Chapter 1

13 0 0
                                    



Maaga akong nagising, well maaga naman talaga akong nagigising, or should I say.. hindi ako natutulog?

I'm having a trouble sa pagtulog. Kaya kapag madaling araw na ay nagluluto na ako ng pagkain para pag gising ni bethlog at aleepunga ay kakain nalang sila t wala ng iintindihin pa. Naging daily routine ko na rin ito, sila kasi ang tumanggap saakin dito sa apartment mula no'ng mag layas ako saamin.

Yes, lumayas ako dahil hindi ko na kaya. Gusto ko ng tuluyan ng lumayo sakanila. Ayoko ng silang kasama dahil sila ang dahilan kung bakit ako nagkaganito, at ayokong umabot sa puntong sisisihin nila ako kung bakit ako naging ganito.

Nagtra-trabaho ako bilang waitress sa isang restaurant dito sa mall. Siyempre kailangan kong kumayod mag isa. Hindi ako masyadong namo-mroblema sa upa ng bahay dahil pinakilala ako ni lee sa landlady na pinsan niya ako. Nag tutulong tulong naman kami dito sa gastusin sa apartment. At hindi kami nahihirapan sa pagbabayad dito sa apartment. Share kami sa lahat, hati hati kami sa gastusin.

Dinadamayan nga namin itong si aleepunga dahil namatay ang ex niya na mahal parin niya hanggang ngayon. Kaya ayon, nag kukulong sa kwarto niya at hindi pa kumakain mula kagabi. Chineck ko ang doorknob ng kwarto ko, sinisigurado ko kasing palagi ko itong nilo-lock tuwing lumalabas ako sa kwarto. Hindi ako nagpapapasok dito sa kwarto ko at alam ni beth at lee 'yon. At nirerespeto naman nila ang privacy ko. Maging ako naman ay hindi pumapasok sa kwarto nila na walang pahintulot.

Kinatok ko ang pintuan ng kwarto ni lee. "Lee, kumain ka na. Hindi ka pa kumakain mula kagabi."

"Ano? Ayaw parin lumabas?" Napatingin ako sa likod ko, si beth. Umiling ako sakanya bilang sagot. "Oo, eh." Sagot ko.

"Hayaan nalang muna natin. Tara na mauna na tayo."

"Sige." Muli kong sinulyapan ang pintuan ng kwarto ni lee bago ako naglakad papunta sa dining at naupo.  "Hayaan muna natin siya, sure naman akong pag alis narin ay saka siya lalabas. Hayaan muna natin siyang mag grieve." Tumango ako bilang sagot.

Tama naman si beth, hayaan nalang muna naming magluksa si lee, at kapag okay na siya, saka nalang namin siya kakausapin. Eh, sa ginagawa niya ngayon ay halata namanh gusto muna niyang mapag isa.

"Anong oras ka aalis?" Tanong ni beth. "Ahh mga 9:30 pa, bakit?"

"8 aalis na ako. Ayokong ma-late at baka masisante pa ako 'no."

Pagkatapos namin kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan namin. Nag ligpit lang ako ng konti tsaka ako nag bihis.

Muli kong kinatok ang kwarto ni lee. "Lee.. gising ka na ba? Kapag kailangan mo ng makakausap, nandito lang kami. Aalis na rin pala ako mamaya, ikaw na muna ang bahala rito sa apartment, ha? Nagluto na rin ako, kumain ka nalang. At kung may kailangan ka, sabihan mo lang kami. Magiging okay din ang lahat." Nakayuko akong umalis.

Nagpunta na ako sa restau at baka ma-late pa ako, ayokong mabungangahan ulit. Pag dating ko sa restaurant ay nag lilinis sila kaya tumulong na ako.

"Oh ang aga mo naman Tin."

"Hindi naman, sakto lang." Sagot ko kay Ash. Si ash isa na naging malapit dito, no'ng bago ako ay siya ang nag guide saakin at no'ng pumapalpak ako siya rin ang sumasagip saakin kaya madalas siyang napapagalitan dahil inaaako niya ang kapalpakan ko. Buti nga at hindi siya natanggal.

Nag simula na kami sa pag trabaho, mabuti nga ay konti lang ang customers ngayon. "Tine, puwede bang ikaw ang mag serve nito doon sa table na 'yon."

"Hindi ba't ikaw dapat ang mag serve nito sakanila?"

"Ayoko eh."

"Loh, bakit ayaw mo?"

"Sige na, please? Eh ex girlfriend ko kasi 'yong babaeng nandoon. Naiinis ako kapag nakikita ko siya lalo pa kung kaharap."

Chasing The Horizon (Chasing Series #2) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon