Chapter 5

2 0 0
                                    


Pinag mamasdan ko lang silang nagkakasiyahan at hindi ko maiwasang mainggit. Ang saya nila, kasama pa ng birthday celebrant ang mga kaibigan niya. Pinsan ni lei ang babae.

"Ikaw nag debut ka?" Napatingin ako sa gilid ko. Si ash ang nagtanong.

"Hmm." Tumango ako. "Talaga? Naks! Sinong mga 18th roses mo? Masaya ba?"

"Hindi."

"Bakit naman hindi? Eh nag debut ka."

Hindi ko naman nakasama ang mga kaibigan ko.

"Basta hindi ko feel. May pagka garbo dahil may 18th roses, candles, bills. Okay na ako first dance ko si tito, pero hindi ko naman kasama ang lolo't lola ko at nga pinsan ko sa mother side ang nga kaibigan ko."

"Bakit naman? Hindi invited?"

"Malayo sila saakin. Hindi ko ginustong mag celebrate ng may mga 18th 18th na 'yan. Dahil ang plano ko lang naman noon ay kumain sa labas kasama ang mga kaibigan ko, si lolo't lola ko. Gano'n lang."

Hindi maganda ang kinalabasan ng debut na 'yon. Dahil nagkroon ng problema, hindi nabayaran kaagad ang photographer dahil nagkaroon ng problema sa pera at hindi sila nagkaintindihan kaya ayon, naging utang, tapos sinabihan na akong feeling mayaman, mga pangbabatikos ang natanggap ko. Hindi ko naman ginusto 'yon dahil ang gusto ko lang ay anv  mag celebrate sa probinsya namin. Napilitan nalang ako.

Pinunasan ko agad ang luha ko na tumulo. Kung maaari ayoko nalang alalahanin ang mga bagay na 'yon. Kaya nga lumayo ako sa lahat, at pumunta ako sa lugar na kung saan walang nakakakilala saakin.

Sinerve namin ang mga pagkain sakanila at napunta pa ako sa table kung saan naka upo si lei, hindi pa man din ako nakakalapit ay tumayo na ito at agad na lumapit saakin at kinuha ang mga dala ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Helping you."

"Hindi na kailangan, trabaho ko 'to."

"I don't care." Napakunot ako ng noo.

"Kilala mo siya sky?" Tanong ng isang babae.

"Yes." Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa.

"Hindi ba't jacket mo 'yan?" Napatingin ako sa bewang ko. Shoot! Hindi ko natanggal!

Tatanggalin ko na sana pero pinigilan ako ni lei. "Yes, and?"

"She's my girlfriend." Nalaglag ang panga ko sa ibinigkas niya. Hinapit niya ang bewang ko palapit sakanya pero agad kong tinanggal 'yon.

"Sky! Omg!! Thank you for this surprise celebration!" Napatingin ang pinsan niya saamin. Yumuko ako at nag excuse ako at naglakad paalis do'n. Siraulo ba siya!? Girlfriend!?

Nag cr ako saglit dahil ihing ihi na ako. After kong umihi nag hugas ako ng kamay ko at nag sabon, kumuha ako ng tissue at nagpunas. Paglabas ko nagulat ako.

Muntik na akong atakihin sa puso!

"A-anong ginagawa mo rito? Babae lang puwede sa cr na 'to."

"Alam ko." Aniya at tumawa. Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Aren't you gonna ask me kung bakit sinabi kong girlfriend kita?" Umiling ako. Wala naman akong pakialam. At isa pa, hindi naman totoo.

"Why?" Nag kibit balikat ako.

"Hindi ka ba galit?"

"Why would I?"

"Iba ka talaga."

"Iba? Ako?" Turo ko sa sarili ko. "You're different, a rare one."

"Alis na 'ko kailangan ko pa mag trabaho." Sabi ko.

Chasing The Horizon (Chasing Series #2) ON-GOINGWhere stories live. Discover now