Chapter 11

4 0 0
                                    



After ng pagpunta namin sa beach ay hindi ulit nagpakita si Lei. Hindi ko alam kung bakit M.I.A ulit siya. Pero kung bumalik naman siya sa dati niyang gawin, wala na 'ko doon dahil buhay naman niya 'yon at wala namang namamagitan saaming dalawa para magalit ako. In short, wala akong karapatan at walang kami.

We are more than friends but less of a lover. Platonic relationship. Oo 'yon.

Lumapit ako sa isang customer na lalaki na may katangkaran, oo beh matangkad, mas matangkad kay Lei.

"Yes sir, do you need anything?"

"I need your number."

"Sorry?"

"I'm kidding." Aniya at tumawa pero nanatiling may question mark sa ulo ko at marahang tumango.

"Paorder ako ng fries, take out for my friend. And you."

O.o ganyan lang naman ang itsura ko dahil sa pinag sasasabi niya.

"Joke lang." Aniya at tumawa. Nanatiling may question mark ang expression ng mukha ko dahil ang weird niya.

Inabot ko na ang papel kay Jazz para ma-prepare ang order no'ng lalaki at nang tignan ko siya ay nagulat ako ng nakatingin pa ito saakin at nginitian ako ng malaki. Weird.

Palihim ko siyang tinitignan pero may kausap na siya sa phone pero nakatingin parin saakin. Anong meron sa lalaking 'yon? Ang weird at ang creepy naman niya.

Hinayaan mo nalang ang lalaki kahit na napaka lagkit ng tingin saakin dahil sa sobrang lagkit ay ayaw maalis ng tingin niya saakin at tumatawa siya at ngumingiti habang may kausap siya sa phone.

Ang weird niya talaga.

Binigay ko ang order niya dahil at paalis na ako ng mag salita siya.

"Valentine right?" Napalingon ako sakanya.

"Y-yes sir."

"Maganda ka nga."

"Ha?"

"I said you're beautiful and..." Bumaba ang tingin niya sa katawan ko. "Hot."

"FCK YOU LEO!" Napatingin ako sa phone niya dahil kahit hindi naka speaker ay rinig na rinig ang malakas na mura.

"Shut up, sky. I'm complimenting her." Aniya na malaki ang ngiti at parang inaasar nito ang kausap niya.

Pero sky? Nako! Ang imposible, imposibleng si sky 'yon baka kapangalan lang niya.

"May kailangan pa po ba kayo sir?"

"Your number. I need your number miss Valentine." Aniya na maotoridad ang boses pero bakit ako matatakot? Sabi ni sky huwag kong hayaang ginaganito lang ako ng mga tao, na kinakaya kaya nila ako. Tinaasan ko siya ng isang kilay na halata naman sa mga mata niya ang pagkagulat.

"Hindi kasama sa service namin ang pagbibigay ng number. And sir, this is not a bar for you to get my number and take me out. Good day sir." Seryosong sabi ko at may narinig akong malakas na tawa mula sa phone niya.

Hindi ko na ito pinansin pa at nagpatuloy sa trabaho. Hindi ko namalayan ang pag alis ng lalaki pero mukhang nainis siya sa sinabi ko, pero anong pakialam ko?

Habang nag ta-trabaho ako, bigla akong may nakitang pamilyar na tao na dumaan sa restaurant.

Teka, assistant ni lei 'yon ah!

Mabilis akong lumabas sa restau at hinabol ang assistant ni lei. Nang maabutan ko siya at agad ko siyang tinawag.

"A-ahh good afternoon po, 'di ba ikaw 'yong assistant ni Sky Lei?"

Chasing The Horizon (Chasing Series #2) ON-GOINGWhere stories live. Discover now