Prolouge ( WARNING! )

21 0 0
                                    


AUTHOR's NOTE ; WARNING!

• Before start reading, I encourage to all the readers to read the first part or chapter of this story and read it carefully, I am all concern to all of you that some of you might be triggered!

• This chapter contains sensitive language and content! This include, mental health, past trauma, stigma,  self-harm and or suicidal! This is disturbing, so I encourage everyone to prepare themselves emotionally before proceeding. If you believe that the reading will be traumatizing for you, then you may choose to forgo it.

UULITIN KO, BASAHIN PO MUNA ANG FIRST PART SA TAAS NG PROLOUGE!

***

Raindrops hides the tears that I can't show to everyone....

And I'm lost in the depths of unspoken emotions, my heart whispers that my lips cannot say. Behind my sweet smile, lie unspoken, sorrows. Masking my pain, with every smile.

The silent tears, everynight... and loud hearthaches..

The unspoken feelings that I weight, I carry alone.

And in a world of words, my feelings remain unheard.

Nanonood lang ako ng tv dito sa kwarto, sa 2nd floor. Magdamag na nanonood at tamang inom ng tubig tuwing nauuhaw. Kasama ko ang isang kapatid ko, dalawa lang kami, at ako ang panganay.

Tatlo lang kaming nakatira rito sa bahay, si mama, si kevin, at ako. Ang papa ko ay isang seaman, cook sa barko. Kada taon, umuuwi siya.

Masaya ang buhay namin, nabibili namin ang mga gusto namin, isang sabi, oo agad. Nakatira kami sa isang subdivision, nakatira nga kami rito Camella Heights. Hindi ko masasabing mayaman kami, hmm siguro sakto lang, doon lang sa may kaya.

Nag aaral ako sa private school at grade 5 na ako ngayong taon, pero grade 6 na ako sa susunod na pasukan. Isa ito sa magandang private academy school. Hindi rin ako matalino, sakto lang ang grades para makapasa. Active ako sa mga activities, I mean kapag may program sa pag sasayaw, sumasali ako kasama ang mga kaibigan ko. Member din ako sa Taekwondo, at last year noong recognition, wala man akong medal, pero habang nakapila kami sa tabi ng stage at isa isa kaming hinihintay, akala ko boys ang mauuna pero biglang tinawag ang pangalan ko, pag akyat ko sa stage nagulat ako na maraming medals ang isinabit saakin mga nasa 15 or 16 lang naman dahil sa taekwondo, sa pakikipaglaban ko, sa mga division, gano'n.

Halos lahat naman ng dito sa Señor Tesoro ay may kaya at mayayaman ang mga nag aaral. Madalas silang may activity, masaya at magagaling ang teachers. Pinaka masaya talaga ay ang Intramurals, ang Book fair at ang Faber Castell fair sa school.

Hindi na nga ako masyadong pumapasok dahil pirmahan na ng clearance. Kaya ito nandito nalang ako sa bahay bilang bata.

Bata nga ba talaga?

Masayang bata?

Nagugutom ako, si mama ay naliligo sa baba. Bumaba ako at tinignan ang fridge.

Pag bukas ko, walang laman. Ang laman lang nito ay isang pitsel na may kargang tubig. Bumuntong hininga ako at nilagyan ng tubig ang baso kong kanina ko pa iniinom.

Habang umiinom ako, sakto ang paglabas ni mama sa cr. "Nagugutom na kayo?" Tumango ako, kanina pa ako inom ng inom ng tubig para lang sa mapawi ang gutom ko pero hindi sapat, kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

Chasing The Horizon (Chasing Series #2) ON-GOINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora