Chapter 2

21 6 0
                                    

Chapter 2

August Gavine

Sobrang aga ko natulog kagabi kaya alas tres pa lang ng madaling araw ay gising na gising na ang diwa ko. Naghanda na lang ako ng agahan para hindi naman ma sayang ang oras na itutungo ko lang sa isang tabi. Pero bago ang lahat ay nag text muna ako ng good morning message kay Claud. Palagi ko naman itong ginagawa pero ngayon ay na e-excite na akong nag ta-type ng mga letra habang ini-imagine ang magiging reaksyon ni Claud habang binabasa ito.

Nang matapos na ako ay ibababa ko na sana ang selpon pero may narealize ako bigla. Bakit ako na e-excite eh palagi ko naman itong ginagawa? Ano ang pinagkaiba ngayon sa noon? Pero siguro dahil na rin sa hindi kami palaging magkasama noon at dahil na rin sa sobrang daming ideya na pumapasok sa isipan ko na gagawin namin sa sabado. Excited lang siguro ako ron.

Sinimulan ko na ang pagluluto. Nag saing muna ako ng kanin sa rice cooker at pagkatapos ay kumuha ako ng hotdog sa freezer at binabad muna sa tubig. Kumuha na rin ako ng apat na itlog dahil mag su-sunny side up ako. Sinabihan ko kasi si Claud na rito na lang siya mag agahan dahil alas otso ang pasok namin ngayon. Wala rin naman akong kasama sa bahay dahil mamaya pang hapon ang uwi ni mama galing trabaho. Si papa ay nag ta-trabaho abroad, sa Japan, habang ang kuya ko naman ay nag-aaral sa isang boarding school sa maynila, kaya ako lang talaga parati sa bahay.

Sinipat ko ang orasan sa may sala, alas quatro na, kaya sinimulan ko nag ilunod ang hotdog sa kalan. Habang hinihintay na maluto ito ay biglang may nag kumatok sa pinto. Tumakbo naman ako patungo ro'n at binuksan ang nasa labas.

"Good morning, Claud!" Masayang bati ko sa kanya. Yayakapin ko nga sana siya kaso naka uniform na siya at ako hindi pa naliligo. Napatakip pa nga ako sa bibig ko dahil nakalimutan kong mag mumug. Doon ko lang na realize nang makita ko siya na nag takip ng ilong. "Sorry!" Hinging tawad ko at tumango naman siya.

Nang makapasok na siya ay binalikan ko na ang niluluto ko, sakto naman na luto na rin ang hotdog. Kinuha ko na ito sa pan at sunod ay ang itlong naman ang niluto ko. Dahil sa ako palagi ang na-iiwan sa bahay ay natutunan ko rin ang mag luto.

"Upo ka lang diyan, mahal kong Claud at ako'y magluluto muna!" Sigaw ko para marinig ako nito. Pero pag lingon ko ay wala na ito sa sala. Alam ko naman kung saan 'yun pupunta kaya hinayaan ko na lang.

Pagkatapos kong mag luto ay nilagay ko na ang mga naluto ko sa lamesa at pansamantalang tinakpan at umakyat na ako sa taas kung nasaan ang kwarto ko. Pagpasok ko ay nadatnan ko si Claud na nakadapa sa kama ko kaya hinayaan ko na lang dahil baka inaantok pa ito.

"Maliligo muna ako," sabi ko pero hindi ko naman siya narinig.

May banyo sa baba namin at meron din sa itaas, at dahil nasa second floor ang kwarto ko ay ang banyo rito sa taas ang palagi kong ginagamit. Dahil sa sobrang lapit na namin ni Claud ay nakasanayan ko nang mag hubad kahit na nasa paligid lang ito kaya hindi na ako nagdalawang-isip na hubarin ang suot kong t-shirt, may bra naman ako sa ilalim. Inihagis ko lang sa may labahan ko ang t-shirt at lumabas na ng kwarto.

Mga sampung minuto siguro ang itinagal ko sa banyo at nang bumalik ako sa kwarto ay isang nakabusangot na Claud ang nabungaran ko.

"Easy lang po! Magbibihis na po ako!" Pabirong sabi ko at kinuha ang upper ko at sinuot.

"Ganyan ka ba palagi rito?"

Hindi ko kaagad nakuha ang tanong niya kaya nilingon ko siya pero hindi naman ito nakatingin sa akin kaya pinagpatuloy ko na lang ginagawa.

"Palagi'ng ano?"

"Paano kung biglang dumating ang kuya mo? Ganyan ka ba palagi rito? Basta-basta na lang lumalabas nang banyo na naka underwear lang? Paano kung may bisita kayo?"

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Where stories live. Discover now