Chapter 2

6 1 0
                                    


Sobrang bigat ng pakiramdam ko at napaka init ko. Dala na rin siguro ng paso ko sa kamay. Hindi ko tinanggal ang benda sa kamay ko, hindi na rin ako naligo. Late nga akong nagising kaya hindi na ako nakapag luto.

Bago ako umalis nag iwan ako ng note dahil baka ma-late pa ako. Hindi ko mapigilang maantok sa jeep, hindi ako nakatulog ng maayos, although hindi naman talaga ako nakakatulog.

Pag dating ko sa restaurant ay tumulong na kaagad ako sa pag lilinis. "Oh bakit pumasok ka? Tignan mo nga ang kamay mo nakabenda, mukhang malala-"

"Ash, okay lang ako."

"Nag aalala lang naman ako. Kasalanan ko naman kung bakit ganyan ang nangyari sa kamay mo. At isa pa, hindi ka makakapag buhat."

"Problema ba 'yon? Eh puwede namang ako nalang kumuha ng orders nila."

"Puwede. Pero paano ka makakapag sulat?"

"Alam mo ikaw ang dami mong inirarason para hindi ako mag trabaho ngayon 'no? Ano ka ba? Kaya kong mag sulat sa parehong kamay kaya no need to worry."

"Talaga? Kaya mo?"

"Oo, gusto mo sabay pa."

"Weh? Maniwala?"

"Ewan ko sayo bahala ka na nga." Anas ko at kinuha ang ballpen at scratch paper. Hindi ako dumidikit sa mga ka-trabaho ko at baka mahawakan nila ako malaman pa nilang mainit ako. Eh sobrang init ko, hindi naman puwedeng hindi ako magtrabaho, sayang rin ang isang araw na kikitain ko.

Sa dami ng customers ngayon ay sobrang sakit na ng paa ko at sobrang sakit na rin ng kamay ko sa kakasulat, ayoko pa man din magkamali. At sobra na akong pinagpapawisan, hindi kami makapag break dahil maraming customers ngayon at konti lang kami at walang papalit saamin.

Madagsa kasi ang restaurant na 'to kahapon konti lang talaga ang customer ewan ko lang no'ng pag uwi ko.

Lakad dito, lakad doon dahil sa paglapit ko sa mga customer para kunin ang order nila. Tutok ako masyado para hindi ako magkamali ng sulat.

Nakakaramdam na ako ng sobrang pagod, napatingin ako sa kamay ko. Napahawak na rin ako sa tuhod ko. May nakita akong pumasok kaya tumayo ako ng tuwid at inayos ang postura pero bigla akong nahilo kaya napakapit ako sa lamea na malapit saakin. Winilig ko ang ulo ko at umayos.

"Good afternoon sir, what's your order?" Tanong ko at pinatong ang scratch paper sa wrist ko.

"Are you okay?"

"Yes sir I'm oka-" Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino ang nasa harap ko.

"O-oh, b-bakit nandito ka?" Uta kong tanong.

"Kakain."

"Oo nga pala. Anong order niyo sir?"

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Okay ka lang ba? Namumutla ka at pinagpapawisan ng husto."

"Okay lang ako." Nahuli ko ang pag tingin niya sa kamay kong nakabenda.

"Hindi mo pa ba napalitan ng dressing 'tong kamay mo? Aniya at biglang hinawakan ang kamay ko na agad kong binawi kahit masakit dahil sa paghawak niya.

"Bakit ang init mo?"

"Ha? Kamay ko lang 'yon-"

"Stop lying and making excuses." Sambit niya at nilagay ang likod ng palad niya sa noo ko.

Chasing The Horizon (Chasing Series #2) ON-GOINGOù les histoires vivent. Découvrez maintenant