Chapter 6

2 0 0
                                    




Gaya ng sinabi ni Lei, palagi itong nagpapakita saakin, palagi siyang nasa restaurant. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niya, wala akong idea. Hindi ko rin mabasa ang nasa isip niya.

Ayoko lang umabot sa puntong masasanay akong palagi siyang nandiyan. Pero natutuwa ako, natutuwa ako sa mga ginagawa niya.

"Mukhang palaging nandito 'yang lalaking 'yan nililigawan ka ba niyan?"

"Ha? Hindi 'no."

"Ginugulo ka ba? Gusto mo paalisin ko rito?" Pasugod na siya ng pigilan ko siya. "Nako, huwag. Hindi niya ako ginugulo. K-kaibigan ko siya."

"Kaibigan? Eh bakit nauutal ka?"

"Ha? Hindi 'no. Kaibigan ko siya. Wala kang talaga siyang magawa at inaasar lang niya ako."

Wala akong maisip na ibang dahilan dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko..

Nang mapatingin ako kay lei ay sinenyasan niya akong lumapit. "What's your order again sir?"

"I want service with smile."

"Wala sa menu." Bigla siyang ngumuso.

"Ano munang favorite food mo?"

"Fries?" Patanong kong sabi. "Fries please." Aniya kaya tumango ako.

"Drinks?"

"Ikaw anong gusto mo?"

"Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ako ang iinom."

"Ikaw naman oh, nagtatanong lang, nagagalit agad ang honey my love so sweet ko." Bigla akong natawa dahil sa honey my love so sweet na sinabi niya, naalala ko kasi 'yong kantang 'yon at ang corny talaga.

"Wait, d-did you.." Tinignan ko siya.

"I'll serve your order sir." Sabi ko at naglakad palayo. Nakita ko siyang sumusuntok sa hangin. Aong nangyari doon?

Sinerve ko agad ang pagkain niyang fries.

"Did you smile right? Tell me, hindi ako namalikmata." Hindi matanggal ang ngiti niya.

"Hindi."

"Yes! Napangiti kita."

"Eh?"

"Hindi ako ngumiti. Sige na kainin mo na."

Hindi ako makapaniwalang napangiti ako ni lei sa gano'ng kasimpleng sabi niya ng honey my love so sweet. Hindi ko akalaing mapapangiti ako ng gano'n gano'n lang.

Kahit inaabot ako ng gabi ay matiyagang nag hihintay si lei saakin. Hinahatid niya rin ako minsan nagugulat nalang ako nasa tapat na siya ng apartment, lalo na tuwing umaga, baka kasi makita siya nila beth at lee siguradong pag sasabihan nila akong dalawa na iwas iwasan ko si lei. At palagi nila akong pinaaalalahanan doon.

Kinuha pa nga niya ang number ko pero sinabi kong hindi ako gumagamit ng phone pero binigay ko rin sakanya. Hindi ko nga alam kung naiinip siya minsan pero tuwing tinitignan ko naman siya ay walang bahid na inis o inip sa mukha niya. Para na nga siyang nanliligaw pero hindi naman. Masyado siyang pasensyoso.

Tuwing aalis naman siya ay tinatawag niya ako sa table niya at nag papaalam pa saakin pero hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magpaalam saakin.

Kaya minsan naguguluhan ako, napapatanong din ako sa isip ko na kung ano ang magiging papel ni lei sa buhay ko, pero natutuwa ako sa mga ginagawa niya. Hind ko alam kung bakit ko nararamdaman ito pero pakiramdam ko tuwing nasa tabi ko siya parang safe ako at walang pag aalinlangan. Nakakatanggap ako ng respeto sakanya na hindi ko naranasan sa pamilya ko.

Chasing The Horizon (Chasing Series #2) ON-GOINGWhere stories live. Discover now