Chapter 9

15 5 0
                                    

Chapter 9

August Gavine

Kanina pa ring nang ring ang alarm clock ko at kanina ko pa rin ito pinapatay. Wala akong rason para bumangon ng maaga dahil sabado ngayon. Sa pagkaka-alam ko ay may practice sila Claud ngayon pero half day lang. Gusto ko sana sumama kaso wala naman akong gagawin doon kundi tumunganga lang.

Tumagilid ako at tumambad sa akin ang sinag nang araw na sumisilip na sa bintana rito sa silid. Hindi ko naisara ang kurtina ko kagabi dahil sa pagod.

Pilit kong inabot ang kanina pa nag-iingay na alarm clock at in-off ito. Babalik na sana ako sa pagtulog kung hindi lang tumunog ang selpon ko. Pikit-mata ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Hellow?" Inaantok kong bungad sa kabilang linya.

"Good morning!"

Sa hindi ko malaman na dahilan ay biglang kumabog ng sobrang bilis ang puso ko. Tuluyan nang nawala ang antok sa sistema ko dahil napalitan ito ng pagkabigla. She was too busy these past few days at hindi na kami nagkakapag-usap ng matagal. Malimit ko na rin naririnig ang boses nito.

"C-claud..." Tumikhim ako upang mawala ang tila nakabara sa aking lalamunan dahilan para mautal ako. "..na-napatawag ka?"

Base sa ingay na nagmumula sa kabilang linya ay nalaman kong nasa school na siya at kasalukuyang nag-eensayo.

"Nag text si tita sa'kin, hindi ka raw sumasagot sa mga tawag nya. Are you busy?"

"Hindi naman. Kakagising ko nga lang din."

Uuwi siguro si mama kaya siya tumawag. Kailangan ko maglinis sa buong bahay kung gano'n.

"Bumangon ka na it's already nine in the morning. Anyway, dadaan ako riyan mamaya after sa practice namin."

Gagi, wala akong stock sa ref dahil naubos na. Ano ipapakain ko sa kanya?

"Ano'ng oras ba uwian ninyo ngayon?"

Bumangon na nga ako at inayos ang hinigaan. Naka loudspeaker naman ang phone ko kaya malaya ko siyang nasasagot.

"Mga eleven o'clock siguro. Magluluto ka?"

Kung hindi ako magluluto, ano kakainin mo?

"Bibili ako ng buffalo wings kaya huwag ka ng magluto ng ulam."

Eh? As far as I remember she doesn't like those chicken wings. So, bakit siya bibili?

"O-okay." Nasabi ko na lang.

"I have to hang up tinatawag na kami ni coach. Bye!"

"Bye!"

Nang mawala na siya sa linya ay ilang segundo kong tinitigan ang cellphone ko habang tinatanong ang sarili kung anong nangyari kay Claud. May special occasion ba? I checked the date kaso wala eh.

Nag kibit-balikat na lamang ako at lumabas na sa kwarto. Agad kong tinungo ang kusina upang mag saing sa rice cooker. Afterwards kinuha ko na ang vacuum at nagsimula nang maglinis. Inuna ko na ang kitchen at ang dining. Pagkatapos ko mag vacuum ay pinunasan ko lahat ng nga bagay na makikita ko. Mula sa lamesa, upuan, mga appliances, even ang ref, ang mga vase hanggang sa mga bintana. Kulang nalang pati dingding ay punasan ko.

Pagkatapos ko sa kusina ay tinungo ko na ang sala. Hindi masyadong nagagamit ang mga sofa rito dahil minsan lang kami may bisita tapos hindi naman ako tumatambay sa sala. Si mama lang talaga kaso hindi naman siya palaging umuuwi. Hindi naman gaanong malaki ang espasyo rito, sakto lang para sa isang kagaya namin na maliit na pamilya. Kahit na hindi ako palaging tumatambay dito ay isa ito sa mga gusto kong lugar dito sa bahay.

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Where stories live. Discover now