Chapter 8

6 0 0
                                    


Valentine's POV

Napatingin ako sa kotse ni Lei na nasa tapat ng bintana ng kuwarto ko. Hayss, doon talaga siya natulog? Mukhang magdamag nakabukas ang kotse niya.

Lumabas ako sa kuwarto ko at nag timpla ng kape. Pagkatapos kong mag timpla ay lumabas ako habang dala ang tasa ko at kinatok ang bintana ng kotse ni Lei. Mahimbing itong natutulog habang naka higa siya sa driver seat dahil nakababa ang sandalan ng upuan at ag mga paa nito ay nasa steering wheel, nakapatong.

Napatingin ako sa blanket, iyon lang kasi ang maayos kong blanket kaya iyon na ang pinahiram ko, pati 'yong isang stuff toy ko ay yakap yakap pa niya. Nakiusa kasi saakin na kung may stuff toy ako kaya ayon pinahiram ko na sakanya. Tapos pinahiram ko na rin ng unan kawawa naman. Kaya ayan, ganyan ang itsura niya ngayon.

Sa kaka-katok ko ay nagising ito at agad na binuksan ang kotse.

"Sorry, kanina ka pa ba diyan? Good morning."

"Hindi naman, ito oh mag kape ka muna. Mag damag ata naka bukas itong kotse mo."

"Ahh oo para may aircon." Malamig dito sa loob. "Baka paubos na ang gas mo."

"Hindi pa naman, magpapa gas ulit ako mamaya. Salamat sa kape."

"Dito ka talaga natulog?"

"Hindi, nap lang." pag bibiro niya. Sumandal ako sa upuan. "Ano kamusta naman ang bangas mo sa mukha?" Tanong ko.

"Gwapo parin naman, walang bago." Nge? May pagkamahangin pala ang isang 'to.

"Ikaw bakit namamaga ang magaganda mong mata?"

"Sira, nakalimutan mo na ba? 'Di ba nanood ako ng drama? Sinabi ko sayo."

"Sorry naman honey my love so sweet, nakalimutan ko." Natatawa talaga ako kapag sinasabi niya 'yon honey my love so sweet na 'yan. Naaalala ko lang kasi 'yong kanta, ang corny corny pang matanda.

"Uyy, ngumiti ulit siya." Pang aasar niya.

"Ewan ko sayo, diyan ka na. Mag luluto ako, tatawagin nalang kita para makakain ka."

"Talaga? Pakakainin mo ako sa apartment niyo?"

"Kung ayaw mo, edi umuwi ka na sa condo mo o 'di kaya ay kumain ka nalang sa laba-"

"Ikaw naman oh. Tinatanong ko nga, eh kasi matitikman ko ang luto mo."

"Oh sige na, baka masunog pa ang nilulut ko doon, iniwan ko lang. 'Yong baso ko pakidala pag tapos ka na. Nag iisa lang 'yan."

"Baso mo 'to?" Nakangiti niyang sabi, tumango lang ako at lumabas na sa kotse niya. Binalikan ko ang tocino na niluluto ko, hininaan ko ang apoy kanina dhail nga bumaba ako para bigyan ng kape 'yong lalaking bangas ang mukha.

Nag luto rin ako ng bacon at sunny side up egg.

"Naks! Ang bango!" Si beth.

"Upo ka na, gusto mo na bang kumain?"

"Sasabayan ko kayong kumain kaya take your time sis." Nakangiting sabi ni beth at tumayo para ayusin ang lamesa. Nag ligpit din siya habang nag luluto pa ako.

Pagkatapos kong mag luto ay bumaba ako at tinawag si Lei, na natulog pala ulit pero ginising ko. Sinabi nitong susunod nalang siya kaya bumalik na ako sa apartment.

"Oh may sobrang plato?" Tanong ni Beth.

"May dagang makikikain."

"Daga? May iba pa bang tao rito?"

"Mero-" Napatigil ako sa pag sasalita nang bumukas ang pintuan ng apartment. Bumungad saamin si Lei na humihikab pa at kumakamot sa tiyan niya, bitbit niya ang stuff toy ko na parang batang bagong gising.

Chasing The Horizon (Chasing Series #2) ON-GOINGWhere stories live. Discover now