XXVII. Both Thirsty

513 10 2
                                    

After another 3 hours of driving ay nakadating na din kami sa paglalagian namin ng one week. Ang sarap ng simoy ng hangin, walang usok at madaming sasakyan. Just pure nature, sobrang layo sa city na maingay at crowded.

"Tita Laiiii, hello po" pagtakbo ko sa kapatid ni Mama na nakaabang sa pinto ng bahay nya. Niyakap naman agad ako nito at kinamusta saka lumingon sa likod dahil palapit na din sila Mom and Dad.

"Kamusta byahe nyo? Tara na pasok na kayo at magpahinga muna sobrang tagal ng byahe nyo" pag-imbita nito samin. Tinulungan ko naman si Bada na ilabas yung mga gamit nya.

"Thank you princess" sabi nito saka kumindat, ay bahala ka dyan be di mo ako dadaanin sa endearments mo. Hinila ko nalang yung suitcase nya papasok ng bahay habang sya hawak nya yung bag ko.

"Is that the girlfriend? Ang ganda ha you have the same taste as me" bulong ni Tita Lai pagpasok namin sa loob. She's always been supportive like Mom kaya natawa nalang ako sa sinabi nya.

Tinuro naman niya yung magiging room ko, well namin ni Bada since ang alam nya nga is girlfriend ko naman sya. Hindi naman ako pwedeng humindi dahil magtataka sila huhu.

When we settled our things inside ay saka ako lumabas ulit sa kwarto at hinanap si Marella pero sabi ni Tita wala pa daw siya dahil andun pa sa Papa nya, they're separated kasi.

"You should have told me this was your province" bungad ni Bada habang nakatingin ako sa malayo, nakatambay kasi kami ngayon sa cabin malapit dito sa lake.

"Nakikisama ka nalang nga haha bakit nakapunta ka na ba dito?" Tanong ko sa kanya, lumapit naman sya sakin and leaned her head on top of mine, sige itake advantage pa yung pagiging matangkad.

"Yes, this was one of my go-to places before, yang pinagtatayuan ng bahay ng Tita mo it used to be a bar with a lot of hostess" napalingon tuloy ako sa bahay ni Tita, ang labo naman eh isolated tong lugar ng slight.

"That's exactly the reason, women were not allowed to go out before and this place became their escape zone. They use to have fun here" kwento nya pa.

"Mga anung year naman yun Bada? Kasi more than 50 years nang nakatayo yang bahay pinamana lang kay Tita yan" naging invested pa tuloy ako.

"Around 1900s I guess, now that I remember it I did met several girls that time. They're like you, petite, innocent-looking but wild" tinignan nya naman ako from head to toe while saying that.

"At dahil demonyo ka syempre you invited them over to your bed" pang-aasar ko sa kanya, pero medyo ouchie yun ha knowing she did have girls before me. Huy Naomi gising hindi ka naman special.

"Of course, that's how I live. But it was them who served me though, not me pushing myself to them. Sayo .... I don't know was I desperate for your attention? Don't you think?" Tanong nya sakin.

Para namang sinabi nya na sya pa yung naghabol sakin para lang ikama ako, well deserve ko naman siguro kasi di ko pinilit sarili ko sa kanya.

Lumipat kami ng pwesto sa may table at dun naupo, Bada was a bit in dazed na parang may inaalala pa sya sa lugar na to. I wanted to ask but maybe next time nalang, I will admit I enjoy being with her here.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Devil's AccordWhere stories live. Discover now