Chapter 7

4 0 0
                                    



Hindi ako makatulog kaya bukas sara bukas ako sa ilaw ng kuwarto. Kailangan ko kaya makikita ang liwanag sa buhay ko?

Tumayo ako at itinaas ang bintana ng kuwarto ko at umakyat ako sa bintana at lumabas. May bubong kasi dito at puwedeng puwede akyatin. Paglabas ko ay nag stretch ako ng katawa at umupo, sinandal ko ang upper body ko sa pader at katabi ko lang ang bintana.

Tumingala ako at tinignan ang mga bituin.

Kailan ko ba matatamasa ang totoong saya?

Kailan kaya ako makakalaya sa sakit na nararamdaman ko?

Hanggang kailan ko iga-gaslight ang sarili ko na okay lang ako? Bakit 'yong iba pinagpala, bakit ako hindi?

Hindi ko alam kung nasaan na ako, kung anong daan ang tinatahak ko, kung tama ba ang daan na 'to.

Kung sila, ang tingin saakin ay walang pakialam na anak, walang pakialam na kapatid, walang pakialam na ate. Bakit hindi nila ako tanungin? Naririnig at nakikita ko ang lahat pero nag papanggap nalang ako na wala lang saakin ang lahat ng nakikita at naririnig ko, itinitikom ko nalang ang bibig ko kahit ang sakit sakit na.

Dahil ba sa ugali ko? Bakit? Hindi ba nila inisip na sila ang dahilan kung bakit ako nagkaganito? Kinailangan kong maging ganito katigas para sa sarili ko. Kinailangan kong maging ganito para maprotektahan ko ang sarili ko.

Kinailangan kong magpanggap na unbothered ako, na wala lang saakin ang lahat na parang hindi ako nasasaktan kahit ang totoo halos ikamatay ko na ang sakit na nararamdaman ko.

Wala akong naging karamay, hindi ko alam kung kanino ako puwedeng magsabi ng nararamdaman ko, kung kanino ako puwedeng mag open up, kung kanino puwedeng magreklamo o mag rant.

Dahil kung mag sasalita 'ko, alam kong ako ang magiging mali, ako ang magiging bastos, kahit ang gusto ko lang naman ay ipagtanggol ang sarili ko.

Nawalan ako ng boses sakanila... dahil hindi ako puwedeng mag salita kahit para sa sarili ko pa.

Kaya nami-misunderstood ako ng lahat...

Kaya hirap akong makisalamuha, hirap akong magtiwala..

Behind my trust issues, there's a betrayal and pain that needs an apology that I deeply deserved which never came.

***

Sky Lei's POV

Nag away kami ni daddy, ano pa bang bago?

Kaya nandito ako sa labas ng apartment nila Val. Hindi ko alam pero tuwing gabi nalang akong nandito. Pero naka distansya ang kotse ko sa apartment nila.

At mula rito at natatanaw ko ang kuwarto ni val na kanina pa patay sindi ang ilaw sa kuwarto niya. Napupundi na ba ang ilaw ng kuwarto niya? Kailangan na sigurong palitan.

Tulog na siguro siya. Hinatid ko siya kanina pero pag uwi ko nag away kami ni dad kaya bumalik ako rito. Gusto ko na ngang mag rent dito malapit sa apartment nila kaso baka malaman pa nila Lia baka sabunutan ako ng babaeng 'yon.

Biglang namatay ang ilaw sa kuwarto ni val at napansin kong bumukas 'yon. Biglang lumabas si Val mula sa bintana, naka tungtong siya sa bubong dahil may katabing bahay ang apartment nila. Nag stretch pa siya ng katawan kaya natawa ako. Umupo siya at sumandal sa pader.

Chasing The Horizon (Chasing Series #2) ON-GOINGWhere stories live. Discover now