Chapter 3

4 0 0
                                    


Trigger Warning!
This chapter may include Self-Harm! This chapter is disturbing, So I encourage everyone to prepare themselves emotionally before proceeding. If you believe that the reading will be traumatizing for you, then you may choose to forgo it.

****

"Miss, can we have a water please?" Agad akong kumuha ng tubig at ibinigay sa babae. Nagpasalamt naman ito kaya ngumiti ako ng konti sa babae.

"Hayss buti hindi gano'n karami ang customers." Napatingin ako kay ash.

"Buti sinabi mo."

"Oh, siya nga pala, okay na ba ang kamay mo?"

"Oo, okay na rin." Ilang araw naman na ang lumipas kaya naghihilom na.

"Alam mo ikaw, napaka sutil (makulit) mo."

"Bakit? Anong ginawa ko?"

"Alam mong may lagnat ka pumasok pasok ka, kung hindi ka naman siraulo."

"Sayang naman ang swe-suwelduhin ko 'no. Tsaka no'ng araw na 'yon maraming customer kaya buti nalang pumasok ako."

After no'ng araw na 'yon ay hindi ko na muling nakita ang lalaki. Eh, hindi ko naman siya kilala pero nagpapasalamat ao sakanya at isa pa, naghihilom na ang paso ko sa kamay kaya wala na siyang responsibilidad pa saakin.

"Hindi ko alam sayo. Tine matanong lang, kilala mo ba 'yong lalaking kasama ng ex ko? Napapansin ko no'ng nakaraan parang malapit kayo sa isa't isa."

"Ha? Hindi 'no hindi ko siya kilala."

"Eh bakit madalas magkasama kayo?"

"Anong madalas? Eh dalawang araw lang naman."

"Kahit pa, pero kung makadikit sayo parang boyfriend mo, umamin ka nga boyfriend mo ba 'yon?"

"Aba'y siraulo, kasasabi ko lang na hindi ko kilala 'yong tao tapos boyfriend pa?"

"Oo nga, sorry naman. Hindi kaya, may gusto 'yon sayo? Eh playboy naman pala tarantado, jinowa niya ang ex ko tapos ngayon didiskartehan ka? Mukha namang hindi ikaw mga tipo niya." Jinowa? Eh sabi niya kalandian niya?

Kung sabagay tama naman si ash, hindi ako ang tipo ng lalaki na 'yon. Teka, bakit ba iniisip ko ang bagay na 'to?

"Eh bakit namamaga ang mata mo? Pinaiyak ka ba ng lalaking 'yon?"

"Sira! Hindi 'no. Nanood kasi ako ng drama kagabi, hind ako makatulog."

"Weh? Kung gano'n ano ang pinanood mo?"

"Bahay Kubo ni maricel soriano." Palusot ko. Hindi naman talaga ako nanood, matagal ko ng napanood ang palabas na 'yon dinahilan ko lang dahil nakakaiyak ang palabas na 'yon. Siyempre nag drama nanaman ako kagabi, masisi ba nila ako?

Nagpatuloy kami sa pagtrabaho at ng magkaroon kami ng break time ay sabay na kaming kumain ni ash, inaya niya rin naman ako kahit wala akong ganang kumain.

***

Sa ilang araw na pag ta-trabaho ko, sa wakas! Nagkaroon din ng day off. Day off ko ngayon kaya narito ako sa apartment kasama si aleepunga at bethlog. Nandito nga ang kasintahan niyang si nicket, balak nilang mag movie marathon kaya ito nag hahanda ako ng makakain namin para mamaya. May binili ring cake si nicket kaya inilagay ko muna sa fridge.

Napatingin ako kay aleepunga na bitter ang mukha dahil sa naglalampungan na bethlog at burnick.

"Kadiri." Rinig kong bulong ni aleepunga. Confirmed! Bitter ang aleepunga na 'yan. Tuwing nasa apartment kami ay naka spaghetti strap lang palagi kami at shorts, kaya parang twinning pag nasa apartment.

Chasing The Horizon (Chasing Series #2) ON-GOINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora