Chapter 16

14 4 0
                                    

Chapter 16

August Gavine

"Kumain ka ng marami riyan. Inayos ko na pala 'yung susuotin mo mamaya sa ball, 'nak."

Nasa hapag kami ngayong dalawa ni mama. She was the one who prepares our breakfast. Hindi rin ako gumising ng maaga ngayon dahil hindi ko na kailangan pang mag luto.

"Busog na ako, ma. Titignan ko muna 'yung mga gamit na dadalhin ko mamaya."

"Oh siya sige."

Nakangiti akong umalis sa hapag. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nag bihis. Tapos na rin akong maligo kanina. Kailangan ko kasi pumunta sa school ngayon dahil ang club namin, together with the SSG's, ang naka toka sa venue. Nasa hall na rin ang materials na gagamitin namin, kahapon pa 'yun na deliver. May makakasama naman kaming teachers, kailangan lang talaga nila ng man power ngayon para matapos, on time, ang pag de-design.

I choose to wear a comfortable clothes. Puting oversized t-shirt, jogging pants, at puting rubber shoes ang suot ko. Kaagad na akong pumanaog pagkatapos kong mag ayos. Pagbaba ko naman ay nakita ko si Claud, naka upo sa sofa, sa sala. Si mama naman ay nasa kusina, mukhang naghuhugas.

"Ma, alis na kami! Bye!" Sigaw ko at nagmamadaling lumapit kay Claud. "Tara na."

Nag volunteer din siya na tumulong sa amin, total para sa aming lahat din naman ang gagawin namin.

"May mga crew ba na tutulong sa atin?" Tanong ni Claud habang papalabas kami nang bahay.

Sa pagkakaalam ko ay meron, pero dahil sobrang laki ng hall ay nagkulang sila sa manpower.

"Oo, pero 'kita mo naman kung gaano ka laki 'yung hall na venue para sa ball. Nagkulang sila sa tao, kaya kami ang pinatulong," sagot ko sa kanya at tumango naman ito.

"August, Claudelle, dalhin nyo 'to oh."

Humabol pa si mama sa amin na may dalang isang rectangular box. Alam ko na ang laman nito, cupcakes. Alam ko rin kung saan 'to galing, sa isang sikat na cupcake shop dito sa amin. Paborito kasi ni mama ang gawa nila kaya palaging may pa freebies si mama.

"Para snacks ninyo mamaya. Bye! Ingatan mo 'yan anak ko, Claudelle."

Inirapan ko si mama sa naging turan nya. Dalawang rectangular box ang dala ko habang naka angkas kay Claud, at hindi ako maka-kapit sa kanya dahil sa dala ko.

"Dahan-dahan lang ha, hindi ako makakahawak sa'yo," pa-alala ko pa. Tumango naman siya at nagsimulang paandarin ang motor.

Habang binabaybay namin ang daan patungo sa school, muli kong naalala ang naging usapan namin ni Eva. Nakatitig ako sa likod ni Claud ngayon habang nagdadalawang-isip na magtanong sa kanya. Pero ano'ng klaseng tanong naman ang itatanong ko?

Sino si Eva? Ka ano-ano mo si Eva? Naging kayo ba ni Eva? Do you like girls?

"Tsk!" Sita ko sa sarili ko. Kung hindi na lang kaya ako magtanong? Pero ang bigat talaga sa dibdib malaman na may ibang mahal si Claud.

..ang matanggap ako ng taong mahal na mahal ko...

Ano'ng ibig nyang sabihin sa sinabi nya noong araw na iyon? Hindi ba siya matanggap ni Eva? Pero bakit hihingi pa ng favor si Eva sa akin? Kung ako na lang kaya, Claud?

Namalayan ko na lang na nasa parking lot kami nang bumaba si Claud, naiwan naman akong naka-upo pa rin sa motor. Napakurap na lamang ako. Pero kinuha nya ang dala ko at inalalayan akong makababa.

"Salamat," mahinang wika ko. Nakahawak siya ngayon sa kamay ko, ang akala ko ay bibitaw na siya nang makababa na ako, pero hindi nya ginawa. Hindi ko naman gustong bumitaw, kaya hinayaan ko na lang siya.

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Where stories live. Discover now