Chapter 15

12 4 0
                                    

Chapter 15

August Gavine

Today is Friday, and the last day for the sports competition. Dahil nanalo sina Claud sa huling laban nila, ay muli silang sasalang ngayon, for championship. Sobrang kabado nga nang team nina Claud dahil para rawng déja vu. Last interhigh ay sumalang din sila for championship, pero natalo. Ang kaibahan nga lang ngayon ay hindi parehong team ang kalaban nila.

I wanted to watch their game, pero hindi ko kaya. Sa akin ulit inutos ni pres ang pag co-cover sa mga mangyayari ngayong araw. Pero mapupuntahan ko naman sila sa gym, dahil part ang volleyball game sa maco-cover ko. Pero hindi ako makaka cheer sa buong laban. Ako lang din mag-isa dahil hindi ko na kailangan pa ang mag interview dahil tapos na. All I have to do today is to capture everything.

Nandito rin nga pala sina mama at tita Criselda para mag cheer kay Claud. Actually nagulat pa ako nang makita ko si tito Cris na naka akbay kay tita. I mean, they are still in good terms. Pilit na ngiti nga lang ang nagawa ko kanina dahil bumalik sa ala-ala ko ang nakita ko sa gabing iyon.

Anyway, nandito ako ngayon sa ground habang hawak-hawak ang camera, na nakasabit sa aking leeg ang strap. Naghahanap ng magandang anggulo sa nakita kong view. May nakita kasi akong player nang basketball, naka jersey pa ito, may hawak na paper bag at ibinigay sa isang babae, na nakaputing dress.

"Puppy love," bulong ko sa hangin.

After I took a picture of them ay naghanap ulit ako ng subject. Click dito, click doon ang naging ganap ko sa umagang ito, hanggang sa nangalay na ang mga kamay ko. Tinignan ko ang wrist watch ko, kanina ko pa kasi inaabangan ang oras, only to find out that I'm late for the match.

Dali-dali akong tumakbo patungong gym at hindi inalintana ang init nang panahon. Pag dating ko sa gym ay nakipagsik-sikan pa ako sa mga tao para puntahan sina mama at tita, na nasa harapan naka-upo.

"Gooo anak!"

"Goo Claudelle!"

Hindi pa man ako nakarating sa kinaroroonan nila ay rinig na rinig ko na ang cheer nilang dalawa. Ang hyper nila tapos may dala pa silang cartolina na may pangalan ni Claud.

"Ma! Tita!" Tawag ko nang makalapit na.

"Cheer mo si Claud, dali!" Si tita Criselda na sobrang hyper.

Pag tingin ko sa score board ay lamang ng dalawang puntos ang school namin.

"Go, Claud!" Malakas na sigaw ko.

Nang lumingon ito sa akin ay nakahanda na ang camera ko para kunan siya. Sobrang lapad ng ngiti ko nang makitang tama ang naging timing ko. Ganda talaga!

Bago ako nag focus sa laban na nagaganap, ay kumuha muna ako ng mga pictures sa scene rito sa loob. After that is focus na ako sa panonood, pero hindi rin ako nag tagal. Nang tumawag nang break ang kabilang school ay nagpaalam na ako kina mama at tita, telling them I have stuffs to do. I waved my hands at her, nang lumingon siya sa gawi ko. Nag thumbs up pa ako sabay sabing..

"Ipanalo mo!"

Hindi lang naman siya ang tumango, dahil nakatingin din pala ang teammates nya. Lahat tuloy sila tumango at nag wave hands. But before that, I also took a picture of them.

Nang makalabas na ako sa gym ay sinimulan ko na ang trabaho ko. Lahat nang mga laro ay pinuntahan ko para makuha ang mga kaganapan. So far, wala naman akong naging problema, pero nangangalay na ang mga kamay ko. Sobrang dami ko na ring nakuha kasi.

"Ayos na siguro ito."

Umupo ako sa isa sa mga bleachers na nagkalat lang sa paligid. Tapos tinignan ko ang mga nakuha ko ngayon, just a quick review, para makapag decide ako kung tatapusin ko na ba or hindi. Sabi naman kasi ni pres, no need to capture everything, just small scenes lang for the book.

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Where stories live. Discover now