na lang kainin ko healthy pa."

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon